KAGAYA NGA NG sinabi ni Thor sa akin. Naging masigasig siya. Niligawan niya ako pero lingid sa kaalaman ng magulang niya. Ayos lang sa akin. Nakikita ko namang nagbago na si Thor at nagbago ang paligid namin. Hindi na siya laging galit sa akin, naging sweet kamo. Masaya ako, kasi ang tiyaga niya. Umabot ng dalawang taon ang panliligaw niya sa akin. Ano pa ba ang iisipin ko? Seryoso siya sa akin, gusto niya talaga akong maging nobya. Hatid sundo niya ako nang magkolehiyo ako. Mas strikto pa siya sa kan’yang ina, sa totoo lang. Bawal akong makitulog sa ibang bahay kapag may group project din kami na kailangang tapusin. Nasa pangalawang taon na ako sa kolehiyo kasi. Naghihintay talaga siya sa labas ng kaklase ko para iuwi sa bahay. Nakanayan na raw niya kasi na kasama ako sa pagtulog. Si