NAKATULOG si Alina matapos magbukas ng mga regalo. Ginising lang siya ng mainit na bagay na humahalik sa kaniyang mga labi. Namulatan niya ang mukha ni Elias na nakadukwang sa kan’ya. “Hi!” paos nitong bati. Kumilos na siya at marahang umupo. “Nariyan ka na pala. Ano’ng oras na?” aniya. “It's noon already. I bought some food for lunch,” anito. “Kakain na ba tayo? Maliligo pa sana ako.” “You take a bath first.” Kinuha nito ang brown envelope na nasa mesita. Bumaba siya ng kama at sana’y papasok ng banyo ngunit natuksong abangan ang pagbubukas ni Elias sa envelope. Curious siya sa laman nito dahil parang papel lang ang nasa loob. Pumasok siya sa banyo pero nakasilip sa siwang ng pintuan. Pinanood niya si Elias habang binubuksan ang envelope. May inilabas itong papel, tila isang titulo