LIHIM ang naging paghanga ni Ahtisa sa malaki ring mansiyon na pag-aari ng pamilya ni Zayne sa San Bartolome. Makikita mo talaga sa instraktura na hindi iyon basta-basta. Lalo na ang mga naninirahan. Malawak din ang lupain nina Zayne bago marating ang mismong mansiyon ng mga ito. Kumbaga, wala sa bungad ang mismong tirahan. Hindi katulad sa Casa Mariana na nasa medyo bungad ang kanilang ancestral house. Napakaganda rin ng harapan ng malaking mansiyon na napapaligiran ng mga naggagandahang halaman. Tingin niya, mahilig sa mga halaman ang ina ni Zayne at hindi na iyon kailangan pang isatinig. “Alam ba ni Tita Corazon na kasama mo kaming parating?” tanong pa ni Kieran sa pinsan nitong si Zayne nang makababa silang lahat sa sasakyan. “Of course,” tugon ni Zayne. “Kaya nga nagpahanda ng espe

