DAHIL alam ni Ahtisa na anumang oras ay susulpot na lang sa gamit niyang silid si Kieran, kaya naman nagtago siya sa likod ng heavy curtain. Ang mga ilaw ay nakapatay na rin maliban sa iniwan niyang lampshade, sa may bedside table, na tanging nakabukas ang mga ilaw. Medyo dim ang liwanag na mayroon sa loob ng silid na iyon. At sa kama, naggawa pa siya roon ng style na natutulog na tao. Pero unan lang ang naroon na natatakluban ng comforter. Hindi rin kaagad siya basta makikita sa likuran ng heavy curtain. Nakagawa naman siya ng paraan para masilip si Kieran oras na pumasok ito sa kaniyang silid. Lihim pa nilang usapan kanina na magpapalipas lang si Kieran ng isang oras, simula nang umakyat sila, matapos nilang kumain ng late dinner nila. At iilang minuto na nga lang at lilipas na ang is

