CHAPTER FOUR

2244 Words
YANNA NAGULAT ako nang paglabas namin ng ospital ay isang lalaking hindi ko kilala ang sumalubong sa amin ni Lola Esme. Sa tantiya ko ay halos magkaedad lang kami. “Lola, kay Mang Boy na raw po kayo sumabay sabi ni Sir Jaxx,” seryosong saad ng lalaki. Ang personal driver ni Uncle Jaxx ang tinutukoy niya. Bahagya pang kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang boses niya. Tumango lang si Lola. Kapagkuwan ay binalingan niya ako. “Yanna, siya nga pala si Orion. Ang bagong driver at kanang kamay ng Uncle Jaxx mo. Siya ang kasama ng uncle mo na nagligtas sa’yo noon sa dalawang lalaki.” Napatango ako. “Ah, kaya pala pamilyar sa akin ang boses mo. Ikaw ‘yong lalaking narinig ko na sumigaw habang binubugbog ako ng mga iyon.” I gave him a friendly smile. “Thank you nga pala sa pagligtas mo sa akin, ha?” Sa kabila ng palakaibigang ngiti na ibinigay ko kay Orion ay nanatili siyang seryoso. Bahagya lang siyang tumango pagkatapos siyang ipakilala sa akin ni Lola Esme. Masungit din tulad ng boss niya! Dahil mukhang hindi naman interesado sa akin ang kanang kamay ni Uncle Jaxx kaya hindi ko na siya kinibo pa uli. Iika-ika na sumunod na ako kay Lola Esme nang sunduin kami ni Mang Boy para isakay sa kotse. “Yanna.” Sandali akong napahinto nang tawagin ni Orion ang pangalan ko. “Yes?” tanong ko nang lingunin ko siya. “Kay Sir Jaxx ka raw sasabay.” Napakunot-noo ako pero tinanguan ako ni Lola Esme. “Sige na, Hija. Sa kaniya ka na sumabay. Magkita na lang tayo sa bahay,” nakangiting sabi ni Lola bago kami nagkahiwalay. Napatitig naman ako kay Orion nang ilang saglit bago siya muling nagsalita. “Let’s go. Ayaw ni Sir Jaxx na pinaghihintay nang matagal,” walang emosyon na sabi niya at saka niya ako nilampasan. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakasunod sa kaniya. Pero hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit kinailangang kumuha ng bagong driver at kanang kamay si Uncle Jaxx gayong dati naman ay si Mang Boy lang ang palagi niyang kasama sa halos lahat ng lakad niya. At the way na magsalita ni Orion, mukhang hindi naman siya galing sa hirap. Hindi rin siya nagpapahuli kay Uncle Jaxx kung kakisigan ang pag-uusapan. Huminto sa tapat ng isang itim na Limousine si Orion at pinagbuksan ako ng pinto. Agad ko namang nakita sa loob niyon si Uncle Jaxx na nakaupo nang tuwid at diretso lang din ang tingin. Hindi ko alam kung hindi ba niya naramdaman ang presensiya ko o sinadya niya talaga na dedmahin ako. “Uncle Jaxx,” tawag ko sa pangalan niya nang makaupo ako sa tabi niya kahit ramdam ko naman na wala siyang balak na pansinin ako. Gusto ko lang umasa na katulad pa rin kami nang dati. Iyong malambing sa isa’t isa na parang tunay na mag-tiyo. Ngunit nabigo ako na makarinig ng sagot mula kay Uncle. Sa halip ay kumuha siya ng isang crystal glass mula sa service bar na nasa kalapit niya at nagsalin ng wine mula sa decanter. Para lang akong hangin na nararamdaman pero hindi niya nakikita kaya hindi na ako muling nagsalita pa. Baka nga hindi pa siya handang kausapin ako. Sige lang, Uncle Jaxx. Take your time. Handa po akong maghintay hanggang sa mapatawad n’yo ako. Huminga na lang ako nang malalim at inabala ang sarili sa mamahaling bagay na nakikita ko rito sa loob ng sasakyan niya. Hindi naman ganito ang mamahaling sasakyan na ginagamit noon ni Uncle Jaxx kapag kasama niya kami ni Auntie Marge kaya naninibago talaga ako. Nakakalula dito sa loob na para bang nasa loob lang ako ng isang luxurious hotel suite. “Sir, saan tayo?” narinig ko na tanong ni Orion mula sa driver-passenger intercom. “Sa munisipyo.” Naramdaman ko ang pagkislot ng puso ko nang sa wakas ay narinig ko ang baritonong boses na iyon ni Uncle. Bakit sa munisipyo kami didiretso at hindi sa Aragon’s Mansion? Baka naman may pupuntahan lang. sagot ko rin sa sarili ko. Mukhang wala talagang balak si Uncle na kausapin ako kaya tumingin na lang ako sa labas ng kotse nang magsimulang umusad ang sasakyan. Siguro hindi pa ako totally nakabawi sa pagod, at masakit pa rin ang buong katawan ko kaya nakatulog ako. Eksaktong paggising ko ay nasa tapat na kami ng munisipyo. “Uncle, okay lang po ba kung dito na lang ako sa loob ng sasakyan?” tanong ko bago kami bumaba. “Masakit pa po kasi ang paa ko. Baka hindi ko kayang maglakad nang matagal at malayo.” Malaki kasi ang munisipyo at hanggang third-floor pa. At hindi ko alam kung saang floor kami pupunta. Napahinto sa aktong pagbaba si Uncle Jaxx at nakakunot ang noo na nilingon niya ako. “Akala ko ba gusto mo akong bayaran?” bakas ang iritasyon sa boses na tanong niya “Don’t tell me na nagbago na ang isip mo?” Nalilito naman na napatingin ako sa kaniya. “G-gusto ko nga pong magbayad sa inyo sa kahit anong paraan, Uncle. Pero bakit—” “Kung gano’n, sumama ka,” sabi niya agad bago pa man ako matapos sa pagsasalita. “Baka ang isip ko ang magbago at ipapasundo kita rito sa Lola Salud mo.” Bigla akong nataranta sa sinabing iyon ni Uncle Jaxx kaya nagmadali akong sumunod sa kaniya sa kabila ng iniinda kong sakit. Sumabit tuloy ang isang paa ko sa pinto ng sasakyan at sumubsob ako sa dibdib niya kaya agad kong nasinghot ang mabangong amoy niya. “S-sorry po, Uncle,” nauutal na sabi ko habang pilit kong pinapakalma ang biglaang paglakas ng t***k ng puso ko. Parang tinatambol na hindi ko maintindihan. Sunod-sunod din akong napalunok ng laway at tila nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa matigas na dibdib ni Uncle. Damang-dama ko ang namumutok niyang muscles sa loob ng polo shirt na suot niya. Sandaling napatitig lang sa akin si Uncle Jaxx hanggang sa tumalikod na siya at naglakad papasok sa munisipyo. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dahil hirap akong ihakbang ang isang paa ko o dahil dismayado ako na iniwanan niya ako kahit alam niyang nahihirapan akong maglakad. Bakit, Yanna? Umaasa ka ba na kakargahin ka ni Uncle? May tumikhim sa likuran ko kaya napalingon ako. Nakita ko si Orion na nakatitig sa akin at tila may pigil na ngiti sa mga labi. “Gano’n ba talaga ka-heartless ang boss mo? Pagkatapos niya akong isama rito, iiwanan niya kahit alam niyang hindi ako makalakad nang maayos?” nakasimangot na tanong ko dahil maging ako man ay parang hindi ko na rin kilala ang Uncle Jaxx na kasama ko ngayon. “’Buti nakatagal ka sa kaniya?” “Saka mo na iyan sabihin pagkatapos ng mangyayari sa loob ng munisipyo mamaya,” makahulugang sagot ni Orion habang nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha. “B-bakit? Ano ba ang mangyayari mamaya sa loob?” “Malalaman mo rin. Halika…” Hinawakan niya ako sa beywang at walang ano-ano na isinampay sa balikat niya. “Hindi ka ka’mo makalakad, ‘di ba?” “Orion, ano ba? Ibaba mo nga ako!” malakas na hiyaw ko dahil sa pagkabigla, sabay pa na sumakit ang mga pasa ko sa tiyan, “Nakakahiya sa mga tao!” “Mas mahiya ka sa gagawin sa’yo ni Sir Jaxx mamaya kapag nainip siya sa paghihintay sa’yo,” banta niya sa akin pagkatapos ko siyang paghahampasin sa mukha at balikat. “O baka magbago ang isip niya at ibabalik ka niya sa lola mo.” Nahihiya at kinabahan ako. Gusto kong bumaba dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero kapag naglakad naman ako, baka mainip na si Uncle Jaxx sa paghihintay sa akin. Baka nga ibalik niya ako kay Lola Salud. Mas nakakatakot ‘yon. Wala na akong nagawa. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para hindi ko makita ang nakakahiya na reaksiyon ng mga taong nakasunod ang tingin sa amin habang papasok kami ni Orion sa munisipyo. YANNA NANG malaman ko na sa third floor pala ang punta namin, saka lang ako lihim na nagpasalamat kay Orion. Lalo na at under maintenance pala ang elevator. Dahil kung hindi, baka abutin ako ng isang araw sa paglalakad. Iyong ilang minuto nga lang ay hindi na maipinta ang mukha ni Uncle Jaxx na naghihintay sa amin sa isang pribadong silid. Napatayo siya sa inuupuan nang makita niyang karga-karga ako ni Orion sa balikat nito. “Don’t even think about touching her again,” madilim ang mukha na salubong ni Uncle Jaxx sa amin, “if you don’t want to lose your job, Orion.” Sa halip na matakot ay tumawa lang si Orion. “Tawagin ko na ba si Mayor?” pag-iiba niya ng usapan habang ibinababa ako. Hindi sumagot si Uncle Jaxx. Pero nilapitan niya ako. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at saka biglang hinila palayo kay Orion. Naguluhan naman ako sa inaktong iyon ni Uncle. Samantalang nahuli ko naman ang makahulugang pagngisi ng kaniyang driver bago ito tumalikod at lumabas na ng silid. Nasasaktan ako sa paghawak ni Uncle Jaxx sa pulsuhan kong may pasa kaya hinila ko ang kamay ko at saka lumayo sa kaniya. “Ano po ba talaga ang gagawin natin dito, Uncle? Bakit nandito tayo sa munisipyo?” usisa ko uli habang sinisikap kong patatagin ang boses ko. Hindi niya puwedeng malaman na kinakabahan ako sa nanlilisik niyang mga mata na nakatitig sa akin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga kamao niya. Mas matindi ang galit na nakikita ko ngayon sa mga mata ni Uncle kaysa kanina. Ngunit sa kabila ng kabang nararamdaman ko, nangingibabaw ang pagsisising nararamdaman ko sa aking puso. Kung hindi sana namatay si Auntie Marge nang dahil sa akin, hindi sana magkakaganito ang uncle ko. Hindi ko sana makikita ang ganitong pagkamuhi sa magagandang pares ng kaniyang mga mata na puno ng pagkagiliw kung tumingin sa akin noon. Nanikip ang dibdib ko. Dahan-dahan akong lumapit kay Uncle habang diretso akong nakatitig sa mga mata niya. “U-Uncle, I’m so sorry… I’m sorry for the pain I’ve caused you. Alam ko pong hindi iyon sapat para mawala ang lungkot at sakit na ibinigay ko sa’yo nang dahil sa pagkawala ni Auntie Marge. Dahil kahit ako man, hanggang ngayon, hindi ko po kayang patawarin ang sarili ko. My guilt is still… crushing me. God,” Napahikbi ako at namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko nang tumigil ako sa harapan ni Uncle Jaxx, “how I wish I could undo what happened. Sana ako na lang po ang namatay, Uncle. Ang hirap mabuhay na araw-araw nawawasak ang puso ko para sa’yo at kay Lola Salud. Alam ko na hinding-hindi na ako mapapatawad ni Lola dahil ilang beses na niyang pinagtangkaan ang buhay ko. Pero ikaw, Uncle, hindi man ngayon, alam kong darating ang araw na mapapatawad mo ako. “Dahil noon pa man, isa ka po sa mga taong nakakaintindi at nagpapahalaga sa akin. Kaya mas masakit sa’kin na makita kang nagkakaganiyan…” Patuloy na namamalisbis ang aking mga luha nang sapuin ko ang kaniyang mukha. “Oo, hindi sapat ang paghingi ko ng sorry. Alam ko po ‘yon. But I hope you can find it in your heart to forgive me.” Hindi ko alam kung gaano katagal nakatitig lang sa akin si Uncle Jaxx habang hilam ng luha ang mga mata ko bago niya malakas na tinabig ang kamay ko nakahawak sa pisngi niya. “Dammit, Yanna!” Napaigtad ako nang ipinukpok niya nang malakas ang kaniyang kamao sa mesa kaya nawasak iyon. “Wala kang alam sa sakit na nararamdaman ko ngayon kaya huwag na huwag mong hingin sa akin ang kapatawaran. Put*ng ina! Buhay ng mahal ko ang kinuha mo sa’kin. Kaya hindi ako papayag na pagbayaran mo iyon nang simpleng sorry lang. You’ll pay for what you did, starting with spending the rest of your life with me, Yanna. At sisiguraduhin ko na sa bawat araw ay magiging miserable ang buhay mo.” Napanganga ako. “U-Uncle… ano po ang ibig n’yong sabihin?” “This,” Umigting ang kaniyang panga, sabay ng pagbunot niya ng baril mula sa kaniyang likuran. “Uncle Jaxx!” Napaatras ako sa takot nang itutok iyon sa akin ni Uncle Jaxx. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang binabayo ng matinding kaba ang dibdib ko. “Uncle, no…” Sumabog ang mga luha ko sabay ng pagbukas ng pinto at narinig ko ang boses ni Orion sa aking likuran. “Sir Jaxx, nandito na ang mayor na magkakasal sa inyo ni Yanna.” Lalong nanlaki ang aking mga mata na nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Orion at sa uncle ko. Habang tahimik lang na pumunta sa harapan ang lalaking sa tingin ko ay ang mayor na sinasabi ng driver niya. “K-kasal? A-ano ang ibig sabihin nito, Uncle?” He gritted his teeth. “This is just the beginning of your debt to me, Yanna. You have murdered my heart, and now you’ll suffer in hell, forever haunted by my revenge. I will never let you go.” Tila bomba na sumabog sa harapan ko ang mga sinabing iyon ng lalaking kaharap ko ngayon. Siya nga ba talaga ang lalaking hinangaan ko at itinuring na tiyuhin noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD