“WHAT happened to your mother, Alina?” tanong ni Elias. “Naglaslas siya ng pulso,” balisa pa ring turan ni Alina. Napahilot sa sintido si Elias. “She lost control. Maybe her depression was triggered after the revelation of her secret.” Pagdating sa ospital ay sumugod na sila sa emergency room. Nagtataka siya bakit ang tiyahin lang niya ang naroon sa labas ng silid, wala si Ara. “Tita, nasaan si Ara?” tanong niya sa ginang. “Eh, umalis siya kaninang hapon matapos nilang magtalo ng mommy mo,” ani Luisa. “Ho? Saan siya nagpunta?” Nagatungan ang kaba niya. “Hindi niya sinabi, eh. May dala siyang maleta.” “Si Mommy, kumusta na?” “Inaasikaso pa ng doktor. Marami na ang nawalang dugo sa kan’ya.” Hindi na siya mapakali at balakad-lakad sa harap ng silid. Pinigil na siya ni Elias sa kana