“ALEJANDRO, sandali lang,” tawag ni Assi sa lalaki at nagpatiuna sa paglalakad upang mahabol ito. Huminto naman ang lalaki upang harapin siya. “What? Hindi ko kasalanan kung hindi mo binasa nang maayos ang kontrata. You signed it already and accepted the money. You need to follow what the contract said.” Seryoso ito at base sa ekpresyong ipinapakita nito ay tila wala na talagang makapagpapabago pa ng isip ng lalaki. Malalim siyang napabuntong hininga. “Naiintindihan ko na, pero puwede bang makiusap? Kahit sa bagay na ito lang. Puwede bang ipagpabukas na lamang? Alejandro, hindi ko nasabi na mayroon akong kapatid na babae at hindi ko siya puwedeng iwan kaagad nang ganoon. Bata pa siya at ako puwedeng umalis sa tabi niya nang parang bulang hindi na babalik.” Labis siyang nalungkot. Ang i