Emilia’s POV
“Miss, saan po kayo?” tanong sa akin ng driver nitong taxi na sinasakyan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga saka ko muling tiningnan ang aking cellphone. Binuksan kong muli ang message box saka ko binasa ang nakasulat doon.
“Meet me at Crown Hotel. Just tell my name when you got at the reception,” muli kong binasa ang natatanging message niya sa inbox. Hindi pa nag—isang oras nang sabihin ko sa kaniya na ready na ako at handa ko nang tanggapin ang sinabi niyang tulong.
“Sa Crown Hotel po. Magkano po?”
Binaling ko ang aking paningin sa labas nitong taxi na sinasakyan ko. Bumaling ako sa relos na suot ko, it is already 4 o’clock in the afternoon. Pansin ko na rin ang dahan—dahan na paglubog ng araw lalo pa at matatayog na gusali ang nangingibabaw sa paningin ko. Pansin ko na rin ang unti—unting pagbigat ng trapiko nitong siyudad lalo pa at weekend ngayon kaya talagang maraming tao ang magsisiuwian sa ganitong oras.
“Hihintayin na lang po natin ang meter, Ma’am. Pero kadalasan po ay 300 po talaga ang aabutin kapag sa Crown Hotel.” Dinig kong sambit ng driver.
Kaagad kong binuksan ang wallet ko. Mula sa loob ng aking wallet ay kitang may limang daan pa naman doon. Siguro hindi naman ako mabibitin sa pamasahe nito. Kahit papaano ay may barya pa akong sobra pagbaba ko nitong taxi.
Hindi ko maimagine ang buhay ko ngayon. Ni hindi ko man lang inisip na maaring may darating na sakuna sa buhay ko. Isipin mo ‘yon, tanging limang daan na lang ang laman nitong wallet ko taliwas sa matinding pagsubok at pangangailangan. Ni hindi pa nga ito nakaabot sa one percent sa pera na kailangan ko. I need atleast five-hundred thousand and I only have five hundred pesos in my wallet.
Ganun kalupit ang panahon sa akin…
Wala na akong ibang paraan pa kung hindi ang patusin ang alok ng lalaking iyon. Wala na akong ibang pagpipilian pa kung hindi ang ibenta ang aking laman kapalit ang kaligtasan ng aking kapatid.
“Nandito na po tayo ma’am.” Ang boses ng driver ang pumukaw sa lutang kong isipan.
Kaagad kong sinilip ang meter nitong taxi. Laking gulat ko nang mamataang four-hundred-fifty ang nakasulat doon.
“Kuya, bakit po 450 ang meter? Hindi ba sinabi mo sa akin na 300 lang po ang kadalasan na charge papunta dito sa Crown Hotel?” sambit ko.
“Nag—iba po tayo ng ruta ma’am. Kasi kapag susundin po natin ang regular na ruta ay aabutin po tayo ng hating gabi dahil sa traffic. Di bale na po na malaki ang charge basta makaabot lang po tayo ng mas maaga sa destinasyon. Lugi din po yon sa parte ko.” Pagpapalinawag pa sa akin ng driver.
Wala na akong ibang choice pa kung hindi ang i-abot na lang sa kaniya ang tanging pera sa aking wallet. Ang 500 pesos kong naroon.
“Ito po ang sukli ma’am,” wika nito na kaagad ko namang tinanggap.
Inangat ko ang aking tingin. Matayog na building ang bumungad sa akin. Nakailang daan na ako sa hotel na ito pero ni isang beses ay hindi ko pa nasubukang pumasok sa loob. I am wondering how it feels to be inside this hotel. Dito pa lang sa labas ay sobrang ganda na, paano pa kaya kung nasa loob na ako?
“Do you have room reservation po ma’am?” ang unang bungad sa akin ng receptionist nang nagpunta ako roon.
“Uhm,” bumaling ako ng tingin sa aking cellphone saka muling binasa ang message niya kanina.
Ngayon ko pa napagtanto na may binigay pala siyang instruction sa akin kanina pero hindi ko lang pinansin iyon. Tanging ang tumatak lang sa aking isipan ang ang lokasyon nitong hotel.
Pero kumunot ang aking noo nang basahin kong muli ang kaniyang mensahe.
“Just tell my name when you got to the receptionist.”
Ngayon ko napagtanto na hindi ko pa pala alam ang kaniyang pangalan. Ngayon ay paano ko sasabihin sa receptionist na ito ang pangalan ng lalaking iyon na ni isang beses ay hindi pa naman niya binanggit sa akin ang kaniyang pangalan.
Damn him! Magbibigay na nga lang siya sa akin ng instruction ay kulang—kulang pa!
Kaagad kong pinindot ang kaniyang numero. Akmang tatawagan ko na sana siya nang mapagtanto ko kung ano ang itatanong ko sa kaniya.
Should I ask him “What name will I say to receptionist?” or should I ask “What’s your name” directly instead?
Nakakainis siya! Kung binigay na lang sana niya ang pangalan niya kanina sa message ay sana hindi na ako mahihirapan pa sa pagpasok nitong hotel.
Sa halip na tawagan siya ay sa message na lang ako pumunta at nagsimula na ring magtipa roon.
“Anong pang—” ang unang katatagang naisulat ko roon pero kaagad ko ring binura. Bakit parang nagmukhang ako pa itong interesado sa kaniyang pangalan? Kung magtatanong ako ay parang sobrang importante ng pangalan niya sa buhay ko.
“Kahit anong pangalan na lang ba ang ibibigay ko sa receptionist?” makalipas ang ilang minutong pag—iisip kung paano ko siya tanungan ay sa wakas nakahanap rin ako ng nararapat na itanong sa lalaking iyon.
Wala pang isang minuto ang lumipas ay kaagad ko na ring narinig ang beep mula sa aking cellphone—sinyales na may mensaheng dumating. “Ale, just tell the name Ale.”
So Ale is his name? Sa ikli ng kaniyang pangalan ay alam kong hindi iyon ang buong pangalan niya.
Pero ganoon ba talaga siya kakilala rito sa hotel? He didn’t even give his full name. Paano makilala ng receptionist kung ang binigay niya sa akin ay palayaw lang?
Well, let’s see.
Kaagad kong muling binalingan ng tingin ang receptionist. Halatang nakaabang pa rin ito sa sasabihin ko.
“Ale,” ang tanging katatagang sinabi ko sa kaniya.
“Ahhh. Sorry po ma’am. Sa kay sir Ale po pala kayo. Wait a second po,” mabilis na saad nito saka kaagad na nag—dial sa telepono.
Ilang minuto pa nang may dumating na lalaki sa reception. “Ma’am, sumunod ka na lang po sa kaniya. He will lead your room number po,” wika nito kasabay ang paglahad ng kamay patungo sa lalaking kararating lang.
Tulad ng sinabi niya ay sinundan ko na lang ang lalaking ito.
So, he’s that famous here?
Ano siya rito? Regular costumer? Halatang hindi lang isang beses kung hindi hindi na mabilang na pagkakataon siyang nagtungo rito, and guess what? Bawat punta niya rito ay iba—ibang babae ang kasama niya?
At ang masaklap pa ay isa ako sa mga babaeng iyon.
What an unfortunate world. Sa lahat ng trabaho sa mundo ay sa trabahong ito pa talaga ako napunta.
“Dito na po ma’am,” kaagad na rin akong huminto. Kasabay ng paghinto ng lalaking gumiya sa akin ay ang pag—abot nito sa isang key card. “Ito na po ang susi. Baka kasi wala pa si sir Ale dito,” sambit nito na kaagad ko rin namang tinanggap ang keycard na kaaabot lang niya sa akin. “May tanong pa po kayo? Just let me know lang po,” wika nito na kaagad namang namuo ang kuryusidad sa aking isipan.
“Do you know him?” ang tanging katatagang lumabas sa aking bibig. Hindi naman siguro masama ano kung tanungin ko kung anong klaseng tao ang makakasama ko ngayon. Higit sa lahat ay kailangan kong malaman kung hindi ba siya masama. Baka isa siyang serial killer at hindi ko alam ay nasa huling yugto na pala ako ng aking buhay.
Ngumiti lang siya. Halata sa mga ngiti niya na animo’y hindi makapaniwala sa naging tanong ko sa kaniya.
“Kilala? Si sir Ale po ba?” para bang pinagtatawanan niya ako sa naging tanong ko. “Oo naman po. Sinong hindi makakilala sa kay sir? Kilala po si sir Ale sa buong hotel,” sambit nitong may bahid pa rin na ngiti sa labi. Mas lalo lang umangat ang aking kilay.
“Well, seems like he’s your VIP here. Or shall I say,” saglit kong ibinaling ang paningin sa room number saka binalikan ang lalaking nasa harapan ko. “Y-O-U-R V-I-P CUSTOMER here,” sinadya kong isa—isahin ang mga salitang iyon para makuha niya ang ibig kong sabihin.
“Tsk,” kaagad namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. “Do you have any other concern po? Kung wala na, iiwan ko na lang po kayo rito.”
“Wala na,” wika ko at nauna na siyang iniwasan ng tingin. Kaagad kong inangat ang hawak kong keycard ngayon. I slowly swiped it in the screen at kasabay ng pag—swap ay ang pagtunog nito and saying “Unlocked”.
Ramdam ko pa ang panalalmig sa aking katawan sa mga sandalling ito pero wala nang atrasan ‘to. Para sa bunso ko ay gagawin ko ang lahat.
Nilibot ko ang aking buong paningin sa kabuuang sulok nitong room. It is wide and luxurious. Sa mga advertisement ko lang nakikita ang mga ganitong klaseng room. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang dulo nitong room. May kurtina kaya marahan ko iyong hinawi at sinilip. Laking gulat ko nang makita ang malawak na siyudad. From here, I can clearly the wide city covered with the colorful evening city lights.
Anong floor bai to? Hindi ko kasi pansin ang pinindot ng lalaki kanina sa elevator. Pero alam kong nasa pinakamataas na bahagi ng building ang floor na ito.
“Feel like home,” ang boses na hindi lang bumalot sa kabuuang sulok nitong kuwarto kung hindi ang nagpapatranta ng buong katawan ko. It was a cold—manly voice. Ang tanging boses na tumatak sa aking isipan.
Marahan ko siyang hinarap. Sa halip na sa mukha niya unang bumungad ang aking mga tingin ay sa kaniyang pang—ibabang parte ng katawan iyon dumapo. Huli nan ang mamataan kong naka—topless lang pala siya. Halatang kagagaling lang niya sa banyo lalo’t mamasa—masa pa ang katawan niya.
Kaagad akong umiwas ng tingin. Ni hindi na ako bumaling sa kaniyang mukha sa halip ay ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa kung saan ang unang posisyon ko—sa glass window kung saan kita ang city lights.
“W—what,” ang katatagang lumabas sa aking bibig. Bakit ba lumalabas siyang tanging tuwalya lang ang suot sa katawan!
“I said, feel like home. You don’t need to feel uncomfortable,” dinig kong wika niya. Habang sinasabi ang mga katatagang ‘yon ay pansin ko ang dahan—dahan nitong paglapit sa akin. Ngayon pa lang ay alam kong unti—unti na siyang humahakbang patungo sa kinatatayuan ko. “One more thing, don’t hesitate to stare any part of it. It’s all yours tonight,” wika nito na alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin.
Huh! Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon sa akin.
Ganoon na ba talaga ang tingin niya sa sarili niya? Anyone can stare? Para na rin siyang naging bayaran kung ganoon!
“Lumayo ka sa akin,” ang tanging katatagang binitawan ko. Kung ganitong lalaki lang din naman ang pagbebentahan ko sa aking p********e ay huwag na! Sobrang yabang niya at pinapamukha pa talaga niyang ako itong may habol sa kaniyang katawan!
“Why? You told me that you are ready. I am waiting for almost three days baby. I can’t even get enough sleep for it; waiting for your presence. Now that you’re here, I’ll make sure to have the satisfaction that I wanted from the night we first met,” bulong nito sa akin mula sa aking likuran. Pansin ko pa ang bahagyang patak ng likido na alam kong galing iyon sa mamasa—masa niyang katawan.
Kumalma ka, Emilia. Baka nakalimutan mong nandito ka para kumita ng pera, o sabihin nating nandito ka bilang isang bayaran at hindi para isang palaban na babae.
“You’re right,” muli ay humugot ako ng malalim na hininga saka iyon pinakawalan. Siguro ito na ang pagkakataon na lunukin ko ang dignidad na matagal ko nang pinanghahawakan. “I am ready. How about you?” dala ang lakas ng loob ay muli ko siyang hinarap.
Seryoso ko siyang tiningnan at saka dahan—dahan siyang binigyan ng malalagkit na ngiti. Pansin ko ang gulat sa kaniyang mga mata sa mga sandaling ito.
“Bakit parang natulala ka? Ang tanong ko, handa ka na ba?” muli kong tanong sa kaniya na may halong panghahamon sa kaniyang boses.
“W—what so sudden. I—mean, you’re n—”
“Get off your towel then.” Hindi na ako nagpaligoy—ligoy pa.
Buong akala ko ay masisiyahan siya sa ginagawa ko pero nanatili lang siyang nakatingin sa aking mga mata ay wala man lang ni paggalaw ang ginawa. Akala ko ba ay ito ang gusto niya?
“This is n—” Again, I cut him off.
“Take off your towel, Mr. Ale. Should I take that by myself? Let’s begin the thing that you wanted me to do.” Mabilis na saad ko.