Lyca looked at the prince as he finishes the bowl of pasta he's eating. Nasa kabilang kamay naman nito ang tablet kung saan hindi mawala wala ang tingin. He's probably checking on some morning news or mga reports na kailangan nitong isubmit.
They were having breakfast outside the balcony of his room. The maids have arranged and prepared the foods for them. Kanina nga ay tinanong pa sila ng mga ito kung anong gusto nilang kainin. As for her na di sanay mapagsilbihan, she just told them her usual morning food. Pandesal at kape. Pero nagulat siya dahil pagdating ng pagkain ay marami silang hinanda.
Hindi naman na din siya nagreklamo dahil kanina pa nagaalboroto ang tiyan niya. Bukod don ay talaga namang sariwa ang hangin at maaliwalas sa pakiramdaman habang kumakain. Dumagdag pa ang tanawin na makikita mula sa balcony. Mula sa taas ay makikita ng bahagya ang asul na dagat at ang marahang pag-alon nito. It's the first time for her to see that view. Ni hindi niya akalain na may ganitong tanawin pala sa lugar nila. Napangiti siya.
She didn't know that someone was eagerly looking at her. Panay ang nguya nito sa pagkain, pero ang tingin ay halatang aliw na aliw sa kanyang mga reaksyon.
Tumikhim ang prinsipe. Lyca moved her head towards his direction.
"How was it?" Binaba muna ni Prinsipe Johan ang tablet. "The breakfast, I mean.."
"It's.. nice and delicious, Your Majesty.."
Yumuko si Lyca ng kaunti at naisip kung bakit simula pa lang ay panay ang Ingles ng prinsipe. Hindi naman sa nagrereklamo siya, pero napapansin lamang niya iyon. Minsan nga naggagawa nitong magsalita sa Tagalog, pero may ilang salita itong slang kung bigkasin. She wondered if he's foreign or pinanganak ba siya sa ibang bansa.
"Good to hear.." He sipped his black coffee. "Sa ibang araw naman, baka sa dining area tayo kumain kasama nung iba. Alam mo na, we need to impress the king here and there.."
Napalunok si Lyca. Ah. Muntik na niyang makalimutan kung ano ba talaga ang gagawin niya dito sa loob ng Palasyo. She started thinking, why she ended up together with the prince today. Bahagyang pumitik ang sentido niya. Ayaw na niyang mag-isip dahil sumasakit ang ulo niya.
"Ah. One more thing.." The prince leaned forward across the table. Ang mga kamay ay nakasalikop sa tapat ng baba nito. "I've already set you a schedule, twice a month 'yon, to Dra. Montañez. She'll give you activities and sessions. Right.." Inalis nito ang napkin sa bandang dibdib niya. "Siguro naman alam mo na.."
Lyca eyed the prince suspiciously. Did he just tell him to have a schedule, a mental therapy to be exact?
Napaisip tuloy siya. Is this somekind of a trap? A bribe for something? Or.. did the prince suddenly care for her? Even the slightest amount?
She was about to say something but nothing came out from her mouth. She sighed at napaiwas ng tingin. Masyado atang madami ang nakain niya sa almusal at kung ano-ano na ang naiisip niya. She shook her thoughts away.
Tumango-tango ito na parang nababasa ang nasa utak niya. "We need to have you ready, not only physically but mentally.." Diniin nito ang huling salita. "I won't back out to the throne for just that. I want to win, Lyca.."
So it's for himself, afterall.
Lyca looked at the prince. She grabbed the glass of water beside the plate and drank it. Hindi niya mawari kung bakit may parang nakabikig sa lalamunan niya.
- - - - -
Kanina pa gising si Lyca pero nanatili pa rin siyang nakahiga sa kama niya. Panay ang tunog ng kanyang notifications galing sa group chat na ginawa ni Michael, ang kanang kamay ng hari. Actually, ay nabasa na niya ang message sa kanila, hindi lamang siya nagrereply. Lalo na nga at sunod-sunod pa rin ang messages ng iba niyang mga kasamahan doon tungkol sa sinasabi nito. Bumuntong-hininga siya. Ewan ba niya. Mukhang natatamad siyang kumilos. Bukod don, she's not really interested to the whole situation she was in.
Nakalipas ang ilang linggo at sumapit na nga ang araw ng sinasabing Cotillion. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam kung anong ibig sabihin nito, bukod sa binubuo ito ng sayaw. Bumangon na siya at nag-unat-unat. Lumingon siya sa bandang pintuan nang may kumatok.
"Sino 'yan?"
"Kamahalan, si Clover ito.."
Bumuntong-hiniga si Lyca at tinungo ang pintuan at pinagbuksan ito.
"Kamahalan!" Sigaw nito at dali-daling pumasok sa kwarto niya. May dala-dala itong tray ng almusal na sa wari ay hinanda para sa kanya. "Bakit hindi pa kayo naghahanda? Tanghali na!"
Binuksan nito ang mga bintana sa kwarto niya at inayos ang mga kurtina nito. She groaned as the snippets of the sun's light lasered through out the window. Bit by bit, napuno ng liwanag ang kuwarto niya. Hinarangan niya ng isang kamay ang kanyang mga mata.
"Clover, sabihin mo na lang hindi pa ako fully recovered. Tinatamad akong lumabas.."
"Hindi po pwede 'yan!" Pumunta ito sa sulok ng kanyang higaan at unti-unting hinila ang kumot niya. "Hala, bumangon na kayo diyan at mag-almusal!"
Si Clover ang kanyang personal assistant. Nung una talaga ay nagulat siya dahil di niya alam na bibigyan sila ng kanya-kanyang personal assistant na makakatulong sa araw-araw. Hindi makakarelate ang mga naging trabaho niya dahil siya ngayon ang pinagsisilbihan.
Hindi talaga siya sanay at naaawkward-an siya nung una, pero habang tumatagal ay nasasanay na rin siya. Bukod kasi sa friendly naman itong si Clover ay never niya itong hindi nakasundo. Minsan lang, napapagalitan siya nito dahil matigas ang ulo niya.
Kagaya ngayon.
Lyca lazily got up and walked over the table. She started munching up the breakast her assistant prepared. Makailang segundo ng paglilitanya sa kanya ni Clover, ay sinabi nitong maligo na siya. She stood up, her shoulders slumped.
"Your Highness, your shoulders. Oh. Maglakad kayo ng maayos.."
"Clover naman. Maliligo lang naman ako eh.." Pinaikot niya ang tuwalya sa kanang balikat niya. Nang aakma itong pupunta sa kanya, sinignalan niya ito na hindi na uulitin at mabilis na naglakad papuntang banyo.
She can't help but sigh again. Alam niya sa sarili niyang ayaw niyang may mandidikta sa kanya pero bakit kay Clover, hindi niya magawang tumanggi at lumaban pabalik? Maybe she was too straight, to the point na alam nito na matatamaan siya sa bawat salitang binibitawan nito. O kaya, baka takot lang din siya sa mahabang stick nito na laging dala dala.
After she finished taking a bath, which took her so long since the bath's really relaxing and soothing. Clover prepared a bath with rose petals for her. Para daw maging makinis at malambot ang kutis niya. Tinulungan siya nitong magpatuyo ng buhok niya pagkatapos.
Umupo siya harap ng salamin. She turned around when Clover opened her wardrobe and showed her the set of gowns delivered that morning.
"Ano sa tingin ninyo, Kamahalan?" Kumuha ito ng isa mula sa wardrobe niya at pinakita sa kanya. Kulay kahel at abo ang trahe. "I personally like this one since I think, this suit your complexion better.."
Lyca walked towards Clover and nagtingin din siya sa wardrobe. She really thought na hassle para sa kanya ang magtingin tingin ng damit. Lalo pa nga at gown at dress dahil sa umpisa pa lang ay wala siyang interes sa fashion sense. Pero kung papipiliin siya, mas gusto niya iyong simple at makakagalaw siya ng maaayos.
She walked furthermore beside her assistant and roamed her hands over the gowns. Her eyes squinted to the far side corner and picked one. Nasa gitna ito ng kulay asul at crema na gown. Kulay puti ito at may maliliit na sequins at burda na nakapalibot sa may bandang dibdib at hanggang tiyan ang gown. Ang ibabaw naman ng mahabang palda nito ay may nakapatong na net, pero malambot ang tela sa loob. She looked at Clover.
"Good choice, Your Majesty.." Nginitian siya ng assistant niya na parang satisfied sa pinili niya. Kinuha naman nito ang isang kahon ng sapatos sa baba ng wardrobe niya. "Now, change. Let me see how it looks.."
Sinunod naman ni Lyca ang utos ng assistant niya at sinuot ang gown at pares ng sapatos na binigay nito. Pagkalabas ay kakakitaan ito ng mangha sa mga mata, habang nakatingin sa kanya. Napapalakpak ito at inilalayan siyang makaupo sa harap ng salamin, since she's about to do her hair and make-up.
In that position, hindi niya maiwasang hindi makita ang sariling pigura sa salamin. She gasped lightly and gazed at her reflection. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. She looked rich. She look sophisticated. She really looked like those royals na nakikita niya lamang sa tv. She looked..
She looked unreal. Hindi niya alam kung iyong reflection lang ba ang hindi kapani-paniwalang totoo, or baka ang sarili niya rin.
"I'll make your hair and make-up light only, Your Majesty. Will that be okay?"
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang magsalita si Clover habang sinusuklay ang lagpas balikat niyang buhok. Tumango-tango na lamang siya bilang sagot.
The clock strucked. Napalingon siya sa bandang tabihan niya nang may kinuha saglit sa bag niya ang assistant. Muntik pa siyang mapasinghap. Di niya akalain na aabutin na ng ganoong oras ang paghahanda nila sa Cotillion. Malapit-lapit ng mag-alas kuwatro ng hapon.
"Pasensya na po kayo, sinagot ko lang po 'yung message ni Prinsipe Johannes.." Nilagay nito ang cellphone sa pitaka ng kanyang pantalon. "Anytime soon po, he'll be here. Maaga ka raw niyang susunduin.."
Lyca turned to her assistant. "Huh? Bakit ang aga naman? Nabanggit niya ba ang dahilan, bakit maaga siyang pupunta dito?"
Nagkibit-balikat ito. "Hindi po eh. Wala po siyang nabanggit.." Tiningnan siya nito, the corner of her mouth's already raising a bit, forming a bit of a smirk. "Wag kayong mag-alala. Papagandahin ko kayo ng husto.."
Umiling-iling na lamang siya sa mapanuksong turan ng assistant niya. "Tch. We are not in that kind of relationship.."
"As you say, Your Majesty.."
Oh doomed. Halatang tinutukso pa rin siya nito. She bit her lower lip. Bakit ang pressured naman niya ata masyado?
Sasagot pa sana siya sa kausap nang may kumatok muli sa pintuan niya. Binaba muna ni Clover ang suklay sa tukador at nagtungo sa pintuan.
"Kamahalan, nandito ang Mahal na Prinsipe.."
Clover opened the door at niluwa nito ang prinsipe, slowly making his way towards her. Napakapit siya sa magkabilang hamba ng upuan niya. Namamawis na din ang kanyang magkabilang palad.
Bakit ba siya kinakabahan? There's really something wrong within her. She needs to tell Dra. Montañez if this is normal or perks of her ongoing healing.
"Hi.." Kaswal na sabi ng prinsipe sa kanya at tiningnan siya mula sa salamin. "I hope I'm not interrupting you, if you're still not done preparing.." Tinapunan nito ng tingin ang assistant, his hands shoved inside his pockets.
"It's fine, Your Majesty. Kakatapos ko lamang po na ayusan ang Mahal na Prinsesa.." Yumuko si Clover kay Prinsipe Johannes.
"I see. Thank you for your hard work.." Kinumpasan ng prinsipe ang assistant niya at nginitian ito. "Good job.."
Kapagkuwan ay tumayo siya sa kinauupuan niya at humarap sa prinsipe. She didn't know why, but she felt like the world was slowly spinning around them, right at that moment. Para pa ngang nahihilo siya.
Ano ba talagang nangyayari sa kanya? Kulang pa ba ang almusal na hinanda sa kanya ni Clover?
At that very scene, nagtama ang paningin nilang dalawa ng prinsipe. Her mind can't help but register how dashing and handsome the prince is. Bagay na bagay ang suot nitong terno na itim. May burdang ginto sa dibdib nito palinya hanggang tiyan nito; may sapin na nag-aagaw kulay abo at itim na polo sa ilalim ng terno. Binagayan pa sa makinang at makintab nitong malagintong buhok. Lastly, he topped his fashion with a pair of black framed and clear, down-rimmed eyeglasses. So much for his attire that really explains, expensive and smart.
No wonder, hindi kapani-paniwala ang mga balita tungkol dito na nag-uumapaw at nagsusumigaw na maharlika raw ang tindig nito. Iyon pala'y maging siya'y hindi rin makapaniwala kahit nasa harapan na niya ang sagot.
"Okay. Close your mouth.." Lumapit ito sa kanya, his one hand pressing her chin upwards. "Alam kong guwapo ako. You don't need to tell me.."
What the heck?
Bahagya niyang tinampal ang kamay ng prinsipe na nasa ilalim pa rin ng baba niya. Narinig niya ang pagpipigil ng tawa ni Clover sa kabilang tabi. She glared at her. Tumahimik naman ito pero di pa rin makakaligtas ang mapanuksong ngiti para sa kanya.
"Clover.." Tawag ni Prinsipe Johannes sa kanyang assistant. "Iwan mo muna kami ng Mahal na Prinsesa.."
"Masusunod po, Kamahalan.."
The woman in black bowed at them. Ngumiti muna ito sa kanya at sinignalan siya na mauuna ng lumabas.
Prince Johan took a step forward at her and looked down over her arms. "Are you okay now? Did the scrapes and wounds already healed?" His hands extended over her arms and examined them. His long and caloused fingers gently laid on her skin.
She gulped. Hindi pwedeng maulit muli ang nangyari dati na hinayaan niyang hawakan siya ng prinsipe. Iwinaksi niya ang mga kamay nito. Halatang nagulat sa kanya ang kamahalan.
"I'm already fine, Your Majesty. You don't need to touch me.."
The prince blinked at her but eventually regained composure. Nakapamulsa itong tumingin sa kanya. "Oh. I'm sorry. I don't know you hate physical touches now, since you allowed me last time.."
Napatanga si Lyca sa prinsipe. When she looked back at the prince, nagkibit lamang ito ng balikat sa kanya habang tinaas-baba ang kilay.
How sarcastic.
She definitely knew what he's talking about. Ang tinutukoy nito ay nung nagkita nga sila sa harap ng Palasyo at hinawakan siya nito just to check on her healing wounds and her temperature. Parang mapanuya pa nitong sinasabi na binigyan niya ito ng pahintulot para hawakan siya. Napakagat siya ng labi at napaiwas na lang ng tingin.
Kung tutuusin naman ay hindi counted iyon, tama? Masyado siyang nabigla nung umagang 'yon. Hindi prepared magreact ang utak at katawan niya.
Tumalikod na siya dito at pumunta sa table kung saan inayusan siya ni Clover. "Anong ginagawa niyo dito, Kamahalan? It's only 4:20 in the afternoon. It's still early, para sunduin mo ako.." She started fixing the table, kahit wala namang dapat ayusin doon.
"Bakit?" The prince stepped forward. "I think this is just normal, considering you're my wife to be.." Nakangiti nitong saad sa kanya.
Lyca felt the warmth of the prince behind her. Malapit na ito sa kanya. Tumaas ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan. She can already tell that they were really close at each other. She felt his hot breath over her nape. Nakatingin lamang sila sa isa't-isa from the mirror in front of them. Her heart's been throbbing. Hindi niya mahawakan ang dibdib niya kaya hinigpitan na lang niya ang hawak sa may upuan.
Huli na siyang makareact nang may dumamping malamig sa bandang leeg niya. Prince Johannes put a crescent and gold necklace around her neck.
"Sinadya ko talagang magpunta dito, para ibigay 'to.." Tumango-tango ang prinsipe habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. "The necklace suits you very well.."
Walang kahit na anong katagang lumabas sa bibig ni Lyca. Unconsciously, she brought her hand and lined her fingers against the necklace. Magaan ito at parang binagay nga sa suot niya ang hibla ng ginto sa leeg niya.
Para siyang lumutang sa hangin, if that's how you describe what she's feeling right now.
Not until, she felt him leaned in, and whispered three words.
"You're beautiful, Lyca.."
And just like that, she felt those butterflies
again inside her stomach.
Damn late breakfast.