LORABEL Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng kotse ni Uncle Zarex. Ang tagal naming nagtalo, pero nagmatigas talaga siya kahit nakita niyang nainis ako. Ito ang unang pagkakataon na nag-away kaming dalawa ni Uncle Zarex. Nag-sorry naman siya sa akin nang umuwi siya kagabi, pero ayaw niyang tigilan ang pagseselos, kaya naiinis ako sa kaniya. “Bakit nakasimangot ka, Belle?” tanong ni Faye sa akin. Siya ang una kong nakita dito sa tambayan namin. Nauna pa siya sa amin ni Brando, gayong kami ang unang nauuna dito sa ilalim ng puno, pero dahil matagal akong nakalabas ng kotse ni Uncle Zarex, hindi agad ako nakapasok. “May problema ka ba?” muling tanong ni Faye nang umupo ako sa tabi niya. “Wala naman, nainis lang ako sa lalaking kausap ko kanina,” sagot ko. “Bakit, anong nangyari?