Chapter 40

2005 Words

PINAKIKIRAMDAMAN ni Alina si Elias dahil pansin niya na pabagu-bago ang mood nito, minsan masaya, madalas seryoso. Sarili ata nito ang nagti-trigger sa emotions nito. Maayos naman niya itong kinakausap. May nabasa lang ito sa cellphone nito, nagsungit na naman. “Give me your phone, Alina,” sabi nito sa matigas na tinig. Katatapos lang nilang maghapunan at nakahiga sa kama. “B-Bakit?” kabadong tanong niya. “Just give me your phone!” pilit nito. Inilahad na nito ang palad sa kan’ya. Confident naman siyang ibigay rito ang cellphone niya dahil naka-lock ang inbox niya. Wala itong mababasang conversation. Ang bilis nitong nakabisado ang password niya at nabuksan ang cellphone. Mariing nakakunot ang noo nito habang kinakalikot ang kaniyang cellphone. “I’ll install an application here,” sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD