KASALUKUYAN silang nasa opisina ni Atlas Froi, nang may naulinigan silang ingay. At sabay pa silang lumingon sa pinto nang bumukas iyon. "Ashley, hindi pa ba sapat na ang ama ng lalaking ito ang dahilan ng maagang kamatayan ni Daddy? Talagang tumakas ka pa para lang bumalik sa tarantadong yan?" galit na tanong ni Lance sa kapatid. Hindi sigurado si Ashley kung sino sa kambal ang kaharap niya. Pero sa pananalita nito, nakakasiguro siyang ang Kuya Lance niya ito. "Asawa ko ang sinasabi mong lalaki, Kuya Lance, kaya hayaan mo ang aking desisyon ko. Isa pa, nangako kayo sa akin pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy, hahayaan nyo akong magdesisyon sa aking sarili. Pero ikinulong nyo ako sa aking silid ng isang linggo. Hindi na rin ako bata; sa edad kong twenty-seven, may karapatan na akong