CHAPTER SIX

1114 Words
YANNA AYOKONG maabutan na naman ni Lola Salud na hindi pa ako tapos sa paglilinis sa garahe kaya mas binilisan ko pa. Tutal basa na rin ako kaya isinabay ko na rin ang pagligo. Sobrang init kasi! Itutuloy ko na lang mamaya sa banyo pagkatapos kong maglinis dito. Puno pa ang tubig sa timba nang matapos ako. Dahil nanghihinayang naman ako na itapon iyon kaya ipinaligo ko na lang. Wala naman ngayon dito ang driver at hardinero dahil may inutos sa kanila si Lola Salud kaya hindi ako naiilang kahit todo-kuskos pa ako sa katawan ko. Pero mababait naman ang mga iyon. Abala ako sa paghuhugas ng akin at sinasabayan ko pa ng malakas na pagkanta kaya hindi ko na napansin ang pagdating ng mamahaling sasakyan. Nagulat na lang ako nang may tumikhim mula sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Uncle Jaxx na nakatayo sa likuran ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "Hi, Yanna," bati niya sa akin sa buong-buo na tinig. Ewan ko ba. Pero gustong-gusto ko talaga ang boses ni Uncle Jaxx. Medyo malalim pero masarap sa tenga. May feeling nga ako na parang narinig ko na dati ang boses niyang iyon. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan. Basta pamilyar lang siya sa akin. Kaya siguro magaan na agad ang loob ko sa kaniya noong unang pagkikita pa lang namin. "Hello po, Uncle," nakangiti rin na bati ko sa kaniya. Napansin ko na napatingin si Uncle Jaxx sa harapan ko. Uminit ang mukha ko nang maalala ko na nasa loob pa pala ng shorts ko ang kamay ko dahil sa paghuhugas ko ng akin kanina. "Nakaistorbo yata ako sa'yo, Yanna." Lalo pang napangiti si Uncle Jaxx na hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, lalo siyang nagiging guwapo kapag ngumingiti dahil sa dalawang dimple niya at pareho pang malalim. Tapos mapuputi at pantay-pantay pa ang mga ngipin niya. Kaya siguro mas nagiging bata siya tingnan kumpara sa edad niya dahil sa pagiging charming niya. Iyong tipo na ngiti pa lang, kikiligin na ang babaeng makakakita sa kaniya. Tapos may tantalizing eyes pa! Pero siyempre, fiance siya ng Auntie Marge ko kaya hindi ako kasama sa mga babaeng iyon. Nagu-guwapu-han lang talaga ako kay Uncle Jaxx. "H-hindi naman po, Uncle. Naglilinis lang ako dito sa garahe. Eh, may natirang tubig kaya naligo na rin po ako. Sayang kasi," paliwanag ko. "Ang sabi nga, 'Every drop counts' po, 'di ba?" "Napakabait mo talaga, Yanna. Ang mga babaeng tulad mo ang masarap..." Hindi na natuloy ni Uncle Jaxx ang sasabihin niya dahil napatingin siya sa dibdib ko. Napayuko tuloy ako. Lalong nag-init ang buong mukha ko at napalunok ako ng laway nang makita ko na bakat na bakat na rin pala ang bra ko sa loob ng T-shirt ko. Kulay-puti pa naman. Dahil mahilig akong magsuot ng maliliit na bra kaya umapaw na ang malulusog na dibdib ko. At sigurado ako na iyon agad ang nakita ni Uncle Jaxx kaya siguro mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung ano ang karugtong ng "masarap" na sinasabi niya kanina tungkol sa akin. Pero nahihiya naman ako. Iba na rin kasi ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Don't judge me, okay? Pero malakas kasi ang impluwensiya sa akin ni Manang Janeth na mahilig manood ng mga erotic movie. Pati ang mga online story na binabasa niya, iyong may mga tatak na "SPG" ang pinipili niya. Palibhasa wala naman akong pambili ng mga gano'ng kuwento sa online kaya nakikibasa na lang ako sa mga naka-add na sa library niya. At ang isa sa mga kuwento na hindi ko malimutan ay ang istorya ng mag-uncle pero "nagkakainan". Kahapon ko lang iyon natapos kaya sariwang-sariwa pa sa isip ko. Doon ko na-realize na mas masarap pala ang magmahal ng lalaking hindi hamak na mas matanda sa'yo. Mas nag-blush tuloy ako lalo nang mapatitig ako kay Uncle Jaxx. Kung hindi lang siya fiance ni Auntie Marge at kung hindi lang siya mabait sa akin at itinuturing niya ako na parang tunay na pamangkin, baka inisip ko nang posible rin mangyari sa amin ang nabasa kong iyon sa kuwento. Ano kaya kung ibang "masarap" din ang tinutukoy ni Uncle Jaxx sa akin? Hoy, Yanna! Tamaan ka sana ng kidlat sa kalandian at kalaswaan mo. galit na sigaw sa akin ng isipan. Para akong natauhan at nakaramdam ng hiya na nagyuko ng ulo. "P-pasok na lang po kayo sa loob, Uncle Jaxx. Kanina pa po dumating si Auntie Marge. Baka po hinihintay na niya kayo," magalang kong sagot. "Yanna..." sa halip ay narinig ko na tawag ni Uncle Jaxx sa pangalan ko kaya napilitan akong tumingin uli sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung bakit. Kasi hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon sa tuwing nagkakaharap kami ni Uncle Jaxx. Oo, nagu-guwapu-han ako sa kaniya noon pa man. Pero bilang isang tiyuhin lang. Pero ngayon. Ramdam ko na parang may kumikiliti sa gitna ng mga hita ko nang magsalubong ang mga mata namin ni Uncle Jaxx. Hindi ko rin alam kung guni-guni ko lang ba. Pero grabe din kung makatingin siya sa akin. Na para bang isa akong masarap na putahe na gusto niyang papakin. "M-may dumi po ba ako sa mukha ko, Uncle?" hindi nakatiis na tanong ko. "Huwag mo na sanang ulitin ito, Yanna," puno ng kaseryosohan na sagot niya. Binundol ng kaba ang dibdib ko. "Ang alin po? Ang pagnasaan kayo?" Diyos ko! 'Buti na lang at naibulong ko lang sa hangin ang huling sinabi ko kaya hindi iyon narinig ni Uncle Jaxx. "Ang maligo kung saan-saan lang. Lalo na at may kasama ka ritong mga lalaki. Hindi magandang tingnan kung makikita nila ang hindi dapat." Iyon lang at tumalikod na si Uncle Jaxx na wala man lang kangiti-ngiti. Kinabahan tuloy ako. Concern ba talaga siya sa akin o nabasa lang niya ang laman ng isipan ko at nagalit siya sa kalandian ko? Napalingon ako at gusto ko sanang mag-sorry kay Uncle Jaxx. Pero nakalayo na pala siya. Ang matipunong katawan na lang niya ang nasundan ko. Alaga sa gym ang katawan niya kaya perfect pa rin ang built sa kabila ng edad niya. Matangkad din siya. Kapag nagkakaharap kaming dalawa, parang hanggang dibdib lang yata niya ako. Hindi ako sure sa height ni Uncle Jaxx. Pero ako kasi, five-two lang ako. Napaigtad ako nang maramdaman ko na parang may nahuhulog sa loob ng shorts ko. Pagsilip ko, napigtas pala ang garter ng mumurahing p*nty ko na limang taon na ang tanda. Grrr. Isang p*nty ko na naman ang g-um-raduate na. Mirisi! Ang landi mo kasi kanina. kantiyaw ng isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD