YANNA
"AUNTIE MARGE..." tawag ko sa kaniya habang kinakatok ko ang pinto ng kuwarto niya. "Nasa baba po si Uncle Jaxx. Hinahanap po kayo."
Ilang beses pa akong kumatok at tinawag ang pangalan ni Auntie Marge pero walang sumasagot. Inisip ko na lang na baka tulog pa dahil alas siyete pa lang naman ng umaga. Alas nuebe na siya umalis araw-araw para mamahala ng Rancho Leonora.
Maging international model talaga ang tunay na pangarap ni Auntie Marge.
Pero nang dahil sa pagkamatay ni Nanay kaya napilitan siyang i-give up iyon at i-take over ang pamamahala sa malawak na lupaing namana pa ni Lola Salud sa mga ninuno niya. Kabilin-bilinan daw ng mga iyon na walang ibang puwedeng magmana o mamahala sa Rancho Leonora maliban sa kanilang pamilya. Kung sino mang tumanggi ay tatanggalan ng mana.
At dahil hindi kayang ipagpalit ni Auntie Marge ang nakagisnang marangyang buhay sa pangarap niya kaya natutunan na rin niyang tanggapin ang kapalaran. At hindi rin daw siya sigurado kung kaya ba niyang magtagumpay na walang suporta mula sa lola ko.
"Auntie Marge? Gising na po ba kayo?" tawag ko uli sa kaniya dahil nahihiya naman ako na paghintayin nang matagal si Uncle Jaxx.
Kahit ang tiyahin ko, ayaw din niya na pinaghihintay ang fiance. Kaya nga kabilin-bilinan niya sa amin na tawagin agad siya kapag dumating ito.
Dahil hindi naman naka-lock ang pinto kaya pumasok na ako para gisingin si Auntie Marge. Agad akong napatingin sa malaking kama ngunit bakante iyon. Hanggang sa narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower room na bahagyang nakabukas.
Naliligo pala!
Lalabas na sana ako para sabihin kay Uncle Jaxx na hintayin na lang niya si Auntie Marge. Pero hindi sinasadyang napatingin ako sa puting blouse ng tiyahin ko na nakasampay sa couch. Kumunot ang noo ko dahil sa kulay-pula na mantsang naka-marka roon.
Dugo o ketchup?
Bigla akong nakaramdam ng panginginig sa aking katawan at pamumutla sa mga labi ko habang tinititigan ko ang mantsang iyon dahil takot ako sa dugo. Simula nang gabing iyon na naligo ako sa dugo ni Nanay nang pagbabarilin kami, naging hemophobic na ako o takot sa dugo. Kaya nga iniiwasan kong magkasugat dahil nahihimatay ako kapag nakakita ng dugo.
Kaya gustuhin ko mang lapitan at amuyin ang blouse ni Auntie Marge, hindi ko na lang ginawa at baka dito pa ako himatayin sa kuwarto niya.
Sigurado naman ako na kung talagang dugo man iyon, dugo lang iyon ng hayop. Nagpaanak kasi siya ng paboritong kabayo niya kagabi.
YANNA
DAHIL naliligo pa naman si Auntie Marge kaya bumalik na lang muna ako sa veranda, kung saan naghihintay si Uncle Jaxx.
Saglit pa akong napahinto nang makita ko siya na nakatalikod.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na titigan ang malalapad niyang balikat at makitid na beywang. Black ang color ng T-shirt na suot niya na nakakapit sa kaniyang katawan kaya lalong ipinakita niyon ang malalaking muscles at malakas na pangangatawan ni Uncle Jaxx.
Masarap kayang b-um-embang si Uncle?
Napakagat-labi ako dahil sa ideyang pumasok na naman sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa akin ngayon. Pero simula nang makita niya ako noon na naliligo sa garahe, nakaramdam na ako ng kakaiba para kay Uncle Jaxx.
Na kahit ako man ay hindi kayang ipaliwanag.
Tumikhim ako para kunin ang atensiyon niya at labanan itong mahiwagang damdamin na nararamdaman ko para sa fiance ni Auntie Marge.
Agad namang humarap sa akin si Uncle Jaxx kaya nakita ko ang seryosong mukha niya habang may hawak na diyaryo.
"S-sorry po kung pinaghintay ko kayo nang matagal, Uncle," medyo naiilang na sabi ko dahil sa matiim na titig niya sa akin. Sanay kasi ako na palagi siyang masaya at nakangiti sa tuwing magkaharap kami. "Naliligo pa po kasi si Auntie Marge."
Unti-unti namang lumiwanag ang mukha niya. "It's okay, Yanna. Hindi naman ako nagmamadali."
Saglit akong kinilabutan dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan.
"What's wrong, Yanna? Bakit ka namumutla?"
Naramdaman ko na lang na nakalapit na pala sa akin si Uncle Jaxx at hawak-hawak na niya ang kamay ko.
Lalo lang tuloy akong kinilabutan at dumoble ang pagrarambulan sa loob ng dibdib ko kaya agad kong binawi ang aking kamay na hawak-hawak niya.
"Kailangan mo ba ng tulong?" nag-aalala na tanong pa uli niya.
Umiling ako. "H-hindi naman po, Uncle. Nakakita lang po kasi ako ng pulang mantsa sa blouse ni Auntie Marge. Akala ko dugo kaya siguro namutla ako."
Noon pa man ay alam na ni Uncle Jaxx na takot ako sa dugo. Siya pa nga ang sumalo sa akin noon nang mawalan ako ng malay nang masugatan si Manang Janeth habang nagluluto kami.
Nakita ko na lalong nag-aalala si Uncle Jaxx. "Kung gano'n, kailangan mo nga ng tulong." At gano'n na lang ang pagkagulat ko ng walang ano-ano na binuhat niya ako at saka dinala sa sala. Inihiga niya ako sa malapad na sofa. "'Di ba sabi ko naman sa'yo, magtakip ka agad ng mga mata kapag nakakakita ka ng dugo? At saka ka huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili mo. Dahil paano kung wala kang kasama tapos bigla kang hinimatay at natumba tapos nabagok ang ulo mo?"
Hindi ko mapigilang mapangiti kahit sinesermunan na niya ako. Natutuwa talaga ako kapag nagki-care sa akin si Uncle Jaxx. Para siyang si Tatay na gusto na akong paluin dahil sa katigasan ng ulo ko. Pero nagpipigil lang dahil hindi ako kayang saktan.
Ngunit kakaiba itong dating ng sermon niya sa akin ngayon. Para akong maiihi sa kilig.
"At nagawa mo pang ngumiti?" Sinimangutan niya ako. "Samantalang ako, alalang-alala na sa'yo. Paano kung bigla kang nawalan ng malay habang naglalakad sa hagdan?"
"Sorry po, Uncle. Huwag na po kayong magalit sa akin. Promise, sa susunod, susundin ko na po ang mga sinabi n'yo."
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at bigla na lang akong dumukwang at mabilis na hinalikan siya sa pisngi.
Pareho kaming nagulat sa ginawa kong iyon. Nagkatitigan kami.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang hilahin ni Uncle Jaxx ang batok ko at kinuyumos ng halik ang mga labi ko...