Chapter 143

2100 Words

LORABEL Matapos ang binyag ng mga anak ko, bumalik kami sa bahay namin dito sa Bulacan dahil mas gusto kong tumira dito. Tahimik kasi ang paligid, malamig ang simoy ng hangin, at malawak ang kapaligiran. Tapos, malayo sa mga kapitbahay dahil malawak ang ari-arian dito ng asawa ko. Sina Mommy naman, palagi silang narito ni Daddy basta may pagkakataon sila at hindi busy ang aking ama. Si April naman, kinausap na siya ng mga magulang ko, at unti-unti ay nagiging maganda na ang kanilang relasyon. Pumupunta na rin siya dito sa bahay kasama si Brando kapag Lunes at wala siyang pasok sa restaurant. Naging magaan na rin ang atmosphere sa pagitan namin kahit pumupunta siya dito sa bahay. Ang sabi ni Mommy, malaki na raw ang pinagbago ni April dahil natuto na siyang gumawa ng mga gawaing bahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD