Matapos ihatid ni Lyca si Prinsesa Ai sa labas ay dumiretso na siya sa balcony. Ito rin naman ang nagsabi sa kanya na mauuna na. Alam nito siguro na may importante silang pag-uusapan, kaya pinagpaliban na lamang nila ang kwentuhan sa mga susunod na araw. Sa balcony niya pinapunta si Consuejo Alma. Sumaglit siya sa kanyang maliit na tukador at pumili doon ng tsaa na ihahanda. Hindi naman pwedeng wala siyang maiihain man lang sa hurado. Pinili niya iyong Chinese Oolong tea. Mabango iyon saka masarap sa panlasa niya. Nasa huling apartamento iyon ng kabinet. Life-saver din talaga iyong si Clover dahil naglagay ito sa kanyang kuwarto ng ganoong mga tsaa. Naglagay siya ng mga tsokolate at nirefill iyong mga biskwit sa dalawang platito. Nang matapos ay hinawakan na niya iyong tray na naglalama