"K-Kuya.." Nanginginig ang boses ng isang binata habang hawak hawak ang strap ng kanyang bag sa may balikat. Sa itsura nito ay kagagaling lamang nito sa paaralan, suot-suot ang kanyang polong bukas na may pang ilalim na puting T-shirt, na may mantsa ng dumi sa bandang leeg at manggas nito. Nailaglag nito ang bag sa sahig. Unti-unti itong lumapit sa tinawag nitong kuya. Hinihingal-hingal ito marahil sa bilis ng pagtakbo.
"D-Diyan ka lang!" Singhal ng nakakatanda. Itinaas nito ang isang kamay para senyasan ang nakakabata na tumigil. May mukha itong kaparehas na kaparehas ng sa lumalapit na binata. Malilikot ang mga mata nito, dasto at may gilid na luha. "L-Lumayo ka! W-Wag kang lalapit sakin!"
"K-Kuya, b-bakit?" Nanginginig pa rin ito at tinitingnan ang nakakalat na pulang likido sa sahig. Malinaw na naguguluhanan ito sa nangyayari at nahihirapang huminga. "B-Bakit may dugo? O-Okay ka lang ba? N-Nasaan si Nanay Jesing?"
Hindi sumagot ang kinakausap. Nakatalikod lamang ito sa nagtanong na binata. Ang mga balikat ay tumataas at bumababa, maya-maya ay sunod sunod ang paghingal nito. Nakahawak ito sa kanyang dibdib at may hawak na kung ano doon. May mantsa ng dugo sa damit nito.
Lumunok ang binata at naglakad ulit papalapit sa kuya niya. Nagtaasan lahat ang mga balahibo niya sa katawan nang marinig ang inuusal nito. Kinakausap nito ang sarili.
"H-Hindi. H-Hindi.." Tinaas nito ang mga kamay sa bandang ulo habang mabilis na umiiling-iling. Umaagos ang pawis nito sa magkabilang sentido, pababa sa baba nito. "Ginawa ko na. Sinaksak ko si Aling Jesing. Nasaksak ko. O-Oo. Tama. Sinaksak ko nga.."
- - - - -
Lyca's orbs were focused on Prince Johannes, who's busy looking for small stones around the river. He rolled his polo sleeves over his arms. Sana ay hindi ito pagalitan ni Benjamin, ang assistant ng prinsipe, dahil nagusot na naman ang kasuotan nito. The sunlight's seeping through the leaves of the tree, at nasisinagan ng bahagya ang buhok at mukha nito. Lalo tuloy naging ginto ang buhok nito dahil sa sikat ng araw.
She casted her eyes over the prince once again. Tiningnan niya ang mukha nito. Hindi na naman niya mabasa ang kanyang ekspresyon.
Sa katunayan ay wala siyang ideya na may balak pala itong magpunta sa hardin, lalong-lalo na ang magdala ng basket ng pagkain at ayain siyang magpicnic. Nahihirapan siyang paniwalaan iyon. Kung gagawin 'man iyon ng prinsipe ay pihadong may aasahan siyang kapalit. She just shrugged her shoulders and sighed at the prince's direction.
"Are you serious about this, Your Majesty?" Kahit na nangangamba ay pumulot na rin siya ng isang bato. "Hindi ba tayo mapapagalitan dahil dito?"
"Hindi 'yan.." Nag-unat-unat muna ito bago yumuko. He let out a groan. Then, he bent over and strike a pose. Ibinuka nito ng bahagya ang mahahabang biyas at tinapon na nga ang maliit na bato sa ilog.
The river created not only one, but five dimples. Nagkaroon iyon ng tunog na maiihalintulad sa tunog ng xylophone. It made small spirals and waves. Since the water is clear, kitang-kita nila kung paano nagkagulo ang mga isda doon. Nagulat siguro ang mga ito. Nilipat ng prinsipe ang hawak na isa pang bato sa kabilang palad. Bumuntong-hininga ito.
Lyca can't help but thought that maybe, just maybe, there's something troubling the prince. Hindi naman niya gugustuhing itanong dito ang dahilan dahil baka kung anong sabihin nito. Baka kung ano pang isipin ng prinsipe. Ang isa pa'y hindi na siguro niya problema iyon kung may pinagdadaanan nga ito. Ang kanya lang, wag sana nito idamay ang mga isdang nananahimik sa ilog.
She moved her feet forward. Sana ay pipigilan na niya ang prinsipe dahil nakapwesto na ulit ito sa tabihan ng ilog, mabuti na lamang at hindi na ito nagtuloy. Sinundan niya ng tingin ang prinsipe hanggat nakarating sa bench at sumalampak ng upo doon. Nakababa ang ulo nito.
Lyca find herself walking to the bench, her shoulder-length black hair danced with the wind. Umupo siya sa tabi ng prinsipe.
Prince Johannes was the first one to speak up. "Meron ka bang kapatid, Lyca?"
Lumingon ang dalaga sa prinsipe. Bagaman hindi niya alam kung anong dahilan ng pagtatanong nito, mas pinili niya pa ring sumagot. "Meron, Kamahalan.."
"Then.." Nag-angat ito ng tingin sa kanya, pero nakababa pa rin ang ulo nito. "Do you wish to protect them?"
Nahihirapan tuloy si Lyca na tingnan ito. Nakakaliyo naman. Should she tilt her head sidewards too?
"I.." Simula niya and started playing her fingers over her lap. "I do.." Tumingala siya sa langit at naalala si Lily, ang kanyang nag-iisang kapatid. Napangiti siya.
Kahit naman hindi sila close ng kanyang ina at ama, ibang kaso si Lily. Ito lang ata ang nakakausap niya at nakakasama ng matagal sa loob ng bahay nila. Minsan pa nga, kapag may gagawin siya na sikreto at ayaw niyang ipaalam sa mga magulang niya ay ito ang nagiging excuse niya. Makulit ito, oo. Pero mas gugustuhin niya pang makipag-usap dito kaysa sa magulang niya. She sighed deeply.
"Do you miss them?"
Mukhang napalakas ata ang kanyang buntong-hininga. She tucked the strands of her hair behind her ear, na nagtakasan sa bandang mukha niya nang sumimoy ang hangin.
"I do.." Nakita niyang umayos na ng upo ang prinsipe sa kanyang tagiliran. He was looking at her intently. "But my sister only.."
"Why? Don't you miss your parents?"
Bumibigat na naman ang kanyang paghinga pagkarinig sa tanong ng prinsipe. She brought her hand over her chest lightly. Mabuti na lamang at natuto na siya. She calmed herself again.
Her parents were her trigger.
Tumingin siya sa prinsipe, suprised by his sudden close proximity. "I.. just don't. Why do you ask, Your Majesty?"
Sa halip na sumagot ang prinsipe ay dahan-dahan pa itong lumapit sa kanya as if their closeness that moment wasn't enough. Napaurong siya at nanlaki ang mga mata.
Lyca looked back at the prince. Seryoso ang pagmumukha nito na nakatingin lamang sa kanya. His chinky, coffee eyes were shining.
Waring may magic spell iyon at mapapatitig ka na lamang pabalik. Panay ang isod nito palapit sa kanya, habang siya naman ay lumalayo. Ang isa niyang kamay ay nasa bandang dibdib niya, pinipigilan ang kakaibang pagtambol ng puso niya. Her breathing was starting to get heavy pero nakakapagtakang hindi siya kinakapos sa paghinga. Ang isa naman niyang kamay ay nasa tabihan ng bench at tumutulong sa kanya para umisod palayo sa prinsipe.
Pamilyar ang posisyon nila.
Was the prince going to kiss her?
Should she.. close her eyes?
Her eyes started to look dreamy. Puffy clouds and pink skies are everywhere. Tumigil na rin ang isa niyang kamay sa paglayo. Napalunok na siya.
She quietly anticipated. Hindi na nga siya gumalaw.
The prince then, leaned in. And he leaned furthermore.
But nothing came.
She didn't feel any kiss.
Hindi halik nito ang dumampi sa mga labi niya. Tinaas nito ang isang kamay sa bandang buhok niya at inalis ang nakasabit na tuyong dahon doon.
"There.." Pinagpag nito ang kanyang mga kamay at lumayo na sa kanya. "I was just curious kung may suot ka bang kakaibang ornament or may dumapong insekto sa buhok mo. Tuyong dahon lang pala.." Tumawa pa ito na parang hindi seryoso ang kanilang pinag-uusapan kani-kanina lang.
"Ah.." Nanuyo ata ang lalamunan niya. "Thank you, Your Majesty.." Inayos niya ang kanyang buhok at nagpanggap na inubo. She lightly moved away from the prince. Nakatagilid siya para hindi makita ito.
Did she expect the kiss?
That much?
Damn Lyca, you even close your eyes? Arggh.
Kung pwede siguro ay balutin na siya ng lupa ng buhay.
Napasabunot siya ng bahagya sa buhok niya. Bakit naman nagconclude agad ang isip niya na baka nga hahalikan siya ng prinsipe? Sa ano namang dahilan? Anong connect naman ng pinag-uusapan nila sa halik? At bakit napunta sa halik?
And why did she close her eyes that fast. Ang feeling naman niya ata masyado. Sobrang assuming. Sobrang kahihiyan niya sa sarili niya.
"Lyca.."
She kept cursing herself inside, masking it with her silence that she didn't had the chance to react to what's next. The prince called her name, tilted her chin and gave her a peck on the lips.
"Let's win this game.." Wala na itong mga mata. Para pa siyang nasilaw sa ngiti ng prinsipe. "Let me be the King.."
Mukhang natuloy na iyong halik at paulit-ulit iyong magpapabalik-balik sa balintataw niya.