GABI na sila nakabalik ng resort dahil may nakasabay na politician si Elias sa golf field. Inimbita pa sila nitong mag-dinner sa kilalang restaurant. Na-drain na ang lakas ni Alina sa maghapong kakalaro at gala. Pagkatapos mag-shower ay kaagad siyang humiga ng kama. Nasa labas pa ng penthouse si Elias at may kausap sa cellphone. Hindi na niya ito hinintay at naunang natulog. Mabilis siyang nakatulog pero maaga ring nagising dahil sa disturbing na ingay. Alas singko pa lamang ng madaling araw at wala na sa kama si Elias. O baka naman hindi ito natulog. Napabalikwas siya ng upo nang may lumagabog mula sa banyo. Nakabukas din ang shower sa loob. Napatayo na siya nang nasundan pa ang lagabog na tila may sumusuntok sa pader. Lumapit siya sa pintuan ngunit nag-alangang buksan ang pinto. Bigla