SABADO ng hapon ay nagtungo ang mag-asawa sa family house ng mga Angeles sa Clark. Biglaan ang imbitasyon ni Lola Cora kaya hindi nakapaghanda si Alina. May family gathering umano ang mga ito at pagdidiwang din dahil nadakip na umano ng mga pulis si Marlon. Ikinulong na rin ang ibang mga taong nagsisilbi rito pero may ilang nagtatago pa. “Totoo nga na buntis ka na, Alina! Hay! Salamat naman at magkakaapo na ako sa mga anak ni Mariano,” eksaheradong sabi ni Lola Cora. Naging sentro sila ng atenisyon ng lahat. Nasa function room sila dahil doon nakahain ang mga pagkain. Nagsidatingan na rin ang ibang kamag-anak ni Elias. “Nagsisimula na po ang cravings ni Alina,” sabi naman ni Elias. “Talaga? Pahipo nga ng tiyan mo, hija.” Marahang hinipo ng ginang ang kaniyang puson. “Ano ba ang hinahan