Nakalabas na si Prinsipe Johan sa meeting room nang may dalawang brasong umakbay sa kanya. Napatigil siya ng bahagya para tingnan kung sino ito. Agad niyang pinaikot ang mga mata nang makita kung sino ang salarin.
"Ang akala ko ba, wala kang pake-alam kay Jerry? Ha?" Tunog na may panunudyo ni Prinsipe Collisse. He put his weight against his shoulders at nalambitin pa na parang unggoy. Hindi pa ito nakontento at anyo pang sasakay sa likod niya. Napangiwi siya ng kaunti.
"Collisse, ano ka ba?! You're too heavy!" Inalis nito ang mga nakapulupot na mga braso sa leeg niya. He glared at the lawyer. What a man.
Minsan, tinatanong niya sa sarili kung magaling na abogado nga ba ang pang-limang prinsipe o nadadala lamang ng angking swerte nito kaya naiipanalo ang mga kaso. He stared weirdly at him. Napakaimposible talaga.
How come na iyong abogado kanina na nagbabato ng mga tanong at paliwanag sa meeting, wearing that stern and scary look at itong kaharap niya ay iisa? Napailing-iling na lamang siya.
Baka may kakambal rin ito. Hindi lang siya nainform.
"Ah. My neck.." He brought his one hand over his nape and bent on one side, then to the other side. Nabali pa ata ang leeg niya.
The lawyer looked at him with those judging eyes of him. "Ang arte, arte mo naman.." Ang sabi pa nito at sinabayan siyang maglakad. "Pupuntahan ba natin si Jerry?"
Tumigil si Johan sa paglalakad at tiningnan ang kausap. "Ahh.. in what reason?"
"Well.. to hang out?"
Nagpakawala ng malulutong na tawa si Prinsipe Johannes sa naging sagot ng panglimang prinsipe. "Ah. That's too funny.." He put his one hand over one corner of his eye at pinahid ang tumakas na luha doon.
"Ano namang nakakatawa roon?" Nakakunot na ang noo nito. "Bakit parang bago bago ka pa? Did we usually do that since we're kids?"
"Right. Kids.." Diniin niya ang huling salita. "Hindi na tayo mga bata Collisse. Marami na tayong responsibilidad. Wala tayong oras para tumambay.." He shoved his hands inside his pockets, his one leg stepping forward. "Saka pwede ba, wala akong pake-alam sa kanya. If you're talking about earlier then I told them that.. not to save him from speculations, but because it will earn me merits.." Ngumisi siya sa kanya, itinigil sa paghakbang ang kabilang paa. "In life, you need to work smarter. I thought you're a lawyer?"
Natahimik na lang bigla ang kanyang kausap. Mukhang wala na ring maisagot sa mga sinabi niya ang panglimang prinsipe. Nakita niya itong humalukipkip, habang umiiling-iling sa kanyang direksyon.
"I pity you, Johan.."
Iyon lamang ang binitawan na salita ni Prinsipe Collisse at iniwan siya nito sa kahabaan ng pathway. Napakunot ang kanyang noo.
Kaawaan? Sa anong dahilan naman?
Para sa kanya ba iyon?
Siya? Of all people?
Prince Johannes shook his head while looking at the prince's retreating back. He also faced the otherside of the path and started walking away. Kailangan niyang mapuntahan si Lyca at maabisuhan sa mangyayaring paligsahan, ikalawang araw mula sa araw na iyon.
- - - - -
Sinuot ni Lyca ang nakahandang bestida na putol ang mga manggas at sandals sa bandang paanan ng kama niya. Inayos niya ang strap ng kanyang sandals paikot sa kanyang mga paa. Laking pasasalamat niya nga dahil napaunlakan ni Clover iyong daing niya nung isang gabi. Madalas kasi siyang nagsusuot ng matataas na sapatos na hindi naman niya nagagawa sa labas ng Palasyo. Usually ay naka flat shoes at tsinelas lamang siya. Kaya ayun, puno ng blisters ang mga paa niya. Nahihirapan tuloy siyang humakbang. She smiled at itinaktak ang sandals sa sahig na may carpet.
Pagkalabas niya ay tiningala niya ang langit. Maaliwalas ang kalat kalat na ulap. Matarik ang araw pero hindi gaanong mainit at hindi gaanong naapektuhan ang balat niya.
The sun kissed her porcelain skin. Masarap ang simoy ng hangin pero hindi naman siya nilalamig. Wala naman siyang maalala na schedule sa kanila sa araw na iyon. Pinalinga niya ang kanyang mga mata sa paligid. Wala rin siyang makitang mga Kapares na busy sa araw na iyon. Tamang-tama talaga ang desisyon niya na lumabas.
She started walking through the path covered with dried leaves. Nagkaroon iyon ng kaluskos at tunog. She tiptoed and raised her hands onto her view at pinasingkit ang mga mata. She smiled. Nakabukas ang gate ng gusto niyang puntahan. Saktong sakto talaga ang labas niya.
The place that she wanted to visit has this spherical and cylindrical shape. Para itong katulad nung nakikita niya sa telebisyon, sa bansang Greece at Europe. May nakapaikot na benches dito na pwede kang umupo habang pinagmamasdan ang daloy ng ilog doon. Kaya nakakatuwa, malinaw rin ang tubig nito na makikita na lumalangoy ang iba't-ibang uri ng isda. Malamig at maaliwalas din ang kapaligiran dahil nababalutan ito ng berde dahil ng mga puno at iba't-ibang klase ng bulaklak. Napangiti siya.
Who knew that the Palace has these kind of treasures and left unrevealed to the outside world? Pero sabagay, knowing some people, maaaring abusuhin nga ng mga ito ang ganitong klaseng kagandang kayamanan. Mabuti na nga iyong itago na lamang.
Makakailang hakbang na lamang siya sa lugar na iyon ng mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na pigura. Nakatalikod ito sa kanya at nakasuot ng itim na hoodie at pantalon. Ang pagkakaiba nga lang, nakababa ang saklob nito at natatangay ng hangin ang mahaba nitong buhok. Nakatingin ito ng tahimik sa ilog na waring may iniisip na malalim.
What a beauty.
Huli na ng malaman niyang naglalakad pa rin pala siya sa direksyon ng hardin. Naapakan niya ang lukom ng layak ng dahon. Napansin agad siya nito.
"K-Kamahalan.." Lyca bowed at the first prince. "Ipagpaumanhin ninyo kung naabala ko kayo. Ngayon din, ay aalis na ako.."
"Sandali lang.."
Anyong aalis na sana siya sa lugar na iyon nang tumayo si Prinsipe Jerremiah at naglakad sa direksyon niya. Sinaklob ulit nito sa ulo ang hoodie nito, his one hand shoved inside his pocket. "Dito ka na lang.."
"P-Po?"
"Ang sabi ko, dito ka na lang.." Tiningnan siya nito. His deep voice registered enough from her ears. "Naabala mo na ako eh. Nasayang na ang oras ko.."
Natikom ni Lyca ang kanyang bibig at napatingala sa prinsipe. Lihim niyang namura ang sarili.
Kahit na hindi sila magkalapit nito habang nag-uusap, alam niyang may angkin din itong tangkad. Nangawit pa rin ang kanyang batok.
Nilagay nito ang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa at hindi na siya tinapunan ng tingin.
"Ikaw.."
"K-Kamahalan?"
"Ikaw ba.. iyong kumausap sa akin, nung isang gabi?" Bumalik ito sa kaniyang pwesto kanina at humarap sa kanya.
"Po?" Ang tinutukoy nito siguro ay iyong insidente na naabutan niya itong may nakatutok na samurai sa isa sa mga bodyguards ng Palasyo. Pumitik siya sa hangin. "Ah. Opo. Ako po iyon.." Ngumiti siya ng kaunti dito.
"Ahhh. So ikaw nga.." Mahaba nitong sagot sa kanya at tumango-tango. "Please refrain from doing those things again. I find it annoying, especially those na hindi humingi ng permiso ko.." Iyon lamang at iniwan siya nitong nakabuka ang bibig.
She was completely astounded by the words of the first prince. Bakit parang kasalanan pa niya? Ikaw ba, kapag may nakita kang tao na basta tinutukan ng samurai o ng kutsilyo o ng kung ano pa man na makakapahamak, tatayo ka na lang ba? Para sa kanya kasi, hindi eh. Hindi niya mapapayagan iyon. Lalo na kung nasa harapan lamang niya. Nilagay niya ang mga kamay sa magkabila niyang beywang habang tinitingnan itong maglakad palayo. Akala pa naman niya ay tahimik lamang ang prinsipe at hindi gaanong nagsasalita. But when he do, he'll talk like alam na alam na nito ang mga pangyayari sa buhay niya kung makapanghusga. Napabuntong-hininga siya.
He was definitely the twin brother of Prince Johannes. Walang duda. Hindi lang mukha ang magkaparehas na magkaparehas, halos ang ugali ay nagkakapareho na.
Umupo na siya sa isang bench doon at nag-unat-unat. Wala siyang intensyon na sirain ang buong maghapon niya. Mabuti na lamang at may magandang tanawin doon siyang nakikita at nawala ang inis niya. She calmed and inhaled the fragrance of the nature.
Hindi dapat siya mainis. Kailangan niyang piliin parin na intindihin ang mga tao. Malay ba niya kung anong pinagdadaanan nito.
- - - - -
Prince Johannes was seen humming an unfamilliar melody while walking through the green road patungong hardin. May hawak itong basket na may laman na bagong pitas na peras sa likod, containers na may lamang spaghetti, orange juice at iyong sandwiches na ginawa ni Brintton. He happened to pass by the kitchen at kinuha niya iyong bagong gawa nito.
Yes. Kinuha niya ng walang paalam.
He chuckled inwardly. Malalagot siya.
Ipapamigay lang naman niya 'yon sa mga babae niya. Mabuti na iyong kinuha ko.
How good of him right? Nabawasan niya pa ang kasalanan niya.
Ang totoo niyan ay pumunta siya sa kuwarto ni Lyca para ayain na kumain sa labas at the same time, sabihin ang patungkol sa unang paligsahan nila. Actually ay mas una niyang naisip ang huli.
Hindi rin biro ang pinagdaanan nito matapos ang insidente. Kaya nga ng malaman niyang nagpunta ito sa may hardin at sa may ilog ay parang nakahinga siya ng maluwag.
Suddenly, he saw someone leaving the said place.
It was no other than, his twin.
Jerry.
Anong ginagawa ng kakambal dito? Magkasama ba sila ni Lyca?
Napahawak siya ng mahigpit sa basket. He started to feel something inside his chest.
Napansin agad ng kapatid ang kanyang presensya at tiningnan siya habang naglalakad. Tumigil ito. Umiwas agad ang nakakabata at nagpatuloy sa paglalakad.
"May ibibigay ako.."
Prince Johannes stopped walking. Hindi siya umikot para harapin ito, bagkus ay hinintay na umurong ang kapatid sa kanya. When he did, he was holding something on his right hand.
"Here.." Nilagay nito sa kamay niya ang kwintas na isinuot ni Lyca noong nakaraang gabi. "Nahulog niya 'yan.."
The younger's eyebrows crooked and looked at the older with those orbs, questioning him. "Bakit mo sa akin binalik? Hindi ba dapat kay Lyca?"
"Hindi kay Lyca 'yan. Sayo 'yan.." Prince Jerremiah's eyes were cold enough to give his twin a shudder. "Hindi ko naman pwedeng ibigay sa kanya kung hindi naman siya ang nagmamay-ari.."
Lumunok si Johan at tiningnan ang kwintas. Tama. Hindi iyon kay Lyca. May ibang nagmamay-ari dito.
Sadly..
He gripped the gold necklace on his palms. Bumibigat na naman ang dibdib niya.
"You're using her, eh?"
"Let's just learn to live by ourselves, shall we?"
"Answer me.."
"If I am, then what?" Pinaikot ng pangalawang prinsipe ang kanyang mga mata. Anong nangyari sa kapatid niyang tahimik lamang? Bakit naging isyoso ito bigla at gusto siyang pinapakealaman?
Nagkibit balikat ito. "Wala.."
Nanatiling nakatayo ang kambal. Ang isa'y nakatayo papunta sa hardin ang isa naman ay paalis na ng lugar. Pero kapansin-pansin ang tila namamayaning kung ano, na sila lamang ang nakakaalam.
Ang pinakamatandang prinsipe ang unang nagsalita. "But.." Hindi ito humarap sa kanya. "Have you heard of this? The past will never help you nor heal you. I'm afraid, it might backfire you.."
Tumawa ang sarkastiko ang nakakabata. "Hindi ko pa naririnig ang isang iyan.." His face molded into a straight expression. Nakakatakot sa bilis ng pagbabago. "I'm sorry, but you should just keep your worry to yourself. I can handle things on my own.."
"Wishing you goodluck then.."
"I have plenty. So, no thanks.."
As Prince Johannes shoved the necklace to the inside of his pockets, nagngit-ngit ang mga panga niya. How dare he remind of him of the past? Ganoon lang ba kadali para sa kanya na sabihin iyon?
Sinipa niya ang batong nakaharang sa dinadaanan niya. Nagpagulong-gulong iyon papunta sa ilog.
Maging siya ay hindi nagulat sa lakas niyon.
It was meant for his brother anyway.