LORABEL Hindi namin inaasahan ang tangkang pagdukot kay Faye sa labas ng campus ng mga armadong kalalakihan, kaya nagkaroon ng barilan at may ilang namatay at nasugatan. Nabaril rin si Mang Tomas. Hindi ko na rin nakita si Faye pagkatapos noon dahil ang sabi niya sa group chat naming tatlo ay dinala siya ng kaniyang asawa sa isang bahay bakasyunan sa Laguna. Maging si Brando ay hindi na rin pumasok. Ang sabi niya ay na-trauma daw siya, kaya simula nang magkaroon ng barilan ay hindi ko na siya nakita. Sa aming tatlo, ako lang ang mag-isa na pumasok sa campus at tinapos ang araw ng pagsusulit. Nauunawaan ko naman kung bakit ganoon ang nangyari sa mga kaibigan ko dahil mahirap para sa kanila ang nangyari, lalo na't nasaksihan nila ang madugong engkwentro na iyon. Mabuti na lang at nakal