Nagising si Lyca sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata. She gripped the jacket on her body as she caressed the space beside her. Napamulat siya. Wala doon ang prinsipe. Isisigaw na sana niya ang pangalan nito nang makita niya ang hinahanap sa labas ng kweba at kinakausap si Benjamin. May dala-dala itong dalawang kabayo. Binalot niya ang jacket sa kanyang katawan pagkatapos ay tumayo na't naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito. "Oh. Gising ka na pala." Bungad sa kanya ni Prinsipe Johannes, pagkatapos ay iginiya siya sa kanyang tabi. "Kamahalan.." Yumuko ang assistant ng prinsipe sa kanya. "Kanina ka pa ba? Bakit hindi mo ko ginising?" "Mga bandang alas kuwatro siya dumating, eh, mahimbing ang tulog mo, kaya hindi na kita ginising.