LORABEL Nanginginig ang aking mga kamay habang nakayuko at nakatingin sa hawak kong cellphone. Hindi ko magawang magpaliwanag sa mga taong kaharap ko dahil natulala ako. Hiyang-hiya ako sa mga ikakasal, pero walang lumabas na kahit ano mula sa mga labi ko dahil mabilis na umaagos ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Alam kong nandito ang taong nagpadala sa akin ng mga text message dahil nakita niya kung paano ako napahiya. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko at wala akong mukhang maiharap sa kanilang lahat, pero para akong tuod na nakatayo dito sa gitna ng simbahan. Hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa. Para bang napako ito sa kinatatayuan ko, at wala akong ibang nararamdaman sa aking paligid maliban sa mabilis na pintig ng aking puso. “Lorabel, anong nangyari sa iyo?” Pamily