Thief

1269 Words
Lia's POV Suot ang sumbrerong bahagya kong pinangtatakip sa aking mukha, dumaan ako sa pagitan ng mga tao at pasimpleng inuumit ang kanilang mga pitaka at mamahaling mga alahas. Naitatago ko itong agad sa suot kong amerikana na pagkaluwang-luwang dahil ito ay lumang damit pa ni papa. Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang maging ganito, ngunit upang hindi kami saktan ni papa at ibenta kami ng mga kapatid ko, kailangan kong gumawa ng paraan para magkapera. At ito... ang paraang natutunan ko mula sa aking ama. Isang matandang dalaga ang naghihintay na huminto ang mga sasakyan para siya ay makatawid. Suot niya ang isang gintong relo na sa tantya ko ay nagkakahalaga ng halos dalawampu hanggang tatlumpung libo. Napangisi ako at animo'y naghugis salapi ang aking mga mata. "Ginang, bakit nag-iisa ka?" tanong ko sa kaniya ng tabihan ko siya. "Hindi ba dapat ay nasa bahay na lamang kayo at nagpapahinga?" "Ah, iho, wala naman, naglaro lang ako dyan sandali sa casino. Hindi ako nagpasama sa apo ko at pagagalitan na naman ako no'n," tugon niya at pangiti-ngiti. "Gusto ko lang namang maglibang sandali." Grabe talaga ang mayayaman. Libangan lang sa kanila ang magwaldas ng pera, samantalang kami, kung hindi namin paghirapan ay malamang na hindi kami abutin ng kinabukasan dahil sa gutom. "Tatawid po ba kayo? Alalayan ko na kayo," pagmamaganda kong loob sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin ulit at hinayaan nyang hawakan ko lamang siya hanggang kami ay makatawid. "Salamat iho, ang bait mo naman," papuri niya sa akin. "Wala ho iyon. Mauna na po ako, ingat po kayo... sa susunod," ani ko at tumakbo na ako palayo. "Sige, iho paalam--" Natigilan ang matanda nang kumaway siya sa akin. Napansin niya agad na nawawala ang kaniyang relo. "A-Ang relo ko! S-Sandali! M-Magnanakaw!!! Tulong! Magnanakaw!!!" Nagtinginan ang mga tao at agad na sumaklolo ang ilan. Tinangka nila akong habulin, ngunit dahil sa dami rin ng tao sa paligid nahirapan silang makalapit sa akin. Dahil sa matagal na ako sa ganitonh gawain, kabisado ko na ang pasikot-sikot na daan. Upang mailigaw sila, sumuot ako sa isang makipot na iskinita at tinalon ang bakod sa dulo nito. Alam kong hindi sila titigil, kaya naman... hinubad ko ang suot kong sumbrero at kaagad na kumawala ang aking maalong buhok na umabot sa aking balikat. Sinuklay ko ito gamit ang aking mga daliri, at nagpahid ng pulang lipstick sa aking mga labi. Hinubad ko ang amerikana ni papa at kinuha ang bag na inihanda ko sa lugar na iyon. Hinubad ko din ang suot kong pantalon at tanging ang puting polo at maiksi kong short na lamang ang suot kong panlabas. Kaswal akong naglakad-lakad at animo'y nagtataka sa kaguluhan. Hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap sa akin. Isa sa mga lalaki ang tumigil malapit sa akin at palinga-linga. "Kuya, ano pong nangyayari?" maang-maangan kong tanong. "May magnanakaw daw na tumakbo banda dito, may nakita ka bang lalaking hindi katangkaran, nakasuot ng sumbrero at naka-amerikana?" aniya. "Hmn? Wala po akong nakasalubong na ganun," tugon ko. "Ganoon ba, sige, hahanapin na lang namin siya. Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya," may panggigigil sa kaniyang salita. "Sige, alis na ako. Ikaw, mag-ingat ka! Madaming loko-loko dito." "Sige po kuya, salamat po," malapad kong ngiti sa kaniya at umalis na din ako. Paano ako maloloko? Eh mas loko-loko ako sa kanila? Huh! Umuwi ako sa bahay dala ang ilang gamit na naumit ko. Bumili rin ako ng pasalubong para kina Era at Dale gamit ang perang nakuha ko sa pitaka ng matandang manyakis kanina. Tch! Akala niya ata maiisahan niya ako, eh ang dami kong dalang pampatulog dito. Hmn. "Era! Dale! May pasalubong ako!" masaya kong bati nang buksan ko ang pinto ngunit agad na nawala ang ngiti ko nang makita ang hindi inaasahang tao. Si papa. "P-Papa..." gulat kong sambit. "N-Nakalaya ka na?" "Huh! Bakit, akala niyo ba mabubulok na ako do'n?" ismid niya sa akin sabay laklak ng alak. "Mukhang marami-rami kang delihensya ngayon ah. Patingin nga! Akin na!" Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Alam kong kukunin niya lamang ang mga ito at gagastusin sa kaniyang mga bisyo! Hindi! Para ito kina Era at Dale! "W-Wala! W-Wala akong nadelihensya ngayon-- ahhh!" Agad na tumayo si papa at mabilis niyang ipininid ako sa pader habang sakal-sakal ang aking leeg. "Magsisinungaling ka pa? Wala kang utang na loob! Ako ang bumuhay sayo!!! Bakit mo ako pinagdadamutan, ha!?" mariing sabi ni papa. "S-Sinabi ko na... wala! Wala akong nakuha-- uhhhmmmppp!!!" Hinablot ni papa ang dala kong bag. Tinaktak niya ang mga ito sa sahig at nagkalat ang mga mamahaling gamit at ilang libong pera na siyang agad na nagpaningning sa kaniyang mga mata. "Wala ka pa ring kupas, magaling ka pa rin talagang mang-umit! Hindi ako nagkamali ng pagtuturo sa iyo, hahaha!" ani papa. "Huwag mong kunin 'yan! Para 'yan sa mga kapatid ko-- ahhh!!!" Nang lalapit ako para bawiin ang mga 'yon ay malakas akong itinulak ni papa. "Subukan mong kunin ang mga ito, makikita mo ang hinahanap mo! Hindi lang ikaw ang parurusahan ko, kundi pati na rin ang mga kapatid mo!" sabi niya na may malademonyong mga mata. "Ang ano mang sayo, ay akin dahil ako ang bumuhay sayo! Hangga't nandidito ka sa pamamahay ko, ako ang nagmamay-ari sa iyo, SA INYO!!! NAIINTINDIHAN MO BA, HA!?" "E di sayo na ang bahay na ito! Lalayas kami ng mga kapatid ko! Kaya ko silang buhayin, kahit wala ka!!!" "E di... subukan mo!" ani papa at tinitigan ako ng may pagbabanta. "Baka nakakalimutan mo kung bakit ako nakulong ng kalahating taon? Hmn? Hindi ako natatakot makulong ulit dahil alam kong makakalabas at makakalabas din ako. Eh ikaw... hindi ka ba natatakot... na baka kung ano ang gawin ko sa inyo? Lalo na... kina Era at Dale, ha?" Humalakhak siya ng malakas na parang baliw. Kinakabig niya ang mga pera at mga mamahaling kagamitan na naumit ko papunta sa kaniya. Habang tinitignan ko siya... napapaisip ako... anong klaseng tao siya? Anong klaseng ama siya!? Bakit? Bakit kayang-kaya niyang ipagpalit ang mga buhay namin, kami na mismong mga anak nya, para lang sa pera!? "Napaka... sama mo! Kahit kailan... hindi ko naramdamang ama ka namin," hiyaw ko sa kaniya, "Paano mo naaatim na gawin ito sa amin? Kami... na mga anak mo!" "Ano bang pinagsasabi mo? Hmn? Sige, ganito na lang...." sabi ni papa at muli akong hinarap. "Kung magmamatigas ka at hindi ako susundin, kung tatakasan mo ako ay mag-isip ka dahil baka kung anong maisipan kong gawin sa mga kapatid mo! Malay mo... kung maubusan ako ng salapi ay malamang... maibenta ko sila sa mga kaibigan kong sindikato. Tiyak na malaking halaga ang mahihita ko. Hahahah!" Tumalim ang mga mata ko at kumuyom ng mahigpit ang aking mga kamao. Alam kong hindi biro ang kaniyang sinabi kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang murahin siya ng paulit-ulit sa isip ko. Tumakbo ako palabas ng bahay at hinayaan na lamang ang aking mga naumit na kamkamin niya, didilihensya na lamang ako ulit mamaya. Sa ngayon, kailangan kong hanapin sina Era at Dale upang balaan silang huwag munang maglalalapit sa walang kwenta naming ama! "Era, Dale!?" tawag ko nang marating ko ang parke kung saan sila madalas naglalaro. "Era!!! Dale!???" "Ate Lia! Ate Lia!!!" napabalikwas ako ng tingin nang makita ko si Frank at si Robi, mga kalaro nila Era. Humahangos sila at tila nangangamba. "Bakit? Anong nangyari?" "S-Sila Era at Dale po..." nanginginig na sabi ni Robi. "Nahuli po nila Mang Lucio! Nando'n po sila malapit sa Estrella!" "Ano!?" bulalas ko at napatakbo ako agad, "Bwisit talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD