PAULIT-ULIT na pinanood ni Alina ang video nina Elias at daddy niya. Hindi na natuyuan ng luha ang kaniyang mga mata. Napahiga na siya ng kama at yakap ang sarili habang humahagulgol. In the end, she realized that Elias was the only person who would remain on her side. Kahit nagawan nito ng masama ang daddy niya, may mas malaking positibong epekto rin ito sa kanila. Her father trusted Elias, and he had to trust him, too. Nang mahimasmasan siya ay lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa second floor. Hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto ni Elias kaya pumasok siya. Nakahiga na patagilid ng kama si Elias at tulog. Hindi siya nakatiis at marahang sumampa sa kama at yumakap kay Elias buhat sa likuran. “I’m sorry, I misunderstood you. Si Daddy lang ang pinagkatiwalaan ko, at dahil pinaubaya ni