"Heto ang tatlo pa, Kamahalan.." Nilatag ni Clover ang tatlo pang set ng equestrian attire ni Lyca sa kama nito, habang ang isa naman ay hawak. Iginiya ng assistant ang hawak kay Prinsipe Johannes. Tatlo sila ng assistant at ng mapapangasawang prinsipe sa kuwarto niya. Akala naman niya ay importante iyong pag-uusapan nila, iyon pala ay tungkol lamang doon. Hindi niya lubos maisip na kahit iyong simpleng pagpili ng isusuot sa pangalawang paligsahan ng Royales ay dapat naaayon sa kasuotan ng prinsipe. Nakita niyang dinala ng prinsipe ang isang kamay sa ilalim ng kanyang baba na waring nag-iisip. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat isa niyang kasuotan pati na rin nga iyong nakahiwalay na hawak ni Clover. Nakakunot ang noong binalingan niya ang prinsipe. "Wouldn't it be better kung makik