EARLIER "Nagawa mo ba?" "Opo, Sir." Isang silya at lamesa ang makikita sa isang kuwarto. Kumportableng nakaupo roon si Olen. Halos kalahati ng katawan niya ay nakapadusdos dito, ang isang paa ay nakadekwatro sa isang binti. Tanging iyong ilaw na nakaipit sa dulo ng mesa ang nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng kuwarto. Kahit na madilim ay kitang-kita ang pag-arko ng sulok ng bibig ng Consuejo. "Heto." Kinuha niya ang nalukot na puting sobre sa kanyang tabi at inabot iyon sa naghihintay niyang tauhan. Pagkaabot ay binilang ng tauhan niya ang pera na gantimpala niya. He tapped his fingertips against the surface of the table. Gumuhit ang ngiti sa labi nito nang mapagtantong tamang halaga ang laman niyon. "Salamat dito, Sir." Tumango lamang dito si Olen. "You're dismissed. Umalis ka