Chapter 83

2133 Words

LORABEL Mapait akong napangiti nang ibaba ko ang aking cellphone dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhana. Naalala ko kung paano ako tiningnan ng masama ni Aila at kung gaano kalakas ang sampal na natanggap ko mula sa kaniya nang sugurin ako ng anak-anakan niya. Mas lalo akong nasaktan sa natuklasan ko dahil mismong mga magulang ko ay hindi nila ako nakilala nang makaharap ako, gayong kamukha ko naman si Aila, pero wala na rin akong balak lumapit sa kanila. Inalis na nila ako sa buhay nila, kaya mas mabuting huwag na akong lumapit sa kanila at magpakilala dahil kahit ano pa ang sabihin ko sa kanila ay hindi na magbabago ang katotohanan na itinapon nila ako at ibang tao ang pinili nilang palakihin kapalit ko. Dahil sa natuklasan ko, lalo lamang namuo ang galit sa aking dibd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD