Counting

1294 Words
Gyan’s POV “Sigurado ka ba na hahayaan mong labanan sila ni Zion?” tanong ko kay Cayden at dumoon kami pumwesto sa sira-sira at walang taong tindahan. Naupo kami ni Cayden sa mga kahoy na upuan at si Gino naman ay nanatiling nakatayo, sumandal siya sa pader at nagsindi ng sigarilyo. “Bata pa si Zion, oo, pero ang abilidad ng batang ‘yon ay pang halimaw! Kayang-kaya niya ‘yan, baka nga hindi pa ‘yan magasgasan,” ani Gino. “Yon nga ang pinangangamba ko. Tingin niyo ba bubuhayin ni Zion ang mga ‘yan?” natatawa kong sabi at napailing ako. “Ngayon pa lang ay naaawa na ako sa kanila.” Ngumisi si Cayden, “Let him play Gy. Gusto ko ding makita… kung gaano na ba siya kahusay ngayon.” “Huh! Siguradong mas malakas na siya sayo! Ako kaya ang trainor niya!” pagmamalaki ni Gino na tinawanan lang namin ng mahina. Sa totoo lang kasi, kahit hindi siya turuan ni Gino, ang mga istilo at kakayahan ni Zion ay nakukuha niya kay Cayden. Gustung-gusto niya kasing higitan ang kuya niya kaya naman nagsisikap siyang mag-isa na gawin ang bagay na ‘yon. “Ang iingay niyo, akala niyo ba hindi ko kayo naririnig!?” yamot na sabi ni Zion nang lingunin kami. “Ang papangit niyo! Blehhh!!!” “ANONG SABI MONG BANSOT KA!” ani Gino at animo’y aamba. “Tandaan mo ‘to, dodoblehin ko ang oras ng training mo, simula bukas! Lagot ka sa kin!” Napapailing na lang talaga ako kay Gino. Ang bilis niya kasi talagang mapikon kay Zion, samantalng si Cayden naman ay nanatili lang na kalmado at nakangiti sa kaniyang kapatid. “Hoy! Mga gunggong! Puro na lang kayo satsat d’yan! At talaga bang uupo lang kayo at panunuoring tirisin ko ‘tong batang ‘to, ha!?” inis na sabi ng maskuladong lalaki na tila pinuno ng grupo. Tumakbo at yumakap naman sa kaniyang paanan ang batang babae, “M-Mang Lucio, huwag po! Maawa po kayo!!! Huwag niyo po siyang idamay! K-Kaibigan po namin siya!” Ang isang batang lalaki naman ay pinilit ang sariling bumangon. May mga galos at pasa siya sa kaniyang mukha. Tila nais niya ding pigilan ang lalaking tinatawag nilang Mang Lucio. Patuloy na tumatangis ang batang babae; nang makita iyon Zion ay lalong tumiim at nanlisik ang mga mata niya sa lalaki. Binuwag naman ng lalaki ang pagkakayapos sa kaniya ng bata at tumalsik ito sa sementadong daan, “Manahimik ka! Wala akong pakealam kung kaano-ano niyo siya! Ayaw ko sa lahat, ‘yong iniistorbo ako sa trabaho ko! Walang kwenta!” “Trabaho!? Huh! Trabaho ba ang tawag mo sa pangingikil mo sa dalawang bata!? Pipigain mo sila ng husto hanggang may maibigay sila sa’yo!?” matapang na sabi ni Zion habang nakasilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon at seryosong nakatingin sa lalaki. “Anong silbi ng malaki mong katawan!? Anong laman ng braso mo? Hangin!? Ano ka… ampaw!? Magbanat ka ng buto!” “ANONG– BWISIT KA!!!” hiyaw ng lalaki at agad niyang sinenyasan ang mga tauhan niya para sugurin si Zion. “Haayy… sabay-sabay pa kayo, huh, mga ungas,” kumpyansang sabi ni Zion at nilundagan niya lang ang bawat atake sa kaniya ng mga ito. Dahil nagsimula na ang laban ay alam kong hindi na namin iyon maaawat. Binuklat ko na lamang ang librong lagi kong dala at nagbasa, samantalang si Gino ay tila may ka-text na namang babae sa kaniyang telepono. Si Cayden… hmm… tahimik lang siyang nanunuod sa pakikipaglaban ng kaniyang kapatid na para bang pinagmamalaki niya ito. Hindi man niya sabihin, alam namin… na si Zion ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya ngayon. “Go Z! Mahal ka ni kuya!” malapad na ngiti ni Cayden na halatang inaasar lang ang kapatid. Napatikom naman ako ng bibig para magpigil ng aking pagtawa. Mabilis na namula ang mukha ni Zion at animo’y nawala sa konsentrasyon. Muntik na tuloy siyang mahagip ng patalim na itatarak sana sa kaniyang mukha. Mabuti na lamang at naipaling niya ang kaniyang leeg, at mabilis niyang siniko ang baba ng lalaki. “K-Kainis! MANAHIMIK KA NGA!” hiyaw ni Zion at tila ang inis ay binaling sa kaniyang mga kalaban. Wala pang kinse-minutos ay nakahandusay na ang katawan ng mga kalalakihan at ang tanging natitira na lamang na nakatayo ay ang maangas na pinuno ng mga ito. “Oh ano? Mga lampa!” ani Zion matapos pilipitin ang leeg ng huling tauhan ni Lucio. Isinara ko ang libro ko at itinapon na din ni Gino ang kaniyang sigarilyo. Mukhang malapit na kasi kaming umuwi. “Ikaw. Ikaw na lang ang natitira,” ani Zion. “Sabihin mo sa akin, paano mo gustong mawala?” Nakatayo lang doon si Lucio at tila hindi makapaniwalang isang bata lamang ang tumalo sa mga tauhan niya. Bakas din sa kaniyang mukha ang magkahalong galit at pangamba. Ano na kaya ang gagawin niya ngayon, hmn. “MANAHIMIK KA!” hiyaw ni Lucio at kinabig ang batang babae upang gawing hostage. “SUBUKAN MONG LUMAPIT SA AKIN, TATAPUSIN KO ANG BATANG BABAENG ITO!” Napasulyap ako kay Cayden habang hinihimas ang aking baba, “Parang pamilyar sa akin ang eksenang ito ah? Hmn?” Ngumisi din siya ng matipid, “Yeah. Ako din.” Ngumiti din ako ng tikom na bibig saka ko binalikan ng tingin sina Zion. Tila hindi naman siya nababahala ngunit tiyak na nag-iisip siya kung anong gagawin niya para hindi masaktan ang batang babae. “Ganyan ka ba talaga ka-duwag? Nagtatago ka sa likuran ng isang paslit!” ani Zion. “MANAHIMIK KA–” “Kapag hindi mo siya binitawan matapos kong magbilang ng tatlo, magpaalam ka na sa buhay mo,” matatas na sabi ni Zion. “Isa…” “P-PINAGLOLOKO MO BA KO! HUH! HINDI AKO NATATAKOT SAYO–” “Hindi kita tinatakot, tanga! Dalawa,” muling pagbibilang ni Zion. Nagtiim ang bagang ni Lucio at hindi niya inaalis ang tingin kay Zion. Tila ba binabasa nya kung anong gagawing pag-atake nito. “Hindi mo ba talaga siya pakakawalan, huh?” kaswal na tanong ni Zion. “HINDING-HINDi KO PAKAKAWALAN ANG BATANG ITO–” “Tatlo.” Natigilan na lamang sa pagsasalita si Lucio nang isang patalim ang bigla na lamang tumarak sa kaniyang noo. Dilat ang kaniyang mga mata nang unti-unting tumamba ang kaniyang katawan sa daan. Nakawala ang bata at magkahalong gulat at takot ang naging reaksyon nito. Sumipol si Gino. Tumayo naman kami ni Cayden at nilapitan si Zion. “Parang… pamilyar sa akin ang patalim na ‘yon ah,” ani Cayden at ipinatong ang kaniyang palad sa ulo ni Zion. Animo’y naging statwa naman si Zion panandali nang maramdaman ang bigat ng kamay ng kaniyang kuya. “H-Hiniram ko lang sandali! B-BAKIT BA!?” mamula-mula ang mukha ni Zion nang mabisto siya ni Cayden. “Hiniram? Isang buwan ko ng hinahanap ‘yan, baliw ka ba,” Pinitik ni Cayden ang noo ni Zion at agad itong namula. “ARAYYY!!! ISUSUMBONG KITA KAY MOMMY!!! SIGURADONG BABALATAN NIYA KAYO NG BUHAY!!!” hiyaw ni Zion at sinusubukan niyang suntukin si Cayden pero hindi niya ito maabot; nakapatong pa din kasi ang kamay ni Cayden sa ulo ni Zion. “Hmn, bakit ba lagi mo akong pinapahamak bata ka–” Bigla kaming napabalikwas ng tingin nang mayroong biglang lumundag sa pagitan namin at tinangkang sipain si Cayden. “BITIWAN MO SIYA!” Nahulog ang sumbrero nitong suot sa sementadong daan at kumawala ang mahaba niyang buhok. Nakadamit siya na pang lalaki ngunit bakat pa rin sa pigura ng kaniyang katawan ang katawan ng isang babae. Hmn? Sino naman kaya ito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD