LORABEL “What? Jezzzz, what happened?” Napatingin ako kay Mommy Cassandra nang marinig ko siyang tinanong ang kausap sa cellphone. Napatakip siya ng kamay sa kaniyang labi. Para bang nagulat siya at na-shock sa natanggap na balita. Gusto ko sanang magtanong sa kaniya, pero patakbo siyang umalis dito sa sala at umakyat ng hagdan. Nakasunod ang aking mga mata habang umaakyat sa ikalawang palapag si Mommy Cassandra. Kitang-kita ko ang gulat, takot, at pagkabalisa sa ekspresyon niya habang kausap ang tumawag sa kaniya. Para bang may natanggap siyang masamang balita, pero hindi ako nagtanong sa kaniya dahil nawalan ako ng pagkakataon. Hindi nagtagal, nakita kong bumaba si Mommy Cassandra dala ang kaniyang bag at inutusan niya si Kuya Imran na ipagmaneho siya dahil may gusto siyang puntah

