LORABEL Ilang araw na ang lumipas at unti-unti na rin gumaganda ang aking pakiramdam. Nawala na ang sakit ng aking ulo, pero maraming pagkakataon na nakakaramdam ako ng labis na pagkahilo, kaya dito na lamang muna ako nanatili sa bahay ni Uncle Zarex. Ang sabi naman ng doktor ko ay normal lang ito dahil dala ng pagbubuntis ko. Aware naman ako dito dahil noong nag-aaral pa ako ng nursing ay kasama ito sa highlights ng aming mga pinag-aaralan. Sabado ngayon, at bukas ay Linggo na, kaya ikakasal na rin kami ni Uncle Zarex. Sa civil lang daw muna at hindi magarbo, pero gusto pa rin niya ng maayos na venue. Hindi muna kami nag-imbita ng mga kaibigan dahil ang gusto ko ay sa araw ng kasal namin sa simbahan ko sila iimbitahan. Ngayon kasi, mas gusto kong pribado muna ang kasal namin. Saka