Kabanata 7

1899 Words
"Samantala, nagkaroon ng biglaang pag-atake sa Palasyo, ganap na ika-walo kagabi. Ayon sa mga dumalo, kasulukuyang nagaganap ang Cotillion nang biglang nahulog ang malaking chandelier sa gitna ng bulwagan at umulan ng bala ng baril. Ayon sa.." Michael walked to the front at pinatay ang telebisyon sa ibabang switch ng screen. Pagkatapos ay naglakad ito pabalik sa harapan nila. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa likod. "Ipinatawag ko kayong lahat para pag-usapan ang naging pagsalakay nang nagdaang gabi. Inaasahan ko ang inyong tulong.." Yumuko sa kanila ang kanang kamay ng hari. Prince Johannes respectfully, nodded his head to the man's direction. Ang mga kamay niya ay binuklat na ang dyaryo kung saan headline na nga ang nangyari kagabi. Sumandal siya sa kinauupuan at bumuntong-hininga. He looked at the people inside the room. All of the princes were there. Katapat niya si Prinsipe Sid, habang katabi naman nito iyong team leader ng assistants at mg bodyguard, si Joaquin. Sa kabila nito ay si Prinsipe Brintton, si Prinsipe Collisse, at si Prinsipe Damienne. Katabi naman niya ang ilang kasapi sa Palasyo na pinatawag rin ni Michael. Right. Kulang ng isa pa. Napabuntong-hininga na lamang ulit siya. Kinagabihan ay inanunsyo na nito na nais nitong magmeeting patungkol sa nangyaring insidente. Kaya nang umagang iyon ay nagtipon agad sila para pag-usapan ang mga nangyari bago at pagkatapos niyon. Sa totoo niyan ay sanay na sila sa ganoong pangyayari dahil may mga karatig silang bansa na nais sakupin ang bayan nila. At, sa lahat ng iyon lahat sila ay apektado. But, that incident was quite serious. Halatang ang pag-atake ay para sa mahal na hari. He brought his hand over his chin. Sino nga kaya ang may pakana ng lahat ng iyon? "Prinsipe Collisse.." Simula ni Michael at tinawagan ang panglimang prinsipe. "Kamusta iyong mag-asawa na naaksidente dahil sa lasing nating bodyguard? Wala bang naging problema doon?" Sinara ni Prinsipe Collisse ang kwadernong hawak. He adjusted the eyeglasses through his pointed nose. "Matagal ng tapos ang kaso ng mag-asawa na iyon laban sa atin. We already compensated them a huge amount of money at napatalsik na rin natin iyong bodyguard na kasama sa kaso.." The fifth prince explained, adjusting again his eyeglasses. "But just to make sure, pinapunta ko iyong isang abogado ko sa bahay nila and he told me they were okay. Imposibleng may kinalaman sila sa pag-atake.." Michael slowly nodded at the Palace's main lawyer's explanation. Sinundan nitong tingnan ang nasa dulo, si Prinsipe Damienne. "Prinsipe Damienne, tapos na ba iyong reports na kinukuha ko sa inyo?" Tumayo ang bunso sa anim na mga prinsipe. May dala itong folder at nilapag sa harapan ni Michael. "Ito iyong buong listahan kung sino ang dumalo ng Cotillion. Para maging sigurado, chineck rin namin isa-isa kung sino iyong madalas lumabas at pati na rin sa CCTV footages. Pero wala kaming nakitang kahit na sinong kahina-hinala.." Bumuntong-hininga si Michael. Napasandal na ito ng tuluyan sa kinauupuan habang tinitingnan ang listahan na ibinigay ng pinakabatang prinsipe. He was completely out of ideas. Pero ayaw lamang nitong ipahalata na nawawalan na siya ng trace. Sinundan nitong tingnan ang katabi nitong si Prinsipe Sid pati na ang nasabing leader ng assistants and bodyguards na si Joaquin. "How about the bodyguards and assistants? Joaquin? Wala bang kakaibang nangyari?" Humarap si Joaquin. "So far, wala naman silang nabanggit sa akin na kung anong kakaiba bago ang Cotillion. Ang sabi lang nila sakin ay idinaan ang pag-atake sa itaas, kaya alam ng mga ito kung nasaan ang hari. Ang suspetsya ko, may nasa loob na ka-alyansa ng kalaban.." Tiningnan ni Joaquin ang bawat isa sa kanila. Pinagsalikop ni Michael ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa pero hindi tinatanggal ang nakasuot roong ballpen. Lumapat ang tinta sa papel na nakalatag doon. "Ka-alyansa.." Wala sa sariling bigkas nito. "Sa madaling salita, may traydor sa loob ng Palasyo.." The room started to get eery. Hindi alam ni Johan kung sa paraan ng pagkilatis ng mga ito sa bawat isa ay sinususpetsyahan na pala siya. He played the ballpen over his palms, nagkaroon iyon ng tunog sa lamesa. Traydor. Posible. Since, napakasmooth ng naging pag-atake last time, napakalaki ng chance talaga na may traydor sa loob ng Palasyo. Ibig sabihin, hindi mo talaga masasabi kung sino ang mapapagkatiwalaan at hindi. Mabuti na lamang at hindi siya gaanong nagtitiwala. He raised his chin a bit. "Kung ganon.." Michael leaned forward to them. "May ideya ba kayo kung sino ang namamatyag sa loob ng Palasyo?" Natahimik ang lahat. Ang tunog galing sa gulantang na pagyupi sa dyaryo at pagtigil sa pagsusulat sa kwaderno lamang ang maririnig sa loob ng kuwarto. Walang kahit ni isa na gustong sagutin ang tanong ng kanang kamay ng hari. Maaaring wala talaga silang ideya o baka naman may alam pero natatakot lamang na magpahayag ng opinyon. Pero mukhang may bumasag sa katahimikan. "Now that reminds me.." Ang simula ulit ni Joaquin. He sipped the prepared coffee first, before talking continously. Sa anyo nito ay parang may sasabihin itong ikakagulat ng lahat. "May nakapag-ulat lang sa akin na ang unang prinsipe daw ay hindi matagpuan sa oras ng Cotillion?" Tumigil ang mga mata nito kay Prinsipe Johannes. "Am I right? Second Prince?" All eyes were fixated on the said prince. Ang ilan pa sa mga tao roon ay suminghap na parang ngayon lamang nalaman ang sinabi ni Joaquin. Napailing naman si Prinsipe Brintton at si Prinsipe Collisse. Napadako ang tingin ng mga ito kay Joaquin, na sa wari niya ay hinuhusgahan ang bawat sabihin nito. Hindi nagpatinag si Prinsipe Johannes. Nakita niyang tiningnan siya ni Prinsipe Sid mula sa gild ng kanyang mata at pinagmamasdan ang kanyang magiging reaksyon. Alam naman niya kung bakit binanggit ni Joaquin ang patungkol sa insidenteng iyon. Ang gusto nito ay may maituro itong may kasalanan sa pag-atake at maibaling ang sisi sa kaniyang kapatid. Sa paraang iyon, hindi siya makwekwestyon sa palpak na trabaho nito. Napakagaling nga naman. Surely, hindi sila gaanong nag-uusap ng kakambal niya at hindi rin ganoon kaayos ang relasyon nila. Pero hindi naman siya magpapaapekto ng ganoon ganoon na lang. Matibay pa rin siya at ang mga ganitong set-up ay sisiw lamang sa kaniya. Makarating pa kaya siya sa posisyon na iyon kung hindi? Ang haba na ng naging paglalakbay niya. He was the best negotiator and strategist in the town. Walang makakatalo sa kanya. "That's true.." Simula niya at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Pero.. hindi ko makuha kung bakit nasali siya sa usapan. May dahilan ba iyon, Joaquin?" "Hmm.." Mukhang lumalaban ang kalaban niya. He even imitated the way he throw out words. "Wala naman. Naisip ko lang kung bakit wala siya sa Cotillion, since he's one of the participants. Saka, thanks to him, one of my assistants filed a resignation.." The team leader smirked. "You see, gentlemen, his brother pointed a samurai to one of the bodyguards.." He heard gasps from the room, kaya nagpatuloy ito. Mukhang ginanahan pa na magtalastasan ng bibig. "Don't you think it's enough to brought out his name?" Prince Johannes just looked at him straight jn the eye. Mukhang mapapahaba ang pakikipagargumento niya dito. Hindi rin ito magpatalo. The prince chuckled inwardly. Alam ng taong ito ang ginagawa niya. "So you're saying.. my brother's the traitor?" "Yes, Your Majesty.." Nakita niya ng bahagya ang anyong pagtayo ni Prinsipe Collisse at ang pagpigil ni Prinsipe Brintton dito. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Michael. "Look, Joaquin. Naiintindihan ko ang mga sinasabi mo pero jumping into conclusion is a bit.." Umiling-iling ito. "Then how will you explain it, Sir? He didn't even attend this meeting of yours. Para sa akin, that's suspicious.." "Ikaw ba? Hindi mo ba naiisip na pwede akong magsuspetsya sayo?" Joaquin was caught off guard by the prince. Napahawak pa ito sa dalawang hamba ng kanyang inuupuan. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "You all know that my brother has a mental health condition. He developed a trauma since he was a child. Kapag may nakatrigger sa kanya, hindi siya kagaya ng iba na sinasaktan ang sarili.." He paused. "He injures those who near him.." Inalis niya ang taas na butones ng kanyang polo at ipinakita ang malaking, naghilom na sugat galing sa isang patalim. Ganon din ang ginawa niya sa kabilang braso niya. He earned gasps, bukod sa mga prinsipe na naroroon. Ang unang prinsipe ay kakambal niya. Mas una itong niluwal ng ilang segundo sa kanya. Basically, the first prince was the oldest in the two of them at sa kanilang anim na prinsipe. Pero dahil nga sa trauma nung mga bata pa sila, labis itong naapektuhan. Lumaki siyang laging kasama ito kaya kapag natitrigger ang kakambal, ay siya iyong nagpapakalma. But to no avail, hindi niya magawang mapakalma ito. He ended up having wounds and scratches from him. Kaya nga laking gulat niya ng napakalma itong mabilis ni Lyca kagabi. It was really amazing though. Hindi niya alam na may ganoong kakayahan pala ang dalaga. Medyo, naiinis lamang siya. Ewan lang niya kung anong dahilan. Habang nagtatagal ang panahon, nasasanay na rin siya sa ganoong set-up hanggang sa tumanda sila. Siguro nga iyon din ang dahilan kung bakit tuluyan na silang napalayo sa isa't-isa at hindi na masyadong nag-uusap. O baka, may iba pang dahilan. "Last night, there's the Cotillion. He hates those kind of events. Then, there were gunshots. Those were one of my brother's trigger points. My brother prefers dark and dim area. He's outside the museum at that time, holding the samurai casted out from the place. He saw one of the assistants.." He explained and catches his breath. "There. You end the story.." Hindi makatingin si Joaquin sa kanya, halatang nauubusan na rin ng bala, gayong obvious na siya ang pinapanigan ng mga taong nasa loob. He even got a smile from his mortal enemy. Hindi pa ba obvious na siya ang panalo? Pero hindi pa siya natatapos. Ika nga sa boxing, hindi pwedeng walang final blow. "But you see, Joaquin.." Now, it's his time to mock him. "Nagresign ang isa sa mga bodyguards mo, ibig sabihin hindi nila kaya ang ganoong klaseng trabaho. If he failed to do his duty and give up, shouldn't you think the same and ask yourself if you're worth to be the leader?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Joaquin sa naging turan niya. Halata rin na nagpipigil na rin sa pagtawa ang ilan sa mga prinsipe at sa mga tao na naroroon. Michael was so amused to him, nakangiti ito ng malapad sa kanya. "Okay. Calm down everyone.." Finally, the right hand man tapped his fingers on top of the table to end their conversation. "Let's just finish this. Thank you for the cooperation.." Nginitian nito si Joaquin na ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. "And princes.." Tawag nito sa kanilang lima na papatayo na rin at papalabas ng meeting room. "The first tournament will be two days from now. Please relay the message to your partners.." The right hand man passed at Johan. Tinapik nito ang kanyang balikat. "Please do relay the message to your dear brother. Thank you for today, Your Majesty.." He won. And, he'll definitely win for more. - - - - - Author's Note: I don't know much about mental health conditions. This is just a product of how I read some about it and of my mind of fiction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD