103.054K
VISITORS
7.486K

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Toripresseo

Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

258 Reads

Blurb "Magaling anak— magiging malaya na din ang lahat mula sa mga lobo na walang ginawa kung hindi alilain lahat ng bampira. Tayo na ang mamumuno sa buong kaharian ng Castelliona," ani ng ama ni Valkyrie matapos itaas ang hawak nitong kopita na naglalaman ng dugo ng tao.  Matapos marinig iyon ni Valkyrie isang half blood vampire. May bahagi sa kaniya ang hindi natuwa— hindi pa din nawala sa isip niya ang reyna ng mga lobo na kinulong siya ng ilang libong taon sa palasyo.  Umalis si Valkyrie sa bulwagan at tinungo ang pinakamataas na bahagi ng palasyo. Mula doon nakikita niya ang buong lugar ng castelliona na sinasabing pinagkait ng mga lobo sa mga bampira.  Pumasok sa isip niya ang reyna na namatay mismo sa mga kamay niya. Napaluhod ang binata at tiningnan ang mga kamay niya.  "Bakit hinayaan ng mahal na reyna na gawin ko iyon? Kaya niyang protektahan ang sarili niya sa akin— bakit hindi na lang niya ako pinatay?" ani ng binata hanggang sa namalayan niya na lang ang mainit na bagay na tumutulo galing sa mga mata niya.  Tumulo iyon sa mga palad niya na puno ng dugo ng reyna. Binaon niya iyon mismo sa katawan ng reyna at walang awa na dinukot ang puso ng reyna ng mga lobo.  "Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na mamatay ka sa mga kamay ko?" "Bakit mo ako niyakap at tinanggal ang marka mo bago ka mawala? Bakit mo ako niligtas?" basag na sambit ng kalahating bampira habang patuloy ito sa pagluha at nakatingin sa mga kamay niya na binabalutan ng dugo ng reyna.  "Sagutin mo ako. Bakit hindi mo ako pinatay?"

Updated at

Read
Living with My Ruthless Contract Girlfriend

Living with My Ruthless Contract Girlfriend

16.229K Reads

Warning: R-18 "This is insane, paano ko mapapaalis ang babaeng iyon sa bahay na ito ng hindi nalalaman ni mom! Paano!" ani Messiah Jimenez habang parang tanga na nagpapabalik-balik habang naglalakad sa gitna ng living room. Nakaupo lang naman si Eira Averie sa baitang ng hagdan habang ngumunguya ng bubble gum. "How about uminom ka na lang ng sleeping pills, matulog ka maghapon at gumising kana lang after 2 years para tapos ang problema natin dalawa. Honestly, hindi ka magandang ka-bondong. Masyado kang boring," sabat ni Eira Averie Mayers na kinatingin ng masama sa kanya ni Messiah. "Huwag mo akong kausapin! hindi kita close," asik ni Messiah. May ilan naman katulong sa paligid nila na parang nalilibang pa habang pinanonood ang dalawa na nag-iingay. "Sino naman gusto maging ka-close mo? tulungan na lang kita mag-isip." "Bakit hindi mo na lang tawagan ang mommy mo, sabihin mo na susunod ka sa kanila sa france at magiging mabait ka ng bata para tapos na ang problema natin na dalawa," ani ni Eira na mas kinausok ng ilong ni Messiah. "At sa tingin mo gagawin ko iyon?" asik na tanong ni Messiah na kinataas ng gilid ng labi ni Eira. "Then magtiis ka, mag-act ka na goodboy para magkasundo tayong dalawa," may ngiti na sambit ni Eira. Sa ngiting iyon ni Eira tila nagbukas ang pintuan ng impyerno para kay Messiah. Eira Averie was possessed by angelic voice and face of an real Angel pero tuwing ngingiti ito pakiramdam ni Messiah may hindi magandang mangyayari sa kanya anytime.

Updated at

Read
The 3rd Petals

The 3rd Petals

12.698K Reads

Book 01-My Teacher, My Husband Is A Mafia Lord Book 02- The 3rd Petals Book 03- Babysitter of Heartless Mafia Emperor Second Generation Book 1-The Runaway Mafia boss Book 2- The Two Faced Silhouette Warning: R-18 Blurb "I think he's dead." "No, he's not! Paano siya mamatay? Ginulat lang natin siya," ani ni Sorenn Villiegas. May tatlong bata ngayon ang nasa apat na taon na gulang ang nakatayo. Pinalilibutan ng mga ito ang lalaking nakahiga sa carpet. "Heart attack?" sabat ni Elliseo Villiegas na nakatayo sa uluhan ng lalaki. "We need hide his body. Hindi pwede ito malaman nina daddy," ani ni Elija Villiegas na nanlalaki ang mata. "I buried him. Ilagay natin siya sa likod ng fountain," ani ni Elija. Napatigil si Sorenn at Elliseo. "Hindi ba dapat i-check muna natin kung buhay pa siya?" ani ni Sorenn. Napanguso si Elija. "Mas convenient kung ipaghuhukay na natin siya pagkatapos itatago." Hahawakan ni Elliseo ang lalaki nang bigla itong bumangon at sumigaw. "Ahh!" Tumakbo ang tatlong bata palayo. Tawa ng tawa si Ward Chavez. "Young master Elija. Ikaw na bata ka apat na taong gulang ka pa lang utak criminal ka na," ani ni Ward. Hindi siya makapaniwala na gusto na siya nito ibaon sa lupa nang hindi tinitingnan kung buhay pa siya. Nakita niya sumilip iyong tatlong bata mula sa pagkakatago sa likod ng sofa. Elliseo, Elija at Sorenn Villiegas. Apat na taon na gulang. Tagapagmana ng mga Villiegas. Tumawa si Sorenn at nagpa-cute kay Ward. Sinabi na nagbibiro lang naman sila. Muntikan na atakihin si Ward sa puso. Ang ku-cute kasi ng alaga niya lalo na si Sorenn. Mukha itong anghel. "Babies! Nandito na si mommy!" Naghabaan ang leeg ng triplets matapos marinig ang boses ng ina. Sumigaw si Sorenn ng mommy at naunang tumakbo. Sinalubong ni Sorenm ng yakap si Sylvia Cervantes-Villiegas. Natutuwang niyakap ng babae ang anak. Binati ni Sylvia ang mga anak ng happy birthday. "May mga binili na gifts si mommy then ipagluluto ko kayo ng mga favorite niyo na foods," natutuwa na sambit ni Sylvia at hinaplos ang buhok ng mga anak. "Mommy, nasaan si daddy?" tanong ni Elliseo. Napatigil si Sylvia matapos itanong iyon ni Elliseo. Napakamot sa pisngi si Sylvia. "Busy ang daddy niyo. Pero baka uuwi iyon mamayang gabi. Sasabay sa atin sa dinner," ani ni Sylvia. Tinaas nito ang isang kamay para i-cheer ang mga anak. Pilit na ngumiti lang si Elliseo. Sinabing gusto niya makita ang gift ng mommy niya. "Mamaya ang gift. Magbo-blow muna kayo ng candle siyempre!" "Young master! May mga bagong toys kami binili para sa inyo. Check niyo bilis," ani ni Leon Sedan. Dumating ang mga ito kasama sina Abel Brick. "Uncle!" Agad na lumapit ang tatlong bata. Maya nga dala kasing kahon sina Leon. Tambak ang gift ng triplets. Nawala ang ngiti ni Sylvia at umiwas ng tingin. Nakita iyon ni Ward. "Anong nangyari, my lady?" tanong ni Ward. Hindi maganda ang expression ni Sylvia. "Mukhang wala talagang balak ang ina ni Kiel tigilan kami. Hindi ko alam ang iba pang detalye ngunit hindi maganda ang kutob ko. Nag-aalala ako para kay Kiel. Sinisisi pa din ng ina ni Kiel si Kiel sa pagkamatay ni Kian and worst may kutob si Kiel na may isang organisasyon hinahawakan ang pamilya ng ina ni Kiel. Gusto nila patayin si Kiel at ang mga anak ko."

Updated at

Read
My Teacher, My husband is a mafia lord

My Teacher, My husband is a mafia lord

414.925K Reads

Book 01-My Teacher, My Husband Is A Mafia Lord Book 02- The 3rd Petals Book 03- Babysitter of Heartless Mafia Emperor Second Generation Book 1-The Runaway Mafia boss Book 2- The Two Faced Silhouette Warning: R-18 Blurb "Kiel, I'm so tired— gusto ko na umuwi," reklamo ng babae. Nakasubsob ito sa table kung nasaan ang libro na pinababasa sa kaniya ng teacher nito. "Ilang beses ko na sinabi sa iyo na huwag mo ako tatawagin na Kiel lalo na kapag nasa university tayo," saway ng lalaki na nakaupo sa gilid ng teacher's table— naka-cross leg at may hawak na libro. Inayos ang suot na salamin at nakatingin sa iisang estudyante na nasa room na iyon. Nakahilig ang babae sa table. Inangat ng babae ang kamay— at tinatakpan ang nakikita niyang buwan. "Tayong dalawa na lang naman dito. Isa pa hindi pa ba tayo uuwi?" "Puputok na ugat ko sa ulo kaka-aral," ani ng babae at umayos ng upo. Tiningnna niya ang gwapong lalaki na nakaupo sa unahan. Nag-act ito ng cute. "Honey, hubby, sweety— uwi na tayo. Tama na aral," ani ng babae. Pinagsiklop pa nito ang mga palad at todo ang pagpapa-cute. Napahawak sa sentido ang lalaki at kitang-kita sa expression ng lalaki na nag-give up na siya. "Fine, iligtpit mo na ang mga gamit mo," ani ng lalaki. Agad na napatalon ang babae matapos tumayo at niligpit ang mga gamit niya. Tapos na ang klase at makakauwi na siya. Tumayo na din ang lalaki then binaba ang hawak na libro sa table. Sa ilalim ng table— may lalaki doon na nakatali ang buong katawan at may tape sa bibig. Takot na takot ito habang nakatingin sa teacher— noong nagtama ang mata nila ng teacher na nakayuko at nakatingin sa kaniya. Napaihi sa takot ang lalaki. "Teacher! Tara na uwi na tayo! Nagugutom na ako kanina pa. Mis ko na ang luto ni nanny!" Nauna lumabas ang babae sa pinto dala ang bag. Kinuha ng lalaki ang bag niya at tumalikod at inayos ang salamin. "Bilisan mo Kiel maglakad! Late na tayo para sa dinner," natutuwa na sambit ng babae at humarap sa lalaking naglalakad palabas ng classroom. "How many times I'll tell you na kapag nasa university tayo— tawagin mo akong teacher, wife." Humagikgik ang babae at natatawang tumalikod at patalon-talon na naglalakad. "Okay, teacher."

Updated at

Read
Hopelessly, Devoted To You

Hopelessly, Devoted To You

6.798K Reads

Book 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you SPG! SPG! R-18 Blurb Malaanghel ang kaniyang mukha May magandang ngiti na talagang nakakapanghina Maganda siya Malakas ang dating at sopistikada "Bakit kayo umaatras? Hindi ba gusto niyo ako makita?" Halos mawalan ng kulay ang mukha ng tatlong gwapong lalaki matapos bumangga ang likod nila sa pader. Sa maliit na katawan ni Desiree Ortega— napabagsak niya ang hihigit sa sampung lalaki na doble ang laki kaysa sa kaniya. Nagkalat ang mga ito sa sahig na nasa abandonadong gusali. Itinutok ni Desiree ang hawak na tubo sa gilid ng ulo ni Loki Lucero na napalunok na lang habang nakatingin sa mga mata ni Desiree. "Actually, wala naman ako balak patulan kayo lalo na at kayo iyong mga lalaking tipo ko," ani ni Desiree. Kinuha ang tubo at umayos ng tayo. "Pero iyong kuhanin niyo ako dahil gusto niyo makita ang kakambal ko. Bigla akong nagselos," ani ni Desiree at nilagay ang tubo sa balikat niya at ngumisi. "Mas maganda naman ako sa kakambal ko hindi ba?" tanong ni Desiree. Sinabi ni Azure Lucero na mas mabait si Jasper. Nahampas siya ni Desiree ng tubo sa sikmura. Napaluhod ito at agad siya dinaluhan nina Loki. "Ikaw! Sumusobra ka na! Hindi ka lang namin pinapatulan dahil ayaw namin mas magalit si Jasper! Magpasalama—" Napatigil si Tiago Lucero na nakaupo sa sahig hawak sa braso si Azure nang hawakan ni Desiree ang panga niya at ilapit ang mukha. "Bakit— anong gagawin mo?" tanong ni Desiree. Sigarilyo, beer at mint candy. Naamoy lahat iyon ni Tiago— nakatingin silang lahat kay Desiree. Pare-pareho silang napapatanong kung sino ba talaga ang babae at kung kakambal ba talaga nito ang nakilala nilang pinaka-soft hearted and caring na tao. Nilapit ni Desiree ang labi sa mukha ni Tiago. Aalis si Loki nang iharang ni Desiree ang tubo na tinungkod niya sa pader at sa espasyo kung saan lulusot ang lalaki. "Gawin niyo ang gusto ko— tutulungan ko kayo kausapin ang kakambal ko. Papayagan ko din kayo lumapit sa kaniya ng ilang metro ng hindi nasasaktan," ani ni Desiree matapos ilapit ang bibig sa tenga ni Tiago. "No! Bakit kami papayag! Akala mo ba natatakot kami sa iyo!" sigaw ni Tiago. Umayos ng tayo si Desiree at bahagyang ngumisi matapos idutdot sa noo ni Tiago ang tubo. "Hindi ko kayo tinatanong. Inuutusan ko kayo. Mukha ba akong nagtatanong?" may ngisi na sambit ni Desiree at tiningnan sina Tiago na para bang ang liliit lang ng mga ito na nilalang.

Updated at

Read
Being Black Leopard's Possession

Being Black Leopard's Possession

7.686K Reads

Blurb  "Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang pagpili ng nararapat na guardian para sa walong prinsipe," malakas ang boses na anunsyo ng isa sa ministro ng hari.  Ito ang araw na kinakatakutan ko dahil ang guardian na tinutukoy nila ay mga Devine beast. Mga nilalang na sinugo ng langit para mag-participate sa gaganaping pagpili ng susunod na hari.  Makakapangyarihan na nilalang na siyang pipili sa prinsipe na magiging katuwang nila sa ilang libong taon na pananatili nila sa lupa.  Kung sakaling walang devine beast na lumapit sa akin siguradong itatapon ako ng buong imperial family sa labas ng palasyo. Wala akong interes sa trono pero ayoko mawala sa palasyo.  Palihim na nagtawanan ang mga kapatid kong prinsipe matapos mapadapo ang tingin sa akin.  Lahat ng mga kapatid ko may mga kapangyarihan na naayon sa kalikasan katulad ng hangin, lupa, tubig, kidlat, apoy, at yelo. Kahit walang ang devine beast magagawa nilang manatili sa itaas ngunit ako— bukod sa gawing mainit ang paligid at magpaulan ng mga bulaklak. Hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin.  Wala akong kapangyarihan ayon sa kumakalat na balita sa palasyo. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong kasuotan matapos magsimula ang ritwal para tawagin ang mga devine beast.  Nauna lumapit ang kaisa-isang anak ng reyna at pinatak ang dugo sa bilog na tinapakan niya an kasalukuyang naglalabas ng puting liwanag.  Sa isang iglap naging pula iyon at mula sa langit may bumabang pulang liwanag. Nanlaki ang mata ko matapos makitang isa iyon dragon.  Maraming nagsasabi na kapag nagawa mong tawagin ang devine beast at bumaba iyon. Pinili ka nito at panghabang buhay mo na itong makakasama.  "Gusto ko ng kaibigan," bulong ko matapos makita iyon. Gusto ko ng kasama kahit ano pa siyang nilalang. 

Updated at

Read
Hiding The Multimillionaire's Daughter

Hiding The Multimillionaire's Daughter

1.137K Reads

Blurb Wala akong kinamulatan na maayos na pamilya. My father is a cheater kaya palaging umiiyak ang mommy ko ngunit nagtiis siya dahil nga mahal niya si dad hanggang sa mamatay siya nandoon iyong sama ng loob niya sa dad ko. Namatay si mama dahil sa stressed dahil hindi na niya iyon kinaya. Noong namatay ang mama ko ni isang beses hindi pumunta ang papa ko para sumilip. Kalokohan lang ang pagmamahal para sa akin at ang kasal. Kung magmamahal ako at hindi niya iyon deserved wala akong balak magpakatanga gaya ng mama ko. Hindi ko hahayaan na maranasan ng magiging anak ko iyon. Tiningnan ko ang anak ko na si Myles Fornasari Navarro. My only daughter and my special one. "Pinapangako ko na hindi mo mararanasan ang sakit na naranasan ko. Aalis ako pero hindi kita iiwan. Lalayo tayo sa lahat lalo na sa mommy mo," bulong ni Barry Navarro habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus at yakap ang anak niyang babae na nasa apat na taon pa lamang. Isa si Barry sa pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Nakapangasawa siya ng isang independent, mayaman, maganda at matalinong babae. Hindi niya na kailangan mag-work para sustentuhan ang pangangailangan nila. Sino ba ayaw ng ganoon na asawa hindi ba? Pero iba si Barry— mahal niya ang dating asawa ngunit— alam niya sa sarili niya na hindi siya mahal nito. Ayaw niya na ipilit specially kung ang tingin lamang sa kaniya nito ay isang substitute ng taong totoong mahal nito. Hinaplos ni Barry ang buhok ng anak na babae na siyang sobrang kamukha ng ina. "Hayaan na natin ang mommy mo maging masaya. Kapag pinilit pa kasi natin siya— tayong tatlo lang din masasaktan." Hinalikan ng lalaki ang noo ng anak at kinulong ito sa mga bisig. Magpapakalayo-layo na sila. Pupunta sila sa lugar na sisiguraduhin ni Barry na hindi sila makikilala. "Gagawin ko lahat para punuin ka ng pagmamahal. Ibigay sa iyo ang pagmamahal ng isang ina at ama."

Updated at

Read
The Billionaire's 7 Year Old Wife

The Billionaire's 7 Year Old Wife

2.736K Reads

Blurb At the age of 18 company office na ang naging pangalawang bahay niya, daan-daang empleyado ang naging araw-araw na ka-hang out niya at tambak na papeles ang naging pampalipas araw niya. Ito ang buhay ni Keith Pittman sa edad niya na 18 years old not until— isang bata ba nasa 7 years old ang dalhin ng family lawyer niya. "In the future, this kid will be your wife. Take care of her and protect her until she reaches the right age," ani ng lawyer habang hawak sa kamay ang isang batang babae at nakatingin sa kaniya. "What the heck— are you kidding right? Hindi pa ba sapat ang responsibility ko sa kompanya at gusto niyo pang pati iyong responsibilidad sa pag-aalaga at pagpapalaki ko sa gusto niyong maging asawa ko aakuin ko," salubong ang kilay na sambit ng lalaki. Kalmado siyang kinausap ng lawyer. "Mr. Pittman, wala kayong kahit na anong choice dahil lahat ito nasa last will na," ani ng lawyer. Niyukom ng binatilyo ang mga kamao. "How on that piece of paper will be the basis of how I will live and who I will marry. Tapos gusto niyo na ako mismo ang mag-ala at magpalaki sa mapapangasawa ko?" "I'm getting married at 7 years old and I have to raise her until she reaches the right age to marry me. All of this are bullshits," ani ni Keith Pittman at nakatingin sa batang nasa harap niya. "By the way— naliligo ba ang batang yan? She stinks," ani ni Keith at umatras. Hinawakan niya pa ang ilong at puno ng pagkadisgusto ang mukha. "Bible, meet Keith Pittman. He will be your husband at simula ngayon dito ka na titira," ani ng lawyer at inilahad ang kamay. "You will be Bible Reynolds— Pittman in future and Keith is will be your in care from now on." "Bible's husband? But he looks old and nasty." "This dimwit." Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Ngumiti ng malapad ang lawyer at nagpalakpak ng dalawang beses. "Magsasama na kayo sa iisang bahay and Keith— i have a rights na kuhanin lahat ng rights mo sa company, allowance at car mo kapag may mo ginawa ang responsibilidad mo kay Bible katulad ng alagaan siya." "What! Anong ibig sabihin nito Sandro? Ako aalagaan ito?" ani ni Keith. Tinuro ang sarili niya at tinuro ang bata. "Yeah, marami ka ng oras dahil for the mean time hindi ka muna pupunta ng company. Isipin mo na lang na vacation mo ito." Nalaglag ang panga ng binatilyo matapis marinig ang lawyer. From the Ceo ng Winfield Corporation naging babysitter siya ng batang hindi niya naman kaanu-ano. "No way! Hindi ako papayag!" Ngumiti ang lawyer ng matamis at sinabing hindi naman siya nagtatanong.

Updated at

Read
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

1.561K Reads

Blurb Dahil sa isang malagim na aksidente tuluyang nasira ang magandang mukha ni Sonia Salazar— Valencia. Ito ang naging dahilan para masira at tuluyang bumaliktad ang mundo niya. Pinandirihan siya ng pamilya ng asawa, kinatakutan ng nag-iisang anak na siyang niligtas niya at tuluyan na siyang pinagpalit ng asawa sa ibang babae. "I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan. Hindi maintindihan ni Sonia— bakit iyon ginawa ng kaniyang asawa at ang taong buong puso niyang pinagkatiwalaan. Nakatayo si Sonia sa harap ng fountain sa gitna ng park. Tinitingnan ang mukha niya na balot ng benda. Sunod-sunod tumulo ang luha ng babae. "Hayop ka Victor. Ibalik mo ang anak ko," umiiyak na sambit ni Sonia at napaupo sa lupa habang nakahawak siya ng mahigpit sa gilid ng fountain. Patuloy ang paghihinagpis ni Sonia habang nakaupo sa lupa. Bukod kasi hindi binigay ng dating asawa ang anak ay pinalayas siya ng mga Valencia sa mansion na walang kahit na ano at matutuluyan. Hindi na din niya alam kung saan siya ngayon pupunta at saan magsisimula. Napahikbi ma lang si Sonia dahil sa sobrang frustration. "Are you sick?" Napatigil si Sonia at lumingon. May nakita siyang bata na nasa anim na taong gulang. Napaatras ang mga kasama nitong bata. "France! Run! Monster siya!" sigaw ng mga bata. Tumakbo ang mga ito kaya napalingon ang bata. Napatayo si Sonia at napaatras. Napatingin ang bata sa kaniya at inaabot pa din ang puti nitong panyo. Hindi iyon inaabot ni Sonia sa takot na baka bigla itong tumakbo din kapag lumapit siya. "Mommy, ang tagal kitang hinintay. Nandito ka lang pala. Uwi na tayo. Mis ka na namin ni daddy," ani ng bata. Na-shocked si Sonia. Aalis na si Sonia nang habulin siya ng bata at hawakan ang laylayan ng suot niyang jacket. "France! What are you doing here. Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang aalis ng school ng hindi kita sinusundo?" Napalingon si Sonia. May gwapong lalaki ngayon ang palapit sa kanila at mukhang hindi siya napansin. Naalala niyang sikat na celebrity ito at madalas niya makita sa mga billboard. Napatigil ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng anak. "Daddy, nakita ko na si mommy." Doon nagtama ang mata nilang dalawa. Agad na kinuha ng lalaki ang anak at binuhat. "Hindi siya ang mommy mo," ani ng lalaki at tumalikod. Biglang nagwala ang bata at sumigaw ng mommy. Pinaghahampas nito ang ama na napamura na lang. Sa isip ni Sonia mukhang may matinding anger management ang bata. Nabitawan ito ng ama. Tumakbo ang bata palapit sa kaniya at yumakap. "Mommy, don't leave me again. Promise, I will be a good boy. Magbe-behave na ako. Mommy, please, don't leave me." Sa isang iglap nang araw na din iyon bigla si Sonia na nagkaroon mg anak at kinilala siya nitong mommy. Ayaw umuwi ng hindi siya kasama. Napasapo ang lalaki sa noo. "Maari bang sumama ka sa amin ngayon? Babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan ko lang iuwi ang anak ko," ani ng lalaki. Pinagtitinginan na sila doon at tinatakpan na ng lalaki ang mukha niya. Malaking gulo kung may mga reporter pa na pumunta doon at mas dumami iyong tao na nakakapansin sa kaniya. Sa isip ni Sonia paano siya makakatanggi kung may dalawang pares ng asul na mga mata ang ngayon ay nakapako ang tingin sa kaniya. Nagmamakaawa na sumama na siya. Sa pagdating ng dalawang tao na iyon ay kahit ilang minuto ay nawala sa isip niya ang walang hiya niyang dating asawa at ang buong pamilya nito. "O-Okay sasama ako." Hindi alam ni Sonia. Miyembro 'man ang mga ito ng kulto o sindikato. Wala na siyang pakialam. Wala ng halaga ang buhay niya— wala na ang anak niya, wala na ang lahat sa kaniya mula sa career at sa pamilya. "Mommy, uwi na tayo."

Updated at

Read
Strange Tides

Strange Tides

4.444K Reads

Book 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you SPG! SPG! R-18 Introduction Wala naman problema si Jasper like magaling ito sa academics, gwapo and masasabi mong almost perfect na talaga dahil mabait din ito. Friendly at mabilis mag-adopt sa kahit na anong sitwasyon at environment. Except na lang talaga sa pagiging confused nito sa sexual orientation niya at pagiging clumsy. May mga habit kasi si Jasper Ortega at mga preference na talaga naman— magdududa ka kung straight ba ito o hindi. Mas prefer ni Jasper ang make up, art at paggawa ng mga designs kaysa mag-aral ng martial arts at sa sports. Gusto din ni Jasper na something na cute katulad ng pink sweater, hairband and hairpin sa madaling salita mas prefer niya iyong something na girly kaysa sa mga bagay na magmumukha siyang manly. Isama pa na mas komportable siya na makipag get along sa mga babae na medyo hindi normal sa mga straight. He found it wierd specially wala siyang nararamdaman na something special makipag-get along 'man siya sa boys or sa girls. "What if— gay ako."

Updated at

Read

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.