Chapter 5

2075 Words
Emilia’s POV Tiniis ko ang init habang naglalakad papunta sa hospital kung saan na confined si bunso. Dala ang payong at ang pagkain na niluto ko pa sa bahay ay hindi ko ininda ang init dito sa labas. Ngayon daw lalabas ang mga lab result niya kaya hindi na ako makapaghintay pa na malaman iyon. Nagising na naman ang kapatid ko pero alam kong hindi siya okay lalo pa at nahihirapan pa siyang bumangon o ang igalaw ang buo niyang katawan. Saktong kakarating ko lang sa gate ng guard nang harangin ako nito “Kayo ba si Miss Emilia?” tanong nito sa akin. Mahigpit akong napahawak sa plastic na dala ko ngayon. Sa tingin pa lang ng guard ay alam kong may sadya na ito sa akin. “Yes. Ako nga, bakit?” napilitan akong huminto. Ramdam ko na ang kaba sa mga sandaling ito. “Pinapapunta ka sa room 345 sa mas madaling panahon.” Mabilis na wika nito. Hindi na ako nagtanong pa sa halip ay mabilis na akong umakyat doon. That was the room of my younger! May nangyayari ba habang nasa bahay ako at kumukuha ng mga gamit at nagluto ng makakain? May nangyari ba na masama sa aking kapatid? Hindi ko na hinintay pa ang elevator sa halip ay tinahak ko na lang ang hagdanan, Ilang minuto pa nang marating ko ang bukana ng room 345. Una kong binatuhan ng tingin ang aking kapatid na ngayon ay mahimbing ang namang natutulog. “I am waiting for your patience miss Emilia,” mula sa aking kapatid ay kaagad na bumaling ang aking mga tingin sa doctor. Unang bumungad sa aking tingin ang hawak nitong folder na alam ko na kaagad na ibig sabihin nito. The result are obviously out. “Y-yes doc,” mula sa hawak nitong folder ay muling umangat ang aking tingin sa mga mat anito. “The results are out Miss Emilia. Hindi lang sugat ang natamo ng pasyente, we also found a bone fracture in her left leg. Okay lang naman ang ibang parte ng kaniyang katawan but we need to do an urgent operation for her injury as soon as possible. Also, she neeed to take from medicine including the pain reliever.” Wika ng doctor. Napalunok ako ng sarili kong laway habang pinapakinggan ang sinabi ng doctor. “I—ilan po kaya ang kailangan doc? Saka w—wala pa po akong pera sa ngayon pero haahanap po ako ng paraan,” sambit ko habang binalingan ko ng tingin ang aking kapatid; mahimbing pa rin itong natutulog hanggang ngayon “You can ask in the counter for your down p*****t. Sorry to hear about the patients’ status Miss Emilia. Don’t worry, we will do our best to make her better,” ngumiti na lang ito sa akin saka tuluyan na ring umalis at lumabas nitong room. “Emilia Alvarez. Here’s your temporary billing statement. Attached here are the p*****t that needs to be paid first,” wika ng clerk rito sa billing counter kasabay ang pag—abot sa akin ng mga papel na naka-staple pa. The paper is like 3 to 4 pages. Marahan ko itong binukasan saka dahan—dahan na binasa kung ano man ang nakasulat sa loob. “Initial p*****t to proceed: 500,000 PHP” Hindi ko alam pero bigla na lang tumigil ang mundo ko nang mabasa ko ang katatagang iyon. Doon din unang dumapo ang aking mga mata pagkabukas ko pa lang ng nakastaple na mga papel. Jusko, saan ako kukuha ng ganito kalaking pera. Saan ako hahanap nito? Ni sa pang-araw—araw na pangangailangan nga ay nahihirapan na ako ito pa kaya?? “M—Miss, sigurado po ba kayo na sa akin ang bill na ito? Baka kasi nagkamali lang po kayo ng bigay. Paki-double check naman,” hindi ko na alam pa ang sinasabi ko basta tanging alam ko lang sa mga sandaling ito ay hindi ko alam kung saan ako makakanap ng ganito kalaking pera. “Okay next,” hindi binalingan ng atensyon ng clerk ang sinabi kongi yon. Bumaling ulit ako sa papel na hawak ko ngayon saka muli itong binasa bawat letra. Baka kasi nagkamali lang ako ng basa kanina. Baka namalikmata lang ako. Pero ganoon pa rin. 500, 000 pesos? Saan ako hahanap ng ganito kalaking pera? Bumaling ako sa mga taong nakapili ngayon dito sa counter. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Siguro iniisip ng mga ‘to na malapit na akong mabaliw. Lumabas ako ng clerk na may dalang matinding lungkot sa aking isipan. Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ng doctor sa akin kanina na kailangang maoperahan kaagad ng aking kapatid sa mas lalong madaling panahon. Bumaling na lang ako sa room. Nadatnan kong nagising na ang aking kapatid. Unang bumaling sa aking mga mata ang mga titig niya. “A—ate,” pansin ko ang lungkot mula sa kaniyang boses. Pinilit kong ngumiti sa kaniyang harapan para kahit papaano ay hindi mahalata ng aking kapatid na may iniinda akong lungkot. Kailangan kong ipakita sa kapatid ko na hindi ako nahihirapan at nang magkaroon siya ng lakas ng loob ng lumaban. Paano pa lalaban ang bunso ko kung ang ate niya mismo ay nakikita niyang malapit nang sumuko? “Nagugutom na ba ang bunso ko? May dala akong pagkain at prutas,” pilit kong sambit habang maarahan na hinihipo-hipo ang kaniyang noo. “Ate, kailan ako makakalabas dito? Gusto ko nang umuwi,” dahan—dahan na naglaho ang ngiting pilit sa aking bibig. “Bakit gusto mo nang umuwi? Ayaw mo bang manatili pa rito at magpagaling?” tanong ko sa kaniya. “Ate, baka mahirapan ka. Gusto ko nang umuwi saka kaya ko naman na e.” pagpumulit pa nito. Napalunok ako ng sarili kong laway. Nakalimutan kong matalino pala itong bunso ko. Alam kong pansin na rin niyang pati ako ay nahihirapan na kahit pa na nakangiti ako sa kaniyang harapan. “Hindi mapapagod at makakaramdam ng hirap ang ate, Akisha. Kakayanin ni ate ang lahat para lang gumaling ang bunso,” muli kong pinakita sa kaniya ang aking ngiti kahit pa alam kong pilit lang ang mga ‘yon. “Gagaling ka, okay? Kaya lalaban ka, Akisha. Gagawin ni ate ang lahat. Don’t worry, uuwi tayo kapag gumaling ka na,” sambit ko pagkatapos ay hinalikan ko ang noo ni Akisha. “Kumain ka na,” pagpapatuloy ko kasabay ang pag—abot ng dala kong pagkain na alam kong ngayon ay nanlalamig na. Hindi ko alam kung saan ako patungo sa mga sandaling ito. Ni hindi ko na nga namalayan na nasa labas na pala ako ng hospital. Ang alam ko lang kanina ay nasa hallway lang ako habang nag—iisip kung saan ako hahanap ng pera para masimulan na rin ang operasyon ng bunso ko. Nang makita ang isang couch sa labas ay kaagad akong huminto ay doon na lang muna umupo. Hawak—hawak ko ngayon ang aking cellphone at ang initial billing ng hospital. Ang swerte ng iba dahil may malalapitan sila. Ang swerte ng iba dahil may mga kamag—anak silang pwedeng hingan ng tulong. Pero ako? Wala. Tanging ang sarili ko lang ang maaasahan ko sa mga sandaling ito. Humugot ako ng malalim na hininga kasabay ang pagtiklop sa hawak kong papel. Nakailang silip na rin ako nitong billing statement na hawak ko pero wala, wala pa rin akong maisip na ibang paraan para makahanap ng pera. Pwera na lang kung… Inangat ko ang hawak kong cellphone. Kusa itong nagbukas gamit ang facial unlock. Sa hindi mabilang na sandali ay muli na naman akong napabuntong hininga. Sa loob ng contact ay hinanap ko ang blocklist. Kaagad na bumungad sa akin ang natatangin numero na naroon. Ang numerong ilang araw na rin nan aka blocklisted doon. Wala na eh… Wala na akong tanging matatakbuhan pa. Wala akong ibang pagpipilian sa mga sandaling ito… “Don’t worry, I won’t let you do the r****d nor ask any consequences. Just give me the undone service and I even pay you not just doble but triple from the regular price. Or you may drop your price, baby and I can pay for it.” Mas lalo lang niyang iginiit ang kaniyang katawan papalapit sa akin. Ramdam ko na rin ang parang namumuong bakal sa loob ng kaniyang pants na ngayon ay unti—unti nang tumatama sa aking harapan. Damn him! Ano ba itong ginagawa niya? Mula sa aking buhok ay kaagad ko na ring napansin ang dahan-dahan na pagdulas ng kaniyang kamay patungo sa aking leeg hanggang sa dumapo ito sa aking balikat. There’s something from his cares that I could not explain. “Shall we?” pagpapatuloy pa nito kasabay ang dahan-dahang pag—baba ng suot kong shirt. Pansin ko na rin unti—unting paglapit ng kaniyang bibig sa aking mukha lalo pa at ramdam ko na ang maiinit nitong hininga na alam kongi lang pulgada na lang ang agwat mula sa akingg mukha. “Just once, baby. After that, I’ll give you the freedom whether to continue or not.” Bulong nito sa akin. Hindi ko magawang pumikit lalo pa at alam kong kapag ginawa ko iyon ay parang binigyan ko na rin siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang anumang bagay na nais niyang mangyari ngayon. Mula sa aking balikat ay mas lalo lang na bumaba ang kaniyang kamay hanggang sa dumapo na ito sa bandang balakang ko. Mas lalo lang bumilog ang aking mga mata nang hilahin niya ang katawan ko papunta sa kaniya kasabay nun ang animo’y tuluyang pagdikit ng aming katawan. Kung hindi lang siguro dahil sa suot naming damit ay hamak na tuluyan nang bumaon sa aking katawan ang naninigas na bagay sa loob ng kaniyang pants. “Dammit, baby! I need your answer! Para na akong malalabasan dito kahihintay,” he groaned as he said that words. I can even hear how he twisted her lips. “Teka lang!” dahil na rin siguro sa takot ay kaagad ko siyang tinulak. Unang tumama ang tingin ko sa namumuong bukol sa kaniyang harapan pero hindi rin iyon nagtagal at kaagad ko ring nilipat ang aking mga tingin sa kaniyang mga mata. “Hindi ako tulad ng babae na nasa isip mo kaya sorry na lang. Don’t worry, ibabalik ko ang pera na binayad mo sa akin noong gabing iyon. Oo, gagawin ko iyon, malinis ko lang ang konsensya ko. Saka pwede ba? Marami naming babaeng bayaran sa mundo bakit ako pa? Kung gusto mo, marami akong kilala. Kahit ngayon na ay pwede mo silang gamitin at,” bumaba ang tingin ko sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Hanggang ngayon ay bakat na bakat pa rin ang matigas na bagay na kanina lang ay dikit na dikit sa aking katawan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko na hinintay pang tumagal pa rito at kaagad na rin akong humakhang papalabas nitong kuwarto. Nasa hospital pa ang bunso ko at kailangan kong malam kung kumusta na siya sa mga sandaling ito. Kung nagising na ba siya. “I’ll wait, then. Maghihintay ako kung kailan mo gusto. I already called you once so I assume that you had my number. Call me when you are ready, baby.” Sambit nito sa akin at hinayaan lang akong makalabas nitong kuwarto. HINDI ko alam kung kaya ko ba… Kung tama ba itong magiging desisyon ko. Pero wala na akong magawa. Kailangan ko ng pera para kay Akisha. Kailangan siyang maoperahan sa mas lalong madaling panahon. “The number is already removed from your blocklist” ang katatagang lumitaw sa screen ng aking cellphone. Kaagad kong hinahanap ang number na iyon sqa call logs na alam kong nakastore lang iyon doon. Sa halip na tawagan ay una kon pinindot ang ‘send message’. Tinipa ko ang nararapat kong itipa doon. Nanginginig pa nga ang aking kamay habang pinipinto ang bawat letra ng mensaheng ipapadala ko sa lalaking iyon. Alam kong mali pero kailangan kong gawin… lalo pa at nakasalalay doon ang buhay at kaligtasan ng aking kapatid. Kailangan kong gawin kahit pa ang kapalit nun ay ang aking dignidad. Aanhin ko ang salitang iniingatan ko kung alam kong mahihirapan si Akisha. Pinilit kong alisin ang panginginig sa aking kamay mapindot ko lang ang natatanging button dito sa aking cellphone. “Where can we meet? I am ready…” Message Sent…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD