Chapter 3

929 Words
3rd Person's Point of View Tahimik na umaalingawngaw ang tunog ng mataas na takong ng sapatos ni Mikhaela sa malawak at marangyang hallway ng headquarters ng kumpanya ng kaniyang ama. Bawat hakbang niya ay puno ng kumpiyansa at awtoridad na tila ba likas na sa kaniyang pagkatao ang pagiging nasa itaas ng lahat. Ang mamahaling marble floor ay sumasalamin sa elegante niyang anyo habang ang mga ilaw sa kisame ay nagbibigay ng mas lalong maringal na aura sa paligid. Habang naglalakad siya ay isa isang napapayuko ang bawat empleyadong nadaraanan niya. Wala ni isa ang naglakas loob na salubungin ang kaniyang tingin. Hindi iyon dahil sa pagiging artista o sikat niya. Kundi dahil sa apelyidong dala niya. Sanay na siya sa ganoong eksena. Mula pagkabata ay iyon na ang mundong kinamulatan niya. Ang kaniyang ama ay isa sa mga kinatatakutang mafia boss sa buong Europe. Isang pangalan na sapat na upang manginig ang mga taong may alam sa tunay nitong kapangyarihan. Kung iniisip ng ibang tao na isa siyang spoiled brat na kagaya ng mga napapanood sa telebisyon ay wala siyang pakialam. Tutal hindi rin naman mali ang iniisip nila. Spoiled siya. Daddy's girl siya. At walang kahit sinong makakapagkaila na ibinibigay ng kaniyang ama ang lahat ng gusto niya. Hindi siya humihingi ng paumanhin para roon. Hindi rin niya kailanman ikinahihiya ang katayuang mayroon siya. Biglang may malakas na bumangga sa kaniya. Napahinto siya sa paglalakad. Tumapon ang malamig na tubig na hawak ng isang empleyada at dumiretso iyon sa mamahalin niyang damit. Nanahimik ang buong hallway. Lahat ng naroon ay napahigpit ang paghinga. Alam nilang may malaking mangyayari. Samantalang si Mikhaela ay dahan dahang ibinaba lamang ang kaniyang tingin sa basang bahagi ng kaniyang suot bago malamig na tumingin sa babaeng nasa harapan niya. Wala man lang bakas ng galit ang mukha niya. Mas nakakatakot pa nga ang pagiging kalmado niya. "Oops. Bakit ka kasi nasa daanan ko." Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Mikhaela. Hindi siya agad nagsalita. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang babaeng tila walang balak humingi ng tawad. Napansin niyang nagsesenyasan na ang ibang empleyado upang pigilan ang babae ngunit tila wala itong pakialam. Mukhang bago pa lamang ito rito. Mabagal na bumaba ang tingin niya sa ID na nakasabit sa leeg nito. "Intern. Miss Diana Suarez?" malamig niyang tanong. Sa halip na kabahan ay lalo pang nagtaas ng kilay ang babae. Namewang pa ito habang nakangisi. "Yes. That's my name." Napangiti nang bahagya si Mikhaela. Ngunit ang ngiting iyon ay walang init. Isa iyong ngiti na sapat upang manginig ang sinumang nakakakilala sa kaniya. "Hmm. Interesting." Tahimik ang paligid. Pakiramdam ng lahat ay huminto ang oras. "Ano naman ang ikakapal ng budhi mo para taasan ako ng kilay ngayon?" kalmado niyang tanong habang deretso itong tinitingnan. Hindi man lang natinag si Diana. "What? Hindi mo ba nakikilala ang daddy ko na malaki ang position niya dito sa company na ito?" Napatango si Mikhaela na tila ba may naalala. Dahan dahan siyang lumapit sa babae. Umabot ang kamay niya sa buhok nito at marahan iyong hinaplos na para bang may batang inaalo. Ngunit kabaligtaran ang ibig sabihin ng kilos niyang iyon. "You can call your daddy here. Right now." Hindi pa rin nawala ang kumpiyansa sa mukha ni Diana. "He's busy right now." "Oh really?" Mas lumalim ang ngiti ni Mikhaela. "Call him and tell him na pinapatawag ko siya ngayon dito. Sabihin mo tinawag siya ni Mikhaela. Ngayon mismo." Saglit na nagkatinginan ang dalawang babae. Sa wakas ay inilabas ni Diana ang kaniyang cellphone. Bagaman may bahid ng pagtataka ay ginawa rin nito ang sinabi. "Hello, Daddy." "Yes, baby? Do you need anything? Nasa meeting ako ngayon ng executives. Mamaya ka na tumawag." Tahimik na inagaw ni Mikhaela ang cellphone. "Mr. Suarez. I want you here. Right now." Biglang natahimik ang kabilang linya. Ilang segundo ang lumipas bago muling narinig ang nanginginig na boses ng lalaki. "Miss Mikhaela?" "Exactly." Lalong lumamig ang kaniyang boses. "Ayoko ng pinaulit ulit ang sinasabi ko." Hindi na siya naghintay ng sagot. Agad niyang ibinalik ang cellphone kay Diana. Makalipas lamang ang ilang segundo ay naputol ang tawag. Alam niyang hindi na magtatagal. Siguradong nagmamadali nang tumakbo si Mr. Suarez palabas ng executive meeting. Kilala siya ng lahat. Mas lalo na ng mga matataas na opisyal ng kumpanya. Alam nilang kapag siya ang nagpatawag ay walang sinuman ang may karapatang maghintay pa. Tahimik na napatingin sa kaniya si Diana. Unti unti nang nawawala ang kumpiyansang kanina lamang ay kitang kita sa kaniyang mukha. Samantalang si Mikhaela ay tila walang nangyari. Naglakad lamang siya papunta sa pinakamalapit na upuan. Elegante siyang umupo. Marahan niyang ipinatong ang isang paa sa ibabaw ng isa habang nakadekwatro. Para siyang isang reyna na naghihintay sa pagdating ng kaniyang nasasakupan. "That's my seat." Hindi man lang siya tumingin kay Diana. "Is there any name in your seat?" Natigilan ang babae. Hindi ito agad nakasagot. Lumipas ang ilang minuto. Biglang bumukas ang malaking pinto. Halos hingal na hingal na pumasok ang isang lalaking halatang nagmamadaling tumakbo mula sa executive floor. Pawisan ang noo nito at bakas sa mukha ang matinding kaba. "Daddy." Masayang tawag ni Diana. Ngunit hindi man lamang siya nilingon ng kaniyang ama. Diretso itong lumapit kay Mikhaela. Agad itong yumuko. "Ma'am. Pasensyahan niyo na po ang anak ko. Hindi po niya alam ang ginagawa niya." Naningkit ang mga mata ni Mikhaela habang tahimik na pinagmamasdan ang nanginginig na lalaki. "Hmm." Bahagya siyang sumandal sa upuan. "Kung hindi niya alam ang ginagawa niya ay let's teach her a lesson, Mr. Suarez." ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD