Chapter-5

1689 Words
Bago pa magsimula ang hapunan, nagulat na lang siya nang tawagin siya ng Mommy niya at hilahin papasok sa library. Naiwan ang Daddy niya at mga kapatid sa hapag-kainan, kasama ang mga de la Cerna. Ang amoy ng lumang papel at lemon-scented na furniture polish, bumalot sa kanya pagpasok. Malamig sa loob. Tahimik. Ang tunog lang ng aircon at ng yabag nila sa makintab na kahoy ang naririnig niya. "Mommy, bakit po?" Nagtatakang tanong niya sa ina nang maisara nito ang pintuan ng library. Ang kamay ng Mommy niya, nanginginig sa seradura. "May kailangan ka munang malaman, Patricia," seryosong tugon nito sa kanya. Hindi ito tumingin sa mga mata niya. Nakatutok sa mga librong nakahanay sa shelf, pero halatang hindi naman nagbabasa. "Ano po ba iyon? Kailangan po ba ngayon na? May mga bisita na po kasi tayo," saad niya sa ina, hindi mapakali. Ang palad niya, biglang pinagpawisan kahit malamig sa silid. "Hindi ko alam kung bakit kasi sa akin pa inasa ng Daddy mo ang pagsabi sa iyo tungkol dito," saad ng ina habang palakad-lakad sa loob ng library. Ang takong nito, dumadagundong sa kahoy kahit dahan-dahan ang hakbang. "Ano po ba kasi iyon, Mommy?" Tanong niya. Ang dibdib niya, parang may nakadagan na. "Patricia, anak, para sa iyo ito. Huwag ka sanang mag-isip ng hindi maganda sa amin ng Daddy mo. Ginagawa namin ito para sa iyo, anak," seryosong saad ng ina na hindi naman niya maintindihan. Ang boses nito, pilit kalmado pero basag sa dulo. "Ano po ba ang sinasabi niyo, Mommy?" Naguguluhang tanong niya. "Ang mga de la Cerna… narito sila sa bahay dahil sa iyo," tugon nito. Lumalim ang kunot sa noo niya. Ang lamig ng aircon, biglang gumapang sa batok niya. "Bakit naman po dahil sa akin? Ngayon ko lang po sila nakaharap. Naririnig ko lang po ang mga pangalan nila, pero hindi ko pa po sila nakilala nang personal. Kahit po si Vice Mayor Miko, ngayon ko lang din po siya nakita nang personal," tugon niya sa ina. "Patricia," seryosong tawag ng Mommy niya sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. Ang kamay ng ina, malamig at nanginginig. "Si Vice Mayor Miko de la Cerna at ikaw ay nakatakdang magpakasal," saad ng Mommy niya sa kanya. Nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Nagbuka siya ng bibig pero walang salitang lumabas doon. Walang kurap siyang nakatitig sa Mommy niya na para bang hindi totoo ang narinig niya mula rito. Ang dugo niya, parang umurong sa mukha. Nanlamig ang mga daliri niya sa paa. "Matagal na kayong naka-fixed marriage ni Vice Mayor Miko. Plano ito ng Daddy mo at ng Papa ni Vice. At ito ay para sa negosyo ng bawat pamilya. Kapwa tayo makikinabang pag kinasal kayo ni Vice," saad ng Mommy niya. Naririnig niya ang mga sinasabi nito, pero wala siyang naiintindihan. Basta ang alam niya, kailangan niyang pakasalan ang Vice Mayor ng kanilang bayan—ang gwapong si Miko de la Cerna na tinitilian ng maraming kababaihan. Ang lalamunan niya, biglang nanuyo. "I'm sorry, anak, hindi ka pwedeng tumanggi sa kasal na ito. Nakasalalay ang kabuhayan natin dito," saad ng Mommy niya. Siguro na-shock siya sa sinabi ng Mommy niya, pero wala siyang balak tumangging pakasalan ang isa sa pinakamagwapo sa kanilang bayan. Iyon nga lang, baka naman si Miko mismo ang aayaw na pakasalan siya. "Alam kong wala kang nobyo, anak. Sadyang hinintay namin ng Daddy mo ang mag-eighteen ka para mangyari na ang kasalan ninyo ni Miko. At ito na ang gabing iyon, Patricia. Ngayon na mamanhikan ang mga de la Cerna sa atin," litanya ng ina sa kanya. Wala siyang boyfriend, oo. Never pa siyang nagka-boyfriend, pero may mga nanliligaw naman sa kanya na hindi lang makapasa sa standard niya. Hindi pa niya nakikita ang lalaking magpapakabog sa kanyang dibdib. Well, kanina, naramdaman niyang kumabog ang kanyang dibdib nang magkatinginan sila ni Miko. Ang init biglang umakyat sa pisngi niya. "May alam po ba si Miko tungkol dito?" Tanong niya sa ina. "Yes, anak. Matagal nang alam ni Miko ang tungkol dito," tugon nito sa kanya. "Bakit ngayon niyo lang po sinabi sa akin?" Tanong niya. "Dahil masyado ka pang bata para isipin ang tungkol sa bagay na ito. At patawarin mo ako kung ngayon ko lang sinabi sa iyo, anak. Sadyang naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon," paliwanag ng Mommy niya. Ang mga mata nito, namumula na. "Alam na po ba ni Kuya at ni Kate?" Tanong niya. "Alam na ng Kuya Ariel mo, pero si Kate, hindi pa," tugon nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Ngayon alam na niya kung bakit ganoon na lang ang itsura ng Kuya Ariel niya sa pagdating ng mga de la Cerna. Alam pala nito kung bakit naroon ang mga ito. Ang bigat sa dibdib niya, parang bato. "Patricia, mabuting pamilya ang mga de la Cerna. Mabuting tao si Miko," saad ng Mommy niya. Hindi siya sigurado sa bagay na iyon. Hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo pa ito nakakasama sa bahay nang matagal. Ang imahe ni Miko kanina—ngumiti, nakipagkamay, pisil sa kamay niya—bumalik sa isip niya. "Wala kang dapat ikatakot kay Miko," patuloy ng ina. "Hindi naman po ako natatakot sa kanya, Mommy," saad niya. "Actually po, kung maaga niyo po sanang sinabi ang totoo, baka nakapaghanda pa po ako. Hindi ko naman po tatanggihan ang gusto niyong mangyari sa akin," saad niya sa ina. Totoo iyon. Hindi naman niya tatanggihan ang pagpapakasal kay Miko. Sino ba siya para tumanggi sa isang gwapong katulad ni Vice Mayor Miko de la Cerna? Walang babaeng tatanggi sa isang katulad nito. Lalo na kung kasal. "Salamat, Patricia, at naiintindihan mo ang lahat," pasalamat ng Mommy niya at ngumiti ito. Kanina pa nga niya hindi nakikitang ngumingiti ang ina. Buti naman ngayon, nakangiti na ito. Ang ngiti, may ginhawa pero may lungkot pa rin. Ngayon naiintindihan na niya ang lahat ng nangyayari magmula pa kanina. Kung bakit ang Daddy niya ang sumundo sa kanya sa school, at kung bakit binilhan siya nito ng mamahaling eleganteng dress. Ito na pala ang kasagutan sa lahat. Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon. Totoo ang sinabi niya sa Mommy niya, hindi siya tatanggi sa gustong mangyari ng kanyang mga magulang. Baka this time, may magawa na siyang mabuti para sa mga magulang. Medyo sakit din kasi siya sa ulo ng mga ito minsan, at least ngayon, kung susunod siya sa gusto ng mga ito, mababawasan ang sakit ng ulo ng mga magulang niya. Saka na niya iisipin kung paano siya pagkatapos ng kasal nila ni Miko. Isama pang hindi niya lubusang kilala ang lalaking pakakasalan. Wala siyang ideya kung ano ang totoong pagkatao nito, at kung hindi ba ito tutol sa pagpapakasal sa kanya. Matapos nilang mag-usap ng Mommy niya, agad na rin silang lumabas ng library at lumakad na patungo sa komedor kung saan naroon ang Daddy niya at mga kapatid, pati na ang pamilya de la Cerna. Ang carpet sa hallway, malambot sa ilalim ng takong niya. Ang ilaw mula sa chandelier sa dining, kumikislap. Malapad ang ngiti ng Mommy niya dahil nga pumayag siya sa plano ng mga ito. Wala siyang karapatang tumanggi dahil anak lang naman siya at ang mga magulang niya ang bumubuhay sa kanya. Lahat ng meron siya ngayon ay dahil sa mga magulang niya. Kaya dapat siyang sumunod sa gusto ng mga ito. And of course, Vice Mayor Miko de la Cerna is not a f*****g joke. Pagbalik nila sa komedor, busy pa sa kuwentuhan ang mga bisita at Daddy niya. Tahimik naman ang dalawa niyang kapatid. Hindi pa nagsisimulang kumain ang mga ito, marahil ay hinihintay sila. Ang amoy ng kare-kare, crispy pata, at bagong saing, bumalot sa buong silid. Napasulyap siya kay Miko na nakatingin sa kanya. Tumango pa ito sa kanya at bahagyang ngumiti. Ang sulok ng labi nito, tumaas nang bahagya. Hindi malapad, pero sapat para kumabog ang dibdib niya. Napalunok siya, nahihiyang tumango rin dito. Hindi siya makapaniwala na ang gwapong lalaking nakangiti sa kanya ay ang pakakasalan niya, ang magiging asawa niya at makakasama niya habambuhay. Tama naman, panghabang-buhay ang kasal, kaya habang-buhay silang magsasama ni Miko, pero magsasama sila dahil sa kagustuhan ng kanilang mga magulang, hindi dahil sa mahal nila ang isa't isa. Marami naman sigurong mga katulad nila ni Miko na nagpakasal nang walang damdamin para sa isa't isa. Nang magsimula nang kumain, medyo conscious pa siya dahil ilang beses niyang nahuhuli si Miko na nakatingin sa kanya. Ang mga mata nito, hindi lumilipat. Parang pinag-aaralan ang bawat galaw niya, bawat subo niya. Marahil inaaral nito ang kanyang mukha. Ito kasi ang unang pagkikita nila nito, at pagkatapos, ito na rin ang pamamanhikan ng mga ito. Kumabog ang kanyang dibdib nang buksan na ang usapan tungkol sa kanila ni Miko ng mga magulang nila. Ang tinidor sa kamay niya, biglang bumigat. Wala siyang nakitang reaksyon sa pormal na mukha ng Kuya Ariel niya, marahil dahil may ideya na ito sa nangyayari. Pero kay Kate, na mukhang katulad niya, walang kaalam-alam magmula kanina, nakita niya ang gulat sa mukha ng kapatid. Halos maluwa pa nga nito ang pagkain sa bibig nang sabihin ng Daddy niya na magpapakasal sila ni Miko. Bahagyang ngiti naman ang nakita niya sa mga labi ni Miko. Hindi niya alam kung ngiti iyon dahil masaya ito, o ngiti na dapat niyang katakutan. Ang ngiti, hindi umabot sa mga mata. "Mukhang wala naman nang tutol sa mga bata sa napagkasunduan natin," saad ni Mr. de la Cerna na soon-to-be father-in-law na niya. "Sunod na nating pag-usapan ang kasal niyan," nakangiting saad naman ng kanyang soon-to-be mother-in-law. Ang boses, magiliw pero may otoridad. Parang tumigil naman ang kanyang puso nang magsalita si Miko sa kauna-unahang pagkakataon. Kapwa kasi sila nito tahimik at tanging mga magulang lang nila ang nagsasalita. "Hayaan niyo po muna kaming magkausap ni Patricia," saad ni Miko, saka siya nito sinulyapan. Ang boses, malalim at kalmado, pero may bigat. Napasulyap siya at hindi magawang alisin ang mga mata sa mga mata nito. Ang mga iyon, kulay kape sa ilaw ng chandelier, pero malamig. Nagbabantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD