LORABEL Malakas na singhap ang kumawala sa aking mga labi nang makita ko sa telebisyon kung paano pinasok sa loob ng police patrol car ang asawa ko. Sinundan pa rin siya ng mga reporter at nakatutok sa kaniya ang camera. Paulit-ulit siyang tinanong kanina ng mga reporter at humihingi ng komento tungkol sa kasong kinasangkutan niya, pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Matigas at madilim ang ekspresyon ng asawa ko. Kahit wala ako sa lugar kung saan siya hinuli ng mga pulis, nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang kaharap ang maraming pulis at nakatutok sa kaniya ang mga camera at paulit-ulit siyang tinatanong ng mga reporter na nakapaligid sa kaniya. “Ma'am, okay ka lang ba?” tanong ni May sa akin. Hindi ako sumagot. Nanatiling nakatingin ang aking mga mata sa malaking sc

