Chapter-6

2338 Words
Pagkatapos ng dinner, niyaya siya ni Miko sa labas ng hardin para doon daw sila mag-usap. Ang mga ilaw sa dining, kumikislap sa mamahaling kristal na baso. Ang amoy ng litson at adobo, mabigat pa rin sa hangin. Agad naman siyang sumama rito para nga naman magkakilala na sila dahil ikakasal na sila soon. Ang damuhan sa hardin, medyo basa pa mula sa dilig kaninang hapon. Ang lamig ng gabi, gumapang sa mga braso niyang nakalabas sa dress. Amoy sampaguita at lupa ang hangin, hinaluan ng malayong usok ng sasakyan mula sa gate. Pagdating sa labas, hindi niya malaman kung paano babasagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Miko. Ang mga kuliglig, maingay sa paligid. Ang buwan, kalahati lang pero maliwanag, sumasayaw ang anino ng mga dahon sa mukha ni Miko. Gustong-gusto na kasi niyang simulan na nila ang pag-uusap dahil mas lalo siyang kinakabahan habang naghihintay sa sasabihin nito sa kanya. Sa hapag-kainan, na-settle na ng mga magulang nila ang lahat. Ikakasal na lang sila soon ni Miko at tapos na ang lahat. Ang bigat no’n, parang nakadagan sa dibdib niya. "Patricia," tawag sa kanya ni Miko na kinapagitla pa niya dahil tila siya lutang at wala sa kanyang sarili habang nakatingin dito. Ang boses nito, malalim at kalmado. Hindi yung boses ng Vice Mayor sa entablado. Masyado siyang nadadala sa kagwapuhan ng kaharap. Lahat ng naririnig niya sa mga kaeskuwela niyang babae about kay Miko ay totoo nga. Kaya pala sikat din ito sa social media, sa dami ng mga nagkaka-crush dito. Ang panga nito, matigas sa ilaw ng buwan. Ang mga mata, kulay kape, nakatitig sa kanya nang diretso. Napapaisip tuloy siya kung wala ba itong girlfriend at pumayag itong pakasalan siya dahil sa utos ng mga magulang nito. "Thank you at pumayag ka sa plano ng mga magulang natin na magpakasal," pasalamat nito sa kanya. Nahihiya siyang tumango rito. Ang daliri niya, pinaglalaruan ang laylayan ng dress niya. "Salamat din at pumayag ka," pasalamat niya rito. Ang boses niya, mahina at nanginginig. Tumawa ito nang mahina saka inilagay sa bulsa ang isang kamay. Ang puting t-shirt nito, humahapit sa dibdib at braso. Hindi lang ito sobrang gwapo, tamang-tama pa ang height nito. Matangkad ito kaya tiyak papasang modelo kung hindi ito pumasok sa pulitika. Ang amoy nito—kahoy, citrus, at mamahaling pabango—umaabot sa kanya kahit isang metro ang layo nila. "Yes, pumayag ako sa gusto nilang mangyari dahil wala naman akong magagawa. Hindi ako pwedeng tumanggi sa kanila. Nag-iisang anak lang nila ako, at kung susuway pa ako sa kanila, ang malas naman nila at ako pa ang naging anak nila," saad nito sa kanya na may ngiti sa labi. Pero ang ngiti, hindi umabot sa mga mata. "Pero gaya ng sinabi ko, kailangan muna nating mag-usap about this. At kukunin ko na ang pagkakataon na ito para masabi ko sa iyo, Patricia, ang gusto ko at kondisyon ko sa kasal natin," litanya nito sa kanya. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pagbanggit nito sa kondisyon. Ang lamig ng gabi, biglang gumapang sa batok niya. Anong ibig sabihin nito? May kondisyon pa ito bago sila ikasal? Bakit? "Anong sinasabi mong kondisyon?" Tanong niya sa lalaki. Ang boses niya, tumaas nang bahagya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa iyo, Patricia," tugon nito at humakbang palapit sa kanya. Ang sapatos nito, dumudurog sa maliliit na bato sa hardin. Sinimulan siya nitong tingnan mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha niya. Ang tingin, mabagal. Sinusuri. Hindi niya maintindihan, pero kabado siya masyado. Iba ang uri ng tingin nito sa kanya na para bang dapat siyang matakot sa susunod nitong sasabihin. Ganoon pa man, kahit may takot na lumukob sa kanya, hindi siya nagpahalata rito. Pinanatili niyang nakataas ang kanyang mukha at diretso ang tingin niya sa mga mata nito. Ang kuko niya, bumaon sa palad niya. "I'm against this wedding. But I don't have any choice. Kailangan kong sumunod sa parents ko, kaya pakakasalan pa rin kita, Patricia," kaswal na saad nito sa kanya na hindi man lang nito inisip ang kanyang mararamdaman. Medyo na-hurt siya at nakaramdam ng kaunting tusok sa kanyang dibdib sa sinabi nito. Ang hangin, parang naubos sa baga niya. "Then bakit ka pumayag? Sa ating dalawa, mas kaya mong pigilan ang kasal na ito," saad niya rito. Hindi niya pinahalata na apektado siya. Ang boses niya, patag. "Dahil nag-iisa nila akong anak," tugon nito. "Eh ikaw, Patricia, anong dahilan mo at pumayag ka?" Tanong nito sa kanya. "Well, dahil mga magulang ko sila. Alam nila kung ano ang nakakabuti para sa akin. And isa pa, eighteen lang ako. Hindi pa ako ganoon ka-mature para magdesisyon na sa future ko. So, I trust my parents for this," paliwanag niya rito. Ang baba niya, tumaas nang bahagya. Tumango naman ito sa kanya. "I see," saad nito habang tumatango sa kanya. "How about boyfriend?" Miko asked her. "I don't have a boyfriend, and I've never had one," amin niya rito. "Never?!" Bulalas nito sa kanya na tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Kumunot ang noo nito. Proud siyang tumango rito. "As in never ka pang nagka-boyfriend?" Paniniguro pa nito sa kanya. Tango muli ang naging tugon niya. Hindi nakaligtas ang paggalaw ng adams apple nito at muling pagsuri nito sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang mga mata nito, bumagal sa may dibdib niya, saka tumaas sa kanyang mukha. Ang init biglang umakyat sa pisngi niya. "Wow…" saad nito. "You are already eighteen years old and beautiful," patuloy nito. Hindi niya alam kung compliment ba ang sinabi nito sa kanya o ano. Pero salamat pa rin, maganda siya sa paningin nito. Ang puso niya, kumabog nang isang beses. "Parang impossible namang palagpasin ka ng mga kaedaran mo sa bayan na ito," dagdag pa nito. "Marami akong manliligaw, pero wala akong gusto sa kanila," pagmamalaki niya. Totoo naman kasi iyon, kaya dapat lang na ipagmalaki niya rito. "I believe you. Nakikita ko naman na siguradong maraming lalaki ang lalapit sa iyo at magpaparamdam, sa ganda mo ba namang iyan at lakas ng appeal," Miko said. Ang boses, mababa. "But that will never be a reason to change my mind, Patricia," Miko said. "I wasn't trying to change your mind, Mr. Vice Mayor!" Mariing saad niya. Baka kasi iniisip nito na kaya niya sinabi rito na never pa siyang nagka-boyfriend ay para magustuhan siya nito. Hindi iyon ang intensyon niya. Ang mga kamay niya, nakakuyom na. "I know, and hindi naman malaking bagay sa akin ang ganyang bagay. Wala akong pakialam kahit virgin ka pa, Patricia. Wala nang magbabago sa plano ko," saad nito sa kanya. Naniningkit ang kanyang mga mata. Nais niyang magsalita, pero walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nais niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, pero tila siya biglang napipi at nawalan ng boses para magsalita. Ang lalamunan niya, parang may nakabara. "Nang malaman ko ang plano ng Mama at Papa about us, nag-isip na rin ako ng plano ko para sa iyo, Patricia. And now I'm 100% sure na sa plano ko," Miko said. Ang boses, sigurado at walang pag-aalinlangan. "Anong plano?" Kunot-noong tanong niya. "After our wedding, you need to get out of this town. Well, actually, this country," Miko said. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin dito. Seryoso ang mukha nito at mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi nitong kailangan niyang umalis ng San Juan o ng bansa. Ang lamig ng gabi, biglang naging sobra. "Nakaplano na ang lahat para sa iyo, Patricia. Hinihintay na lang naman natin na maikasal na tayo at pwede ka nang umalis ng bansa," saad pa nito sa kanya. "Wait, Mr. Vice Mayor—" "Miko. You can call me Miko. Huwag na tayong masyadong pormal pa. Tiyak naman na mumurahin mo rin ako," putol nito sa sasabihin niya. Nagtaas siya ng kilay dito. Talagang mumurahin niya ito pag hindi nito inayos ang sinasabi nito sa kanya. Ang dugo niya, uminit sa tainga niya. "Ano ba ang plano mo?" Mariing tanong niya rito. "Pagkatapos ng kasal natin, lilipad ka na agad patungong New York. Don't worry, sagot ko lahat ng gastos mo sa pag-alis mo at pagdating mo sa New York. Hindi mo kailangang gumastos pa, ako na ang bahala sa lahat," tugon nito sa kanya. Napailing siya ng ulo habang nakatingin dito. Hindi siya makapaniwala. "Graduating ka na rin naman, right? Bago tayo magpakasal, kailangan maka-graduate ka na muna, dahil sa New York ka na mag-aaral. Doon mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo at ako na ang bahala sa lahat. Wala kang magiging problema sa pera at apartment, sagot ko na lahat, Patricia," litanya pa nito sa kanya. "Sa pag-alis mo ng bansa, ako na ang gagastos para sa iyo. Lahat ng kailangan mo financially, ako na ang bahala. Bilang asawa mo, it's my duty na alagaan ka pa rin kahit hindi tayo magkasama," dagdag pa nito. "I… I don't understand," bulong niya na sakto lang umabot sa kanyang tainga. "Malinaw naman ang sinabi ko, Patricia. After our wedding, sa New York ka na mag-aaral. Kunin mo ang kursong gusto mo, kahit saang university pa iyan, ako ang bahala. You just need to stay away from me at sa mga magulang natin," tugon nito sa kanya. Ang mga salita, parang kutsilyo. Matulis at malamig. "Bakit mo pa ako pakakasalan kung ayaw mo naman pala akong makasama?" Tanong niya rito. Nasaktan siya sa nais nitong mangyari na para bang matapos siya nitong pakasalan, itatapon na siya nito sa New York. Ang dibdib niya, sumikip. "Sinabi ko na kanina ang rason ko sa iyo, Patricia. Wala akong kapatid na tutupad sa kahilingan ng mga magulang ko, kaya pinagbibigyan ko sila. Ang pakasalan ka lang naman ang gusto nilang mangyari dahil para mas tumibay ang samahan ng ating mga pamilya dahil sa negosyo. After nating maibigay ang kasal na gusto nila, tayo naman na ang bahalang magdesisyon sa kung ano ang gagawin natin sa pagsasama natin. At iyon na ang plano ko—ang dalhin ka sa New York," mahabang litanya nito sa kanya. "Itatago mo ako?" Tanong niya rito. Ang boses niya, nanginginig na. "Yes, Patricia. Itatago kita dito sa bayan na ito, kaya dadalhin kita sa malayong lugar," tugon nito sa kanya. Ang mga mata, walang emosyon. Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ng kaharap ang saktan siya nang ganito kabilis samantalang ngayon lang sila nito nagkausap. Ang mga daliri niya sa paa, nanlamig sa loob ng takong. "Alam ng mga magulang natin ang isang pakiusap ko sa pagpapakasal na ito," Miko said. "Anong pakiusap mo?" Tanong niya. Sumasakit na ang kanyang ulo sa dami ng pasabog ni Miko sa kanya. Hindi niya inisip na may ganitong pasabog pala ito ngayong gabi. Kung alam lang niya, hindi na sana siya pumayag na magkausap sila nito. "Na walang ibang makakaalam sa pagpapakasal natin. Tanging mga pamilya lang natin ang may alam," tugon nito sa kanya. Natameme na naman siya sa nalaman. Bukod pala sa itatapon siya sa New York, eh patago pa siyang pakakasalan nito at bawal malaman ng iba. Anong rason nito? Mga babae ba? Nagtaas siya ng kilay dito at pinakita ang mataray niyang mukha rito. Masyado na kasi itong sobra sa pananakit sa damdamin niya na para bang hindi siya nasasaktan sa mga sinasabi nito. Ang luha, nagbabadyang tumulo pero pinigil niya. "Nag-agree na ang mga magulang mo sa bagay na iyon. Kaya nga intimate wedding lang ang gaganapin sa atin. Tayo-tayo lang naman ang gusto ng mga magulang natin, eh. Magdikit na ang mga apelyido natin para sa sarili nilang kapakanan," saad pa nito sa kanya. "Nais mong ilihim ang tungkol sa akin dahil ba may girlfriend ka?" Lakas-loob niyang tanong dito. Tumawa naman ito nang malakas na tila ba nakakatawa ang sinabi niya. Ang tawa, walang saya. Malamig. "Hindi ko hilig ang pumasok sa isang relasyon. I hate commitment. Ayoko ng may obligasyon sa isang babae," tugon nito sa kanya. Nasaktan na naman ang feelings niya sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kaharap? Kanina pa siya nito sinasaktan. Ang puso niya, parang tinutusok nang paulit-ulit. "After ng kasal, malaya tayong pareho, Patricia. Pwede mong gawin ang gusto mo at ganoon rin ako," saad nito sa kanya. "You mean, pwede akong makipagrelasyon sa iba habang kasal tayo?" Kunot-noong tanong niya rito. "Kung kaya mo, Patricia. Bilang isang babaeng kasal, kung kaya mong makipagrelasyon sa ibang lalaki, sige lang," tugon nito sa kanya. Sa sagot nito, malinaw na hindi siya pwedeng makipagrelasyon sa ibang lalaki. Pero ito, malaya ito. Dahil kaya nitong makipagrelasyon o sumama sa ibang babae dahil malayo naman siya rito. Ang galit, umakyat sa lalamunan niya. "Anyway, Patricia. Ipapaliwanag ko na rin sa iyo na sa pagpunta mo ng New York, wala kang kailangang gawin kung 'di ang mag-aral lang sa kung saan mo gusto. Hindi mo kailangang magtrabaho para mabuhay roon. May monthly allowance kang matatanggap mula sa akin. Free apartment. Free tuition fees. Free car. Free shopping. At kung may kailangan ka pa, sabihin mo lang sa secretary ko," litanya nito sa kanya. "Secretary? Don't tell me hindi rin kita pwedeng makausap," she said. Ang boses niya, matigas na. "Yes, Patricia. Hindi mo ako kailangang kausapin pa pag nasa New York ka na. Simple lang naman ito. Kasal lang tayo sa papel at hanggang doon lang iyon, formality lang para sa mga magulang natin na nag-set up sa atin para magpakasal. Huwag ka ring kabahan na baka may honeymoon pa tayo. No, hindi kita sisipingan, Patricia. Hindi na kailangang ma-consummate pa ang kasal na ito," litanya nito sa kanya. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o magagalit sa huling sinabi nito na hindi siya nito sisipingan, na hindi na kailangang ma-consummate pa ang kasal nila. Bakit? Hindi ba siya kaakit-akit para rito? Wala man lang ba itong maramdaman kahit ano sa kanya? Babae din naman siya. Ang mga kamay niya, nanginig sa gilid niya. Ang kuko, bumaon na sa palad. Ang luha, nagbabadyang bumagsak, pero hindi niya hahayaang makita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD