LORABEL Wala akong magawa kundi ang lumabas sa istasyon ng pulis dahil hindi umano ako puwedeng magtagal doon. Ayaw rin ni Zarex na naroon ako at nakikita ang kalagayan niya, kaya nakiusap siya sa akin na umuwi na ako at sumama kay Mommy. Naawa ako sa kaniya, pero wala akong magawa. Ang sabi sa akin ni Adi, siya umano ang bahala at huwag akong mag-alala dahil kaya niyang ilabas si Zarex sa kulungan, pero kailangan raw muna niyang manatili doon habang inayos pa nila ang kaso ng asawa ko. Para bang may iba silang pinaplano, pero hindi nila sinabi sa akin. Si Brando naman, mukhang nanlaban sa mga pulis na humuli sa kaniya dahil maga ang kaniyang mukha at marami siyang pasa at sugat. Ang sabi ni April, binugbog daw ng mga pulis ang kaibigan ko nang pasukin siya sa kaniyang bahay sa Bulaca

