MALUNGKOT NA UMAKYAT ako sa stage nang tawagin ang aking pangalan. Nakakapit ako noon kay Mama Thea. Muli akong lumingon sa upuang bakante na katabi ni Tabitha at Papa Keith. Sabi niya, dadalo siya sa araw ng graduation ko. Pero bakit wala pa rin siya? Nakakalungkot lang talaga. Bakit niya kasi ako sinanay nitong mga nakaraan? Lagi niya akong hinahatid sundo. Sa gabi naman, nakikipagkuwentuhan siya sa akin. Inaabot pa nga kami ng alas dose. Lately, maaga kasi siyang umuuwi. Sabi niya, gusto raw niya akong makasama kaysa sa mga kaibigan niya. Siyempre, kinikilig ako. “Congratulations,” ani ng aming principal at guest of honor namin. Ngumiti ako sa kanila. Si Mama Thea naman, kinuha ang mga medalyang isasabit sa akin. Akalain mo naging top 3 pa ako plus pa ang mga dalawang special awar